Chapter 37

1583 Words
" Dwarf! pwede ka nang umuwi, kami na ang bahala rito. " wika ni Jazzie, pati sila Dwarf na ang tawag sakin, kainis. Napalingon ako sa buong paligid upang hanapin si Ivo pero hindi ko ito makita. " Umuwi kanina si Ivo, dumating kasi si tita kanina kaya hinatid niya ito. " dagdag pa nito nang mapansin na tila may hinahanap ang aking mga mata. Nakatulog pala ako sa paghihintay sa kanila, napatingin ako sa aking relo at alas otso na pala ng gabi. Hanggang anong oras kaya nila balak magpractice dito? " Sige, mauna na akong umuwi ha! " sabi ko dito saka tumayo, nakaupo kasi ako at nakasandal sa pader. " Gusto mo ihatid na muna kita? gabi na rin kasi baka kung mapano ka pa. " sabi nito na ikinangiti ko. " No thanks, kaya ko na. Isa pa may mga masasakyan lang naman sa labas. " sabi ko, hindi ko kasi dinala ang aking motor kaninang umaga dahil tinatamad akong mag drive at kasama ko pa si sunflower. " Sigurado ka? " tanong nito, tumango ako at ngumiti. " Okay, just call me if you need help. " sabi pa nito. " Sige, salamat. " sagot ko bago tuluyang umalis. Paglabas ko ng school ay nasapo ko ang aking noo nang makitang umuulan ng malakas. Wala akong dalang payong. Naghintay ako sandali upang tumila ang ulan subalit isang oras na yata akong naghihintay hindi parin ito tumitila kaya nagpasya akong tumakbo para maghanap ng masasakyan. Pero ganun na lamang ang aking pagkadismaya nang makitang wala na ang mga tricycle na nakapila malapit dito sa harap ng school. Patakbo na sana akong pabalik sa school nang may mabangga ako, nagulat ako nang pag angat ko ng tingin ay si Ivo ang nakita ko. " Anong ginagawa mo sa gitna ng ulan? " kunot noong tanong nito, napatitig ako sa maamong mukha nito. Hindi siya galit at hindi rin mukhang may gagawing hindi maganda kundi may nakikita akong pag-aalala sa kanyang mga mata na ikinangiti ko. " Dwarf! baliw kana ba? nagagawa mo pang ngumiti sa gitna ng malakas na ulan. " sabi nito na lalo kong ikinangiti. Whenever he see someone hurt or need a help, he become so gentle. I can see that he's a person who cares a lot for others, but he hates himself. Bakit kaya? Bakit ang tingin niya sa sarili niya ay demonyo siya? Bakit galit siya sa sarili niya? " Psh! Come here, basang-basa na tayo ng ulan. " sabi nito at hinawakan ako sa aking pulsuhan, napangiti ako nang makitang may suot itong gloves. Hinila niya ako at dinala sa kanyang kotse, binuksan niya ang pintuan at agad akong pinasakay. Mabilis din siyang umikot at sumakay sa driver's seat. " Bakit kaba nagpapaulan? sana nagpahatid ka na lang kay Jazzie o kaya kahit sino roon. " sabi nito habang binubuhay ang makina ng sasakyan. " Abala kasi sila sa pagprapractice kaya hindi ko na sila inabala pa. Hindi ko naman alam na maulan pala. " sagot ko dito, sinimulan naman niyang pausadin ang kotse. " Sana kasi naghintay kang tumila ang ulan. Hindi yung nagpaulan ka, ano ka? bayani? " sermon nito. Para siyang boyfriend ko na nagagalit habang ako girlfriend na pasaway. Ano ba tong iniisip ko? napailing ako upang alisin ang kalukuhang naiisip. " Nakikinig ka ba? " tanong nito na ikinalingon ko sa kanya. " Ha? " wala sa sariling tanong ko. " Psh! " sabi lang nito at hindi na nagsalita pa, alam naman na niya ang tinitirahan ko dahil noong nalasing siya ay dito ko siya dinala. Napayakap ako sa aking sarili nang makaramdam ng ginaw. Mukhang napansin niya ito kaya pinatay niya ang aircon at binuksan ang heater. Kinuha niya ang jacket sa likod. " Use this. " sabi nito at inabot ang jacket, hindi ito basa. Marahil ay iniwan niya ito kanina pagkababa ng kotse. " Paano ka? " tanong ko, basang-basa narin kasi siya at siguradong giniginaw din ito. " Stop worrying about me, will you? Unahin mong isipin ang sarili mo. " sabi nito saka binitawan ang jacket at nahulog sa kandong ko. Kinuha ko ito at isinuot, nagsimula na naman ang pagsusungit nito. " Thanks! " sabi ko na lamang. Pagdating namin sa boarding house ko ay agad akong bumaba, akala ko ay aalis na ito pero napalunok ako nang bumaba rin ito ng kotse, nauna pa nga itong umakyat sa hagdan. Nasa itaas kasi ang aking boarding, nasa baba nakatira ang may ari. " Ano pang ginagawa mo? giniginaw na ako. " sabi nito kaya napatakbo ako paakyat ng hagdan. Pagkabukas ko ng pintuan ay deretso ito sa banyo na ikinalingon ko. Kumuha ako ng towel at naghanap ng pwede niyang maisuot. Hindi naman ganun kalaki ang katawan niya kaya tingin ko kasya sa kanya yung mga oversize shirt ko. Pero bigla naman akong nakaramdam ng hiya nang maisip na isusuot niya ang damit ko. " Bakit namumula ka? " nagulat ako dito, nakalabas na pala siya ng banyo. Agad kong nahaplos ang aking pisngi, lalong nag init ang mukha ko dahil sa hiya. " W-wala... punasan mo yang buhok mo para hindi ka magkasakit. " sabi ko sabay abot ng towel sa kanya, agad naman niya itong kinuha. " Hindi ka pa ba uuwi? " tanong ko dito na ikinahinto niya at tinignan ako ng masama na ikinalunok ko. " Hmm.. ano kasi... basang basa ka, wala akong maibigay na bibihisan mo. " sabi ko dito. " I understand, yang liit mo ba naman kasing iyan. Hintayin ko lang yung sundo ko. " sabi nito saka umupo sa sofa. Hampasin ko kaya ito? masyadong bully e. Naglakad ako patungo sa kwarto at binuksan ang cabinet. Kinuha ko yung black na oversized shirt ko at kumuha narin ako ng bibihisan ko saka bumalik sa sala. " Wear this para hindi ka ginawin at magkasakit, magbibihis lang ako. " sabi ko saka inabot sa kanya yung t-shirt, wala naman siyang imik na kinuha ito. Nagtungo ako sa banyo at nagbihis. Nang matapos ay nadatnan ko siyang may pinipindot sa kanyang cellphone. Hindi ko napigilang mapangiti nang makitang suot niya ang tshirt ko, ng cute niya tignan. Umupo ako malayo sa kanya at pinupunasan ang aking buhok. " Kumain kana? " tanong nito, ngayon ko lang din naisip na hindi pa nga pala ako kumakain. " Hindi pa, ikaw ba? " tanong ko, umiling naman ito. Hindi ko alam kung may maluluto akong pagkain, hindi ko kasi nacheck kahapon ang mga stock ko. Kaninng umaga kasi sa school ako kumain hanggang lunch. " Sandali, titignan ko kung may maluluto ako. " sabi ko at akmang tatayo na. " Wag na... " sabi nito kaya napaupo akong muli. " Parating na yung sundo ko. " dagdag pa nito. " Ok! " maikling sagot ko. " Bakit ka mag-isa sa ganitong lugar? it's not safe. " sabi nito na ikinangiti ko. Is he worried? " Asan ba ang pamilya mo? ang parents mo? " tanong nito, mapait akong ngumiti saka isinandal ang likod sa may sofa. " Wala na akong pamilya. " simpleng sagot ko na ikinatahimik niya, kita ko ang bakas ng pagkaawa sa kanyang mukha and oli don't like it. " Masaya naman akong mag-isa lang. Isa pa, safe naman dito. Ilang taon narin naman ako dito, lagi rin akong dinadalaw ng mga kaibigan ko. " sabi ko dito. " Okay! " sabi niya. " Sorry nga pala kanina, akala ko kasi ikaw na naman ang bumato ng bola. Lagi mo kasi akong pinagtri-tripan. " " Psh! " yun lang ang nasabi niya, atleast nakapag sorry ako. Napalingon kami sa pintuan nang may kumatok, tatayo na sana ako nng mabilis siyang tumayo at tinungo ang pintuan saka binuksan. " Sir, heto na po ang pinapabili niyo. " sabi ng lalaking nakakulay itim. " Salamat! " sabi naman ni Ivo at kinuha ang naka paper bag. " Wait for me outside. " sabi nito sa lalaki bago tinalikuran at lumapit sa akin, napa kurap-kurap ako nang iabot niya sa akin ang paper bag, kinuha ko naman ito. " Eat then take a rest para hindi ka magkasakit. " sabi nito at tumalikod na. " Wait! " pigil ko dito na ikinahinto niya at humarap sa akin. " What? " tanong niya na ikinalunok ko. " A-aalis kana? " nauutal kong tanong. " Yeah! it's already late, isa pa i need to get change at baka ako naman ang magkasakit. " kunot noong sagot nito, nakagat ko ang ibabang kabi ko saka tumango. " Sabihin mo nga... mahal mo n ba ako? " nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Ako? mahal siya? Kalokohan! At bakit naman sana? At bakit niya naitanong? " H-hindi noh! S-sige na, umalis kana nga. " pagtataboy ko dito na ikinatawa niya ng mahina na ikinahinto ko, napakurap-kurap pa ako sa gulat dahil sa nakita. Totoo ba yung nakita ko? tumawa siya? Naramdaman ko ang mabilis at malakas na t***k ng aking puso. Puso kumalma ka nga! bakit kaba ganyan? tumawa lang naman siya, ano naman ngayon? " I'm going, take care. " sabi nito at binuksan na ang pintuan na ikinalingon ko sa kanya. " Ingat! " pahabol ko, nakita kong nilock niya ang pintuan bago tuluyang lumabas na ikinangiti ko. " He's an evil but sometimes very soft. " bulong ko at nagtungo sa kusina para kumain, lalo akong napangiti nang maisip na pinabilhan niya ako ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD