Sophie
" Kilala niyo ba yung transferee student na lumalapit kay Ivo? " napakunot noo ako nang marinig ang sinabi ng babae, nasa CR ako at kaslukuyang nasa loob ng cubicle habang sila ay mukhang nag-aayos ng make-up.
" Oo si Maikee, santa-santita yun. Akala mo mabait pero iba rin ang ugali. " sabi naman ng isa.
" Mas gusto ko pa si Calli para kay Ivo. " napangiti ako sa sinabi ng babae, well ako rin. Mabait kasi si Calli tapos matalino.
" Oo nga pala, diba bali-balitang may haphephobia si Calli? " diko mapigilang hindi makinig sa usapan nila.
" Haphephobia? ano yun? " tanong ng isa.
" Fear of touch " sagot naman ng isa.
" Talaga? diko alam yun. "
" Oo totoo daw, meron nga siyang fear of touch. "
" Alam niyo bang narinig ko yung usapan ng Maikee na yun tapos gung taylong kaklase ni Calli. May plano silang hindi maganda kay Calli. " dali-dali akong lumabas nang marinig ang sinabi nito. Halatang nagulat sila aa akin, nilapitan ko sila.
" Anong sinabi mo? totoo ba yan? " nag-aalalang tanong ko, naguguluhang tumango yung isang babae.
" Anong plano nila? " tanong ko.
" Si Calli ang hahayaan nilang gumawa ng social experiment nila. " sagot nito.
" F*ck! " mariin kong saad saka tumakbo, ang sabi ni Calli ang social experiment nila ngayon ay yung magpapanngap na depressed sa mall. They will observe kung may maaawa sa kanya, paano kung yakapin siya?
Yung suot pa naman niya kaninang umalis sila tshirt lang.
" Sophie! " tawag ni Earl nanh makasalubong ko, tila nagtataka ito kung bakit ako tumatakbo.
" Earl, wait for me here. " sabi ko kay Earl at bago pa man ito makapagsalita ay patakbo na akong umalis roon.
Kinakabahan ako, nanlalamig at pinagpapawisan ng malapot dahil sa halu-halong emosyo. Nang marating ang VIP room ay agad hinagilap ng mga mata ko si Jazzie. Siya lang ang alam kong makakatulong sa akin.
" Jazzie, i need your help. " nag-aalalang sabi ko, nagkatinginan sila na tila nagtataka saka tumingin sa akin.
" Psh! " rinig kong sabi ni Zach at lumabas ng room, napairap ako sa hangin. Wala akong panahon para makipagtalo sa kanya, nasa alanganing lagay ang kaibigan ko.
" Tungkol saan? " tanong ni Jazzie, humugot muna ako ng hangin.
" About Calli. " sagot ko, nakaramdam ako ng uhaw dahil sa pagtakbo.
" Anong nangyari? " nag-aalalang tanong ni Jazzie. Pansin ko rin ang pag-ayos ni Ivo ng upo at halatang nakikinig.
" Calli is in danger. " sabi ki dito na lalo niyang ikinakaba, napansin ko rin ang sandaling pagkagulat sa mata ni Ivo.
" Wait, can you tell me straight what had happened? " sabi ni Jazzie na tila naiinis na sa short answers ko, e sa napagod ako e.
" Narinig ko ang usapan ng mga babae sa CR kanina. Maikee talked to Calli's member at napagkasunduan nilang hayaan si Calli ang gumawa sa social experiment nila. Which is magpapangap na depressed, for sure may yayakap sa kanya doon. Naka-tshirt lang siyang umalis kanina at walang gloves kaya nag-aalala ako. " kwento ko.
" E ano naman? " napalingon ako kay Ivo na tila naguguluhan sa mga nangyayari.
" Calli has haphephobia, a fear of touch! " kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.
" Let's go! " mabilis na kinuha ni Jazzie ang susi at palabas na sana kami ng pintuan nang mapansin niyang hindi kumikilos si Ivo.
" Hindi ka pupunta? " tanong niya kay Ivo, umiling naman ang isa.
" Let's go! " sabi ko na lang dahil hindi na ako mapakali, tumango naman si Jazzie saka kami umalis.
" Zach! " napalingon si Zach sa amin nang madaanan namin ito sa hallway.
" What? " masungit nitong tanong.
" Halika, sumama ka. " sabi ni Jazzie saka hinila si Zach na hindi naman tumanggi.
Si Jazzie ang nagdrive at sa likod niya kami pinasakay na dalawa. Walang nagnais magslita sa amin, nang marating ang parking area ay agad kaming bumaba.
" I knew it! " sabi ni Jazzie, napatingin ako sa tinitignan niyang kotse. Kay Ivo ito ah! andito siya? ang bilis naman niya.
Kita ko ang ngiti ni Jazzie at Zach na tila nauunawaan ang nangyari.
" Tara na sa loob! " sabi ko.
" Wag kang mag-alala, nasa mabuting kamay na ang kaibigan mo. " saad ni Jazzie na napangisi pa, hindi ko pinansin ang sinabi nila at hinila na sila papasok. Saka ko na iisipin ang galit ko kay Zach, pati siya ay hinila ko rin.
Pero hindi pa man kami nakakarating sa loob ay nakasalubong namin si Calli at hila hila siya ng nakasuot ng Mascot. Napakunot noo ako, sino naman yun?
Napatingin siya sa akin.
" Calli... " tawag ko dito, susundan ko sana ito pero agad akong nahila ni Zach.
" Ano ba? " sigaw ko dito.
" Hayaan mo na, si Ivo yun. " sabi nito.
" Ha? " di makapaniwalang saad ko.
" Psh! halika na, ihahatid na kita. "
" No need, sasabay na lang ako kay Jazzie. " nilingon ko si Jazzie at ang isang gago bigla na lang nawala.
" Halika na! " hinila na niya ako sa kamay at punara ng taxi, walang nag nais na magsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.
Agad akong bumaba at hindi siya pinansin, ganun din naman siya sa akin. Nalulyngkot ako sa nangyayari sa amin pero ayaw ko nang ipilit pa ang sarili ko sa kanya.