Chapter 43

854 Words
Gaya ng napag-usapan namin ng mga kagrupo ko, pupunta kami sa isang mall malapit dito sa school para magsagawa ng isang social experiment. Isa sa amin ay magpapanggap na depressed, may hahawakan siyang isang placard na may nakasulat na I'M DEPRESSED, I NEED A HUG. Kukuhanan naman namin ng video, nakahiram naman ako kay Elji kahapon ng camera kaya may magagamit kami. " Calli, akin na ang camera. Ako na ang kukuha ng video. " sabi ni Agatha saka kinuha ang camera na hawak ko. " Teka, sinong magpapanggap na depressed? " tanong ko, nagkatinginan silang lima. " You! " sabi ni Janna. " Teka, ang ganda ng usapan natin kahapon. Si Agatha ang magpapanggap na depressed, salitan kayo. Tapos sa next scene natin sa park si Jim at Mike tapos sa jeep naman si Natalia. " kunot noong sabi ko kay Janna. " And you? taga kuha lang ng video? No way, ikaw ang gumawa at kami ang kumuha ng video. " mataray na sabi ni Natalia. " Pwede ba, kumilos na kayo para matapos na tayo? May pupuntahan pa kami. " singit ni Mike. Napabuga ako ng hangin, as expected hindi talaga magiging maayos ang gagawin naming ito. Mga itsura pa lamang nila, marereklamo na sila. " Sundin natin ang napag-usapan, kung ayaw niyo then don't. " inis na sabi ko sa kanila, tumawa lang sina Janna, Agatha at Natalia. " Really? Are you serious? kasi kami Calli, wala kaming pakialam sa grades namin. E ikaw ba? " napalunok ako sa sinabi ni Janna. " Teka, ako na nga gagawa ng video, ako rin magrereport. Ano na lang gagawin niyo? " nawawalan na ako ng pasensiya. " Bahala ka sa buhay mo. " nakagat ko ang aking ibabang labi at naikuyom ang aking kamao. Konti na lang talaga sasabog na ako sa galit. " Bilis na Calli, may pupuntahan pa kami. " inip na wika ni Jim. Napabuga ako ng hangin, bahala na. Inabot ko sa kanila ang camera, ngumisi naman si Agatha. Kinuha ko ang placard at ikwinintas saka nagputa sa may gitna, tumayo ako doon ay yumuko. Naghintay ako doon ng ilang sandali, napakagat ako sa aking labi nang may makitang paa sa aking harapan. Mariing naikuyom ko ang aking kamao at pumikit. Hinihintay kong yakapin ako nito pero iba ang nangyari sa inaasahan ko. May bigla na lang humila sa akin palayo roon, tulala akong nakatingin sa kanya habang tumatakbo kami palabas ng mall. Nakasuot ito ng Bear Mascot kaya hindi ko makilala kung sino. " Calli... " sigaw ni Sophie nang madaanan namin, halatang nagulat din ito. Susunod sana ito pero pinigilan ni Zach. Nang makalabas ng mall ay hinaplos niya ang ulo ko at akmang aalis na sana nang harangin ko. " Sino ka? " tanong ko pero hinawakan niya ako at itinabi saka naglakad paalis kaya sinundan ko. " Sino ka nga? huy! "pangungulit ko pero hindi ako pinansin. " Si Ivo kaba? " napahinto ito, rinig ko ang pagbuga niya ng hangin saka ako hinila sa kamay patungong parking area. Napangiti ako nang makalapit sa pamilyar na kotse. Tinanggal niya ang ulo ng Mascot at tumambad sa akin ang pawisan niyang mukha. Nakakunot ng noo nito pero hindi iyon nakabawas sa kanyang kagwapuhan. " Let's go! " sabi nito saka siya sumakay, mabilis naman akong sumakay. " Paano mo nalamang nandito ako? " tanong ko. " Will you please sh*t up? kahit 5 minutes lang! " nakagat ko ang ibaba kong labi at nanahimik. Hinintay kong matapos ang five minutes kahit kating-kati na akong magsalita at magtanong sa kanya. " So paano mo ng nalaman? " tanong ko nang makitang tapos na ang five minutes na ikinakunot noo niya. " Tapos na ang five minutes! " dagdag ko pa. " Psh! Sophie came and told us. Ewan ko ba kasi sayo, alam mong may haphephobia ka pero pumayag ka paring ikaw ang gumawa nun. " sermon nito na ikinanguso ko. " Ayaw kasi nila e, pinagkaisahan nila ako. " dahilan ko. " Kahit na, edi sana hinayaan mo na lang sila at umalis. Paano kung hindi ako dumating? edi nayakap ka sana kanina. " napangiti ako sa sinabi nito, he save me for the second time. " Yeah! nag-aalala siya sa akin. " pang-aasar ko, tinignan niya ako ng masama. " Muntik kana ngang mapahamak masaya kapa diyan. " sabi nito na lalo kong ikinangiti. " So, saan tayo pupunta? " tanong ko. " Kakain, ginutom ako. Libre mo akong ice cream. " sabi niya, hindi mabura bura ang ngiti sa labi ko, para tuloy akong tanga. " Sure, no problem! " sabi ko. Nagtungo kami sa isang ice cream cafe. Nag-order ako ng cookies and cream na dalawa. " Okay lang sayo tong flavor na to? " tanong ko pag-upo ko, tinignan niya ako at tumango. Sinimulan na naming kumain. " Bakit ka ba mayroon niyan? " tanong nito bigla na ikina-angat ko. " Mayroong ano? " " Haphephobia. " natahimik ako sandali sa tanong niya. " I-i'm sorry. Dipa ako handang sabihin. " " Okay! " balewalang saad niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD