Chapter 44

830 Words
" Uy Calli.. " napalingon ako kay Sophie, umupo ito sa aking tabi. Awa ng diyos ay naki-cooperate na ang mga kasama ko kahapon kaya natapos na namin ang dapat gawin at ngayon nga ay gagawa na lamang kami ng reflection. " Ano yang binabasa mo? " tanong niya, kasalukuyan kaming narito sa library. Tinatapos parin kasila nila ng mga kagrupo niya yung social experiment nila. Ipinakita ko sa kanya ang libro, it was a greek mythology titled The Lovestory of Eros and Psyche. Napansin kong lumungkot ang mukha ni Sophie. " Love cannot live without trust. " sabi nito at napabuga ng hangin saka tumingin sa labas. Iyan ang salitang sinabi ni Eros nang ninais ni Psyche na makita ang kanyang mukha. " Wala parin talaga kayong balak na ayusin ang relasyon niyo? " tanong ko dito, umiling naman ito. " Just like Psyche, i don't trust him. Hindi ko nagawang pagkatiwalaan ang kanyang plano. " sagot nito, umiling ako dito. " Magkaiba ang sitwasyon niyo, Eros loves Psyche so much and willing to do everything just to be with her. But Zach never did anything, para magkaroon kayo ng oras para sa isa't-isa. Hindi niya pinaramdam sayo na wala kang dapat ikabahala dahil mahal ka niya kahit nasa lihim kayong relasyon. Love cannot live without time. " malungkot itong yumuko, naaawa ako sa kanya pero wala akong magawa. " By the way, anong nangyari noong Friday? " pag-iiba niya ng usapan, diko napigilang mapangiti. " I didn't expect na gagawin yun ni Ivo ha! Deeling ko gusto kana nun. " sabi pa niya. " Talaga? pero malabo, yung tulad niya magkakagusto sa akin? baka ganun lang talaga siya sa mga nangangailangan ng tulong. " sabi ko. " Sus! kailan naman naging matulungin yun? " tanong ni Sophie. " Lagi ko siyang nakikita. " sagot ko naman. " Psh! fine. " pagsuko niya na ikinatawa ko ng mahina. " Kumusta pala kayo ni Earl? " tanong ko. " Okay lang. " kita ko ang kakaibang ngiti sa kanya, nagkakagusto na kaya siya kay Earl? Sa mga nabasa kong kwento kapag iba na ang ngiti ng character, nagkakagusto na siya sa taong nagpapangiti sa kanya. " Oo nga pala, gusto ka ulit makita nila mama. " napangiti ako, sana ganun din ako kaswerte sa magulang. " Talaga? sabihin mo kapag hindi na tayo busy pupunta ako doon makikikain. " natawa nman siya. " Sure no problem. " sabi nito at napatingin sa kanyang cellphone nang tumunog ito. Kinuha niya ito at binasa ang text, saka napatingin sa akin. " Gusto mong sumama? " agad akong napailing na ikinanguso niya. " Nag-aaya si Earl sa mall dito lang sa malapit. " " Ikaw na lang, gusto kong magbasa e. " sabi ko. " Okay, kita na lang tayo sa next class mamaya. " nakangiting sabi niya na ikinatango ko saka ito tumayo. " Ingat kayo ha, enjoy kayo dun. " sabi ko pa bago siya umalis, nag ok sign naman siya. Napatingin ako sa libro, inayos ko ito saka tumayo at ibinalik sa pinagkuhaan ko kanina. Naghanap na rin tuloy ako ng mababasa pa, nakita ko yung librong writing guidelines ng title, nasa taas ito kaya tumingkayad ako para sana abutin ito. Makukuha ko na sana ang libro nang may mga kamay na kumuha dito, agad akong napaharap at bumungad aa akin ang mukha ni Ivo. Napalunok ako nang marealize kung gaano kmi kalapit sa isat-isa. " Laway mo tumutulo! " sabi nito na ikinabalik ko sa reyalidad. " Psh! Akin na yan " sabi ko at akmang kukunin ang libro pero nilagay niya iyon sa taas na malabong maabot ko pa. " Huy Ivo! " pigil ko pero tumawa lang ito. " Kunin mo yun! " sabi ko at hinila siya sa damit. " Bahala ka diyan! " sabi nito at naglakad na paalis kaya hinabol ko agad at hinarangan. " Kunin mo na kasi, nakakainis ka talaga! " sabi ko dito, napalingon siya sa paligid kaya napalingin din ako. Doon ko lang narealize na nasa library pala kami at pinagtitinginan na kami ng lahat. " Sorry po! " nahihiyang saad ko saka hinila sa damit si Ivo pabalik doon sa libro kanina. " Kunin mo, nakakainis ka! " utos ko, tumawa ito ng mahina at kinuha ng libro. " Aray! bwisit ka talaga! " saad ko nang ihampas niya sa akin ang libro saka mabilis na tumakbo paalis. Kinuha ko ang library card ko at nagtungo sa librarian dala ang libro. " Hihiramin ko po! " sabi ko saka inabot ang library card ko, kinuha naman niya ito at may pina-fill-upon sa akin. Pagkatapos ay mabilis akong lumabas, napatingin ako sa may ilalim ng puno nang marinig ang tahol ni sunflower, sigurado akong siya iyon. Naroon nga ito kasama si Ivo at naglalaro silang dalawa, tumatawa pa si Ivo sa kakulitan ni sunflower na ikinangiti ko Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganito, ang sarap pakinggam at panoorin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD