Chapter 40

763 Words
IVO Nagising akong wala na si Calli, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na bigla na lang siyang sumulpot dito at inalagaan ako. " Should i thank her? Psh! wag na, total kasalanan naman niya. " bulong ko at nagtungo sa banyo saka naligo. Nang matapos magbihis ay bumaba na ako, kumunot ang aking noo nang may makitang pagkain sa lamesa. Sunny side up egg, sinangag, hotdog at bacon na nakahugis puso pa. Kinuha ko ang note na nakalagay sa may gilid. " Eat your breakfast. Call me if you need a help. " Napangiti ako nang mabasa ito, masiglang umupo ako at sinimulang kumain. Hindi naman talaga ako kumakain ng breakfast, this is the 2nd time. First, ay noong sumabay ako sa kanya sa cafeteria. Ewan ko ba kung anong nakain ko noon at sumama ako sa kanyang kumain. Nang matapos kumain ay inayos ko ang pinagkainan sa lababo at hinugasan saka umalis. Aabot pa naman ako sa second subject namin. Pagpasok ko ng room ay nadatnan ko roon sina Jazzie at Zach, tahimik silang nakaupo at naghihintay sa aming prof. " How are you? " nakangising tanong ni Jazzie, inirapan ko ito. Matagal na panahon din akong naging cold sa kanila, kaya naisip kong ibalik na ang dating pakikitungo ko sa kanila. Ayaw ko nang idamay sila sa pagpaparusa ko sa sarili ko dahil sa nangyari noon. " Psh! sh*t up! Alam kong ikaw ang nagpapunta kay Calli sa condo ko. " masungit na sabi ko dito na ikinatawa niya ng mahina. " and hinayaan mo siyang makapasok? " tanong ni Zach at pareho na sila ni Jazzie na nakatingin sa akin ng nakakaloko. " Psh! As if naman kakayanin kong makipagtalo dun kung nasa ganoong kalagayan ako. " sabi ko saka umupo sa aking upuan. " Wow! Isang Calli lang pala ang makakatalo sa isang Ivo Meyers. " sabi ni Zach, tinignan ko sila ng masama na ikinatawa lang nila. Looks like they we're enjoying teasing me. " Nagkita na kayo ng fiancee mo? " tanong ko kay Jazzie na ikinawala ng ngiti sa kanyang labi, ako naman ang napangisi. Magkakaibigan ang magulang naming tatlo, nakasanayan na ng pamilya namin ang arrange marriage. Para mas mapalago ang business na mariing tinatanggihan namin cause we believe that we can achieve success without that thing. Si Jazzie ay nag-iisang anak at dahil napakabait niyang anak, hindi niya matanggihan ang magulang. Si Zach naman ay ligtas dahil ang kuya niya ang napiling i-arrange marriage. Ako naman, kapag sinabi kong ayaw ko wala silang magagawa. Para sa akin, magpapakasal lang ako sa taong mahal ko at mahal ako and no one can stop me. " Sa dinami-dami ng babae dito sa mundo, bakit yung ganung klase pa ang binigay na papakasalan ko? Napaka-amazona, katulad na katulad ni Calli at ni Sophie. " naiinis na sagot ni Jazzie, tila natahimik naman si Zach nang marinig ang pangalan ni Sophie. " Maganda ba? " nakangising tanong ko. " Psh! hindi! " sabi nito na lalo kong ikinangisi, mukhang nakahanap ng katapat ang kaibigan ko. " Oo nga pala, kinukumusta mo ba si Sophie? " tanong ko kay Zach na ikinalingon niya sa akin. " Narinig ko kasi kay Calli na tila laging may sakit si Sophie. Nag-aalala na nga rin si Calli e, kaso hin- " hindi ko pa man nasasabi lahat ng sasabihin ko ay patakbong umalis na si Zach na ikinatawa ko at ikinailing. " Kailan ba matatauhan si Zach? " napapailing din na sabi ni Jazzie, napakibit balikat na lang ako. " Ivo, umamin ka nga. Gusto mo ba si Calli? " tanong ni Jazzie na ikina-iling ko at ngumiti. " Natutuwa lang ako sa kanya, yun lang yun. " honest na sagot ko, totoo yun at sigurado akong hindi ko siya gusto. Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya dahil isang babae lang ang gusto ko. " Hmmm... sana nga. " nakangising sabi ni Jazzie na tila hindi kumbinsido sa sagot ko, hindi ko na lang siya pinansin. I don't really feel anything towards her, naaawa lang ako sa kanya knowing that she has no family to take care of her at may haphephobia pa siya. Idagdag mo pang nahihiwagaan ako sa kanya lagi. SOPHIE Napatingin ako sa lalaking bigla na lamang umupo sa aking tabi, narito ako sa rooftop kung saan madalas kaming magkita ni Zach dati. " Earl, anong ginagawa mo dito? " tanong ko, ngumiti naman ito at tumingin sa malayo. " Ikaw? anong ginagawa mo dito? nagpapalipas ng lungkot? " tanong niya, ngumiti ako ng pilit at tumango. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD