Chapter 39

1230 Words
Alas tres na ng hapon at wala na kaming subject, papalabas na kami ni Sophie at balak nang umuwi nang tawagin ako ni Jazzie. " Can we talk? " tanong nito, napatingin ako kay Sophie. " Sophie, mauna ka nang umuwi. Mag-uusp lang kami tgen uuwi na rin ako. " sabi ko kay Sophie. " Okay, ingat ha! " sabi nito, ngumiti ako at tumango. " Ingat din. " wika ko bago ito umalis. Pagkaalis niya ay napatingin ako kay Jazzie, nakatayo ito sa aking tabi at ang mga kamay ay nasa kanyang bulsa. " Anong pag-uusapan natin? " tanong ko dito, napakamot ito sa kanyang kilay. " I need your help. " nagdadalawang isip na sabi nito. " Saan? " tanong kong muli. " Kanina kasi pinilit ni Ivo na pumasok sa klase kahit masama ang pakiramdam. Then, tumaas lalo yung lagnat at nawalan ng malay kaya inuwi namin. Ayaw niyang magpadala sa Ospital at ayaw rin niya sa bahay nila kaya sa condo siya nagpahatid. Ang kaso, walang mag-aalaga sa kanya dun. Baka pwedeng puntahan mo muna, may lakad din kasi ako e. " sagot nito. Kasalanan ko naman kung bakit siya nagkasakit. Siraulo rin kasi yun e, bakit pa sia bumaba ng kotse nang makita ako. Pwede namang inilapit na lang niya sa akin ang kotse. " Saan ba ang condo niya? " tanong ko na ikinangiti ni Jazzie. " Here's the address, wag kang papayag na ipagtabuyan ka niya. " sabi nito saka inabot ang isng maliit na papel, kinuha ko naman. " Gooooo.. Calli. Bye! " masayang sabi nito at tumakbo na paalis, napasimangot ako at tinignan ang address. " Hindi naman siguro yun magsusungit dahil may sakit siya. " bulong ko at tinungo ang parking lot saka sumakay sa aking motor. Dumaan muna ako ng mercury drug upang bumili ng gamot at baka wala siyang stock ng gamot. Nang marating ang condo niya ay mabilis akong umakyat. Pagdating doon ay nagdoorbell ako, ilang ulit din akong nagdoorbell bago ito bumukas. " Balak mo bang sirain ng doorbell! " inis na sigaw nito pagkabukas niya ng pintuan, kumunot ang noo nito nang masilayan ako. " Anong ginagawa mo dito? " masungit na tanong nito. Kelan ba ito hindi nagsungit? ang sarap niyang kutusan e. " Psh! Papasukin mo muna kaya ako? Kanina pa ako nagdo-doorbell e. " reklamo ko, niluwagan naman niya ang pintuan kaya mabilis akong pumasok at baka magbago pa ang isip nito. Isinara naman niya ang pintuan at hinarap ako. " Now speak, why are you here? " tanong nito kasunod ng pag-ubo. " Sabi ni Jazzie, may sakit ka. " sagot ko. " At ano naman ngayon? " masungit nitong tanong, napabuga ako ng hangin. " Nagi-guilty ako dahil kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit kaya andito ako para alagaan ka. " sagot ko dito. " Psh! i'm okay, hindi na ako bata. So get out. " sabi niya at nagtungo na sa kanyang kwarto. " Get out.. get out.. puro ka si get out.. " sabi ko at nagtungo sa kusina, naghalungkat ako ng mga gagamitin. Siguradong hindinpa ito knakain kaya magluluto muna siguro ako ng lugaw saka siya painumin ng gamot. Nang matapos magluto ay kumuha ako ng food tray at inilagay doon ang isang mangkok ng lugaw, isang kutsara, isang basong tubig at ang gamot na dala ko. Nagsuot din ako ng gloves para kahit hawakan ko siya ay ayos lang, saka nagtungo sa kanyang kwarto. Bukas naman ito kaya nakapasok ako. Nadatnan ko itong mahimbing ang tulog, ipinatong ko sa bedside table ang dala ko at binuksan ko ang drawer ng bedside table. Doon ay nakita ko ang thermometer, kinuha ko ito at kinuhanan siya ng temperatura. " Ang tigas kasi ng ulo. " bulong ko habang tinitignan ang mataas niyang temperatura. Umupo ako sa tabi niya at tinapik siya ng mahina, sapat lang na magising siya. " Ivo.. you need to eat para makainom ka ng gamot. " sabi ko dito, dumilat naman ito ng mata saka muling pumikit. " Ayaw ko.. " mahinng sabi nito. " Wag nang matigas ang ulo mo, ang taas ng lagnat mo. Kung ayaw mong makinig sa akin, dalhin na lang kita sa ospital. " sabi ko dito, napabuga ito ng hangin at tinignn ako ng masama. " Fine! " masungit na sabi nito at dahan-dahang umupo na agad kong tinulungan. Ipinatong niya ang likod sa headboard, kinuha ko naman ang pagkain at sinimulan siyang subuan. Tahimik lang naman itong kumakain at ni hindi ito makatingin sa akin, diko alam kung naiinis ba siya sa akin o kung ano man. Nang matapos ay pinainim ko siya ng gamot, wala naman itong reklamo. Parang mas okay na magkasakit na lang ito palagi para ganito siya kabait, char! " Take a rest, babantayan kita. " sabi ko, tinignn niya ako ng tila hindi makapaniwala. Ngumiti ako dito at kinuha ang mga ginamit at dinala sa kusina, pagbalik ko ng kwarto niya ay naiatingin lang ito sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa kanya. " Pwede ka nang umuwi, okay na ako. " sabi nito na wala paring emosyon. " Sabing babantayan kita e, kaya magpahinga kana lang diyan. " sabi ko, hindi naman ito nagsalita. Humiga lang ito patalikod sa akin, kinuha ko ang wing chair na nasa gilid at itinabi sa kama saka doon umupo. Makalipas ang dalawang oras ay kinuhanan ko siyang muli ng temperatura, mataas pa rin ang kanyang temperatura. Nagpasya akong lumabas ng kwarto at magtungo sa kusina, kumuha ako ng planggana at nilagyan ng maligamgam na tubig. Naghanap din ako ng bimpo sa mga kabinet at bumalik sa kwarto. Napalunok ako nang makalapit sa kanya, dahan-dahan kong pinunasan siya sa ulo, leeg, kamay at paa. Kahit nanginginig ay nagawa ko namang tapusin at muli itong kinumutan. Ibinalik ko ang mga ginamit sa kusina at muli siyang binantayan. Nang mapansing pinagpapawisan na ito ay naghanap ako ng bihisan niya at saka ito ginising. Agad naman iting nagmulat ng mga mata. " You're still here? " nanghihinang tanong nito, ngumuti ako at tumango. " Kailangan mong magbihis, basa kana ng pawis. " sabi ko dito, tumango naman ito. Iniabot ko sa kanya ang bihisan niya at akmang tatayo na para lumabas nang magsalita ito. " Where are you going? " kunot noong tanong nito. " ah! sa labas para makapagbihis ka. " sagot ko. " Nanghihina pa ako kaya tulungan mo ako magbihis. " sabi nito na ikinalunok ko, biglang nanginig ang buo kong katawan. " Hey! ano pang ginagawa mo? " untag nito. " Ha? ah sandali. " wala sa sariling saad ko at unti-unting lumapit sa kanya. Kulang na kamang ay bumigay ang aking mga tuhod sa sobrang nginig. Napa-iwas ako ng tingin nang maghubad ito ng pang-itaas, hindi ko tuloy alam kung paano siya tutulungan. Bakit ba kasi ako pumayag? Syempre magpapalit din yan ng pang-ibaba, napalunok ako at lalong nanginig. Biglang uminit ang buong paligid, pinagpapawisan na yata ako. " You're blushing.. Sige na, ako na ang magbibihis. Doon kana muna sa labas. " natatawang sabi nito, hindi ko alam ang sasabihin kaya dahan-dahan na lamang akong umalis. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako ng pintuan. Pinaypayan ko ang sarili dahil sa init na nararamdaman. Nakakahiya yun, bakit ba kasi naisip niyang magpatulong e kaya naman pala niya? Magpasalamat siya at may skit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD