Napabuntong hininga ako nang tumunog ang aking cellphone at nakitang tumatawag si Ivo. Kasalukuyan akong naglalakad patungong library para sana magbasa-basa dahil mamaya pa ang subject namin. Si Sophie kasi, kasama niya si Earl at kakain daw sila sa labas. Hindi na ako sumama, baka makaabala lang ako sa kanila.
" Ano na naman kayang kailangan nito? " bulong ko, kinuha ko ang cellphone at sinagot ang kanyang tawag.
" What? " masungit kong bungad dito.
" Sa pagkakaalam ko vacant time niyo ngayon, pumunta ka dito sa VIP room. " sabi nito, i rolled my eyes.
" K. " sagot ko dito.
" And oh, buy us some snacks. Kahit ano, hindi naman kami maarte. " dagdag pa nito saka pinatay ang tawag.
Diba napakabait niya? napakabait niya, kaysarap niyang suntukin. Nakakainis!
Wala na akong nagawa kundi bumili ng snacks ng tatlo at nagtungo sa tambayan nila. Napahinto ako sa paglalakad nang makita sa harap ng pintuan si Ivo, kasama ang isang babae.
" Psh! I'm Maikee Fajardo, ilang beses ba ako dapat magpakilala para matandaan mo pangalan ko? " sabi ng babae at pinagkrus pa niya ang kanyang mga braso sa dibdib.
" Psh! Kahit isang milyong beses kapa magpakilala kung wala akong pakialam sayo, hindi ko matatandaan ang pangalan mo. " masungit naman na sabi ni Ivo, hindi ko alam kung lalapit ba ako, kung aalis ba ako o kung ipagpapatuloy ang pakikinig sa kanila.
" Then i'll do everything to make you remember my name. " nakangising sabi nung Maikee na lalong ikinainis ni Ivo. Hindi ko alam pero imbis na matuwa dahil nakahanap ng katapat ang demonyong to, bakit parang naiinis pa ako?
" Dream on woman! get out! " pagtataboy nito, ngumiti lang yung Maikee at pinisil ang tungki ng ilong ni Ivo na agad namang hinampas nito ang kamay ng babae.
" Get out! " galit na galit na sigaw ni Ivo, natatawa namang umalis yung Maikee. Sandali pa itong napahinto nang makita ako pero agad ding nagpatuloy sa paglalakad. Nang makatapat sa akin tinaasan niya ako ng kilay na ikinakunot ng aking noo.
" Psh! " pagtataray nito at mabilis akong nilampasan, sinundan ko lang siya ng masamang tingin saka nilingon si Ivo ngunit wala na ito at nakapasok na sa loob ng VIP room.
Dali-dali akong sumunod doon, pagpasok ko ay naabutan ko sina Jazzie at Zach na naglalaro ng kung ano sa kanilang cellphone sa sofa habang si Ivo ay hindi maipinta ang mukha. Naka-krus ang mga braso nito sa dibdib at nakatayo na tila naghihintay sa aking pagdating.
" Ang tagal mo, ganyan ba talaga kayong kumilos na mga babae? " mataas ang boses na sigaw nito na ikina-inis ko.
" Sorry sir. Oh! ayan, ikain mo na lang yang init ng ulo mo. " pigil ang inis na sabi ko dito saka inabot ang binili kong pagkain.
Padarag niyang kinuha ito sa akin, nakakabuwisit talaga ang lalaking to. Kung galit siya, wag niya akong idamay.
" Lumayas kana, mas lalo lang akong naiinis e. Pare-pareho kayong mga babae kayo, alis! " pagtataboy nito kaya diko na napigilan yung inis ko.
" Talagang aalis ako! siraulo, pati ako idadamay sa init ng ulo! " pasigaw na sabi ko na ikinahinto ng dalawang naglalaro, mabilis ko silang tinalikuran at hindi na tinignan pang muli si Ivo.
Inis na inis akong bumalik sa aming classroom, kinuha ko yung aking ballpen at notebook. Nagdrawing ako ng simpleng anyo ng tao at nilagyan ng pangalan ni Ivo saka pinagtutusok ng ballpen para ilabas yung inis ko sa kanya.
Hanggang hapon ay hindi na ako muling kinulit pa ni Ivo na ipinagpasalamat ko dahil naiinis parin talaga ako sa kanya.
IVO
" Anong nangyari? " takang tanong ni Jazzie matapos kaming matulala sa inasal ni Calli.
" Nothing! " sagot ko saka inihagis sa kanya yung binigay ni Calli na meryenda.
" Dalawang babae na ang gumugulo sayo ngayon, paano na yan? " nakangising tanong ni Zach na agad kong binalingan ng matalim na tingin.
" Sh*t up! " mariing saad ko, expected ko naman nang makikinig sila sa usapan namin ng babaeng yun, kung sino man ulit yun. Pero sa totoo lang, bumilib din ako sa babaeng yun sa laki ng fighting spirit niya.
" Pero ang ating si Calli bakit sinisigaw-sigawan kana ngayon? " natatawang sabi ni Jazzie. Mukhang mali ang pasya kong ibalik ang dati naming samahan, napapadalas na ang pang-iinis nila sa akin e.
" Jazzie, kanino ka boto sa dalawa? Dun ako sa Maikee. " sabi ni Zach na agad nilingon ni Jazzie.
" Syempre dun ako kay Calli. " desididong sagot ni Jazzie at nag-apir pa ang dalawang siraulo. Napasabunot ako sa aking buhok, mukhang mas mabubuwisit lang ako dito sa kanila. Mabilis kong kinuha ang susi ng aking kotse at akmang lalabas na nang pigilan nila ako.
" Saan ka pupunta? " takang tanong ni Jazzie.
" Maghahanap ng matinong kausap! " inis na sagot ko dito.
" Sige, puntahan mo na si Calli! " nakangising saad nito, mabilis pa sa alas kuwatrong nahawakan ko ang throw pillow at ibinato sa kanya, sakto naman ito sa mukha niya na ikinatawa nila.
" Teka, may klase pa tayo! " pahabol ni Zach pagkalabas ko ng room. Diko ito pinansin at deretsong umalis.