Chapter 38

1204 Words
Nasa may gate ako at inaabangan ko si Ivo, gusto ko lang magpasalamat dahil sa paghatid niya sa akin kahapon. Hanggang ngayon napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko ang nangyari kahapon. Sino bang maniniwala na masama siyang tao kung ang dami niyang kabutihang ginagawa na laging makikita? " Bakit kaya wala siya? baka nagkasakit na. " bulong ko sa aking sarili nang hindi parn makita si Ivo. Malapit na ang aking klase kaya nagpasya na akong pumasok, hanapin ko na lang siya mamaya sa VIP room. " Uy! Calli, nagawa mo yung assignment? " tanong ni Sophie pagkaupo ko. " Ah, may assignment? " tanong ko, kumunot ang noo nito. " Oo, nakalimutan mo? " tanong nito, bigla aking kinabahan. May pagmamadling kinuha ko ang aking notes kahapon at nasapo ko ang aking noo nng makita ang assignment. Dahil sa nangyari kahapon, masiyado akong naging lutang at hindi na ito naalala. " Anong nangyari sayo? ngayon ka lang yata nakalimot ng assignment. " nagtatakang sabi ni Sophie, napakamot ako at nahihiyang ngumiti. " Kwento ko mamaya, gawin ko lang ito habang wala pa si mam. " sabi ko. " Here.. kopyahin mo na. " sabi nito saka inabot ang kanyang papel na agad kong ikina-iling. " Kaya ko to. " nakangiting sabi ko na ikinatawa niya ng mahina. " Iba talaga kapag matalino. " sabi nito, ngumiti lang ako dito at ginawa ang assignment. Hindi naman talaga ako matalino, mahilig lang ako magbasa kaya medyo marunong ako. Pagkatapos ng klase ay dumeretso kami ni Sophie sa cafeteria at binalak kumain. Pareho pala kaming hindi pa nag-aagahan. " Now tell me, anong nangyari kahapon? " umpisa ni Sophie habang kumakain kami. Maaga kasing umuwi ito kahapon, ayaw ko na rin naman siyang paghintayin. " Yun nga, gabi na nagpapractice pa rin sila. Kaya pinauwi na ako ni Jazzie at siya na raw ang bahala doon. Wala kasi si Ivo at umuwi nga raw dahil pinuntahan ng mama niya. " panimula ko. " Tapos? " di makapaghintay na tanong ni Sophie. " Tapos, ang lakas ng ulan kahapon. Hindi ko dala ang motor ko kaya wala akong choice kundi maghanap ng masasakyan. Nahirapan akong maghanap kaya basang basa na ako sa ulan. Tapos habang nasa gitna ng ulan, bigla na lang sumulpot si Ivo. " kwento ko habang hindi mapigilan ang mg ngiti sa labi. " Talaga? tapos anong nangyari? " kinikilig na tanong nito, naalala ko na naman yung nangyari kagabi. " Tapos hinatid niya ako sa bahay then pinapasok ko siya sandali at hinintay niya yung sundo niya. " sagot ko na ikinasimangot ni Sophie. " Ikwento mo naman ng maayos, ang daya mo naman e. Anong napag-usapan niyo? bakit bigla siyang bumait sayo? tapos anong nangyari pagkaalis niya? anong oras siya nakauwi? " sunod-sunid na tanong nito na ikinatawa ko. " Secret! " nakangiting sabi ko na ikinasimangot niya lalo. " Sabihin mo na kasi, kapag dimo sinabi ipagkakalat king may gusto ka kay Ivo. " biro nito. " Uy wala ha! wala akong gusto sa kanya. " sabi ko kahit na ang totoo, nagdududa na ako sa sarili ko kung gusto ko na nga ba siya o hindi. " sus! nagdedeny pa e. " natatawang sabi ni Calli, magsasalita pa sana ako nang may tumawag sa akin na ikinalingon ko. " Calli, pinapatawag ka sa VIP room. " sabi ng isang estudyante. Agad akong napangiti, si Ivo siguro. Tamang-tama para makapagpasalamat na rin ako sa paghatid niya kahapon. " Sophie, alis muna ako. Mamaya ulit tayo mag-usap. " paalam ko kay Sophie at tumayo na saka kinuha ang aking bag. " Sige ingat, galingan mo sa pagpapaamo sa demonyong yun. " sabi nito na ikinatawa ko at naiiling akong naglakad papalabas ng cafeteria. Nang marating ang VIP room ay kumatok ako pero walang nagbubukas kaya nagpasya akong pihitin na lamang ang door knob. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakita si Ivo sa sofa nakaupo at nakapikit ang mga mata. Nakajacket ito ng makapal at nakaface mask na ipinagtaka ko. Wala rin sina Jazzie at Zach, dahan-dahan akong pumasok at lumapit sa kanya. Mukhang may sakit na ito, bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. " Ivo.. Ivo.. " tawag ko dito habang marahang niyuyugyog ang kanyang balikat, dahan-dahan naman itong nagmulat at tumingin sa akin. " May sakit ka? " tanong ko dito, sumama ang tingin nito sa akin pero hindi ko iyon pinansin dahil mapula ang mga mata nito at halatang may sakit. " Oo dahil to sayo. " sabi niya na ikinasimangot ko. Lalo tuloy akong nakokonsensiya, iba din tong lalaking to talaga. " Halika.. " napakunot noo ako dito. " Halika nga, lapit ka.. " sabi nito habang ang daliri ay sumisenyas na lumapit ako sa mukha niya. Napalunok ako at kinakabahang lumapit sa kanya. Halos hindi ako makahinga dahil sa lapit ng aming mga mukha. Inalis niya ang kanyang facemask at ang demonyo uubuhan lang pala ako kaya mabilis akong lumayo. " Ang bastos mo talaga! " singhal ko dito habang siya ay tumatawa kaya napahinto ako. Ito na ang pangalawang beses na nakita ko siyang tumawa. " Mas gwapo ka kapag nakangiti at tumatawa. " wala sa sariling sabi ko kaya napahinto ito at napaiwas ng tingin. " Aish! ano bang sinasabi ko? " bulong sa sarili, naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha at siguradong ang pula na nito. " A-aalis na ako.. " nagmamadaling sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Pagkalabas ko ng VIP room ay naipaypay ko ang kamay sa aking mukha. " Ano bang nangyayari sa akin? ang bobo mo talaga Calli. " kausap ko sa aking sarili. Wala sa sariling nagtungo ako sa aming classroom, nadatnan ko roon si Sophie na may kausap na lalaki. " Sino yun? " bulong ko at lumapit sa kanila. " Uy Calli, anong nangyari? bat namumula ka? " kunot noong tanong ni Sophie kaya napahawak ako sa aking mukha. " Ah.. wala, mainit lang siguro. " pagdadahilan ko at napatingin doon sa lalaki, gwapo naman ito at pwedeng ilaban ang itsura kay Zach, mukhang mabait rin. " Ah by the way, this is Earl Jan Barte from Engineering department. Earl, this is Calli, my bestfriend. " pagpapakilala ni Sophie, ngumiti ako sa lalaki. " Hello! " nakangiting bati nito. " Hello din. " bati ko. " Ahm.. mukhang malapit nang magsimula ang klase niyo. Aalis na rin ako. " paalam nito. " Sige, ingat and thank you " Nakangiting wika ni Sophie at iniangat pa ang pagkain sa kanyang harap na mukhang galing sa lalaki. " You're welcome. " nakangiting sabi ng lalaki bago tuluyang umalis. " Huy Sophie, umamin ka nga. Nanliligaw ba yun sayo? " tanong ko kay Sophie, ngumiti naman ito at umiling. Nakahinga naman ako ng maluwag, hindi sa ayaw kong magkagusto siya sa iba. Natatakot lang ako na baka gawin niya lang panakip butas yung tao. Hays! dahil sa mga pinapabasa ni Elji na libro, may mg natututunan na ako tungkol sa pakikipagrelasyon. " Ayaw kong tumanggap ng manliligaw hanggat hindi pa ako nakakamove on. " sabi nito. " Yan ang kaibigan ko. Maganda sa panlabas at panloob na katangian. " sabi ko na ikinatawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD