CALLI
" Sophie, bat wala ka sa 1st subject? " tanong ko kay Sophie na kararating lang.
" Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kanina, hinintay ko munang bumuti bago ako pumasok. " sagot nito, pansin ko ngang tila hindi ganun kaganda ang pakiramdam nito. Tila namamayat din ito, pansin ko rin na palaging masama ang pakiramdam.
" Sophie, parang madalas kang magkasakit. Nagpacheck up kana ba? " tanong ko dito, ngumiti ito at tumango.
" Wag kng mag-alala, stress lang daw ako. Siguro sa sobrang daming gawain dito sa school. " sagot niya, hindi ko parin mapigilan ang sariling mag-alala.
" Oo nga pala, Calli. May naghahanap sayo sa labas, kuya mo yata. " napatingin ako sa labas sa sinabi nito.
" Nadaanan ko siya sa labas ng gate, puntahan mo muna total may 30 minutes pa bago magsimula ang klase natin. " sabi nito.
" Sige, puntahan ko muna. " paalam ko dito, ngumiti naman siya at tumango.
Patakbo akong nagtungo sa may gate, ayaw kong makipag-usap pa yun s kung sinong estudyante at baka kung ano pang masabi o kaya makilala pa siya na anak siya ng Governor at magpakilala pang kapatid ko.
" Uy Dwarf! saan ka pupunta? " tanong ni Ivo nang masalubong ko, diko siya pinansin at mas binilisan pa ang takbo. Wala akong panahong makipagtalo sa kanya ngayon.
Nang makarating sa may gate at nadatnan ko si kuya Rafa sa harap ng gate, napabuga ako ng hangin at mabilis na lumapit sa kanya.
" What do you want? " tanong ko na ikinalingon niya sa akin, may mga ilang estudyante m
na nakatingin sa amin.
" Let's talk Calli! " mariing sabi nito at nababakas ang galit sa kanyang mukha.
" About what? " tanong ko.
" Hanggang kailan mo paiiralin ang galit mo Calli? Kapag wala na sina mama at papa dahil sa pag-aalala sayo? " napahilot ako sa aking sintido. Hangga't maaari sana ay ayaw kong makipagtalo sa kanila, pero ang hirap magpigil ng sarili lalo na at ayaw nila akong lubayan.
" Naghintay ang lahat sa pagdating mo sa kasal ni kuya Adam pero hindi ka man lang nagpunta. And now, sa sobrang lungkot ni mama sa nngyayari sayo hindi siya nakakatulog ng maayos at nakakakain. She passed out kahapon at dinala namin sa ospital. Kaya ngayon, sasama ka sa akin sa ayaw mo at sa gusto. " ma-awtoridad na sabi nito.
Nakaramdam ako ng pag-aalala kay mama, she's still my mother no matter what. Kahit ano pang pagkakamali ang nagawa nila, they still my family and i still love them.
" Is she okay now? " tanong ko.
" Yeah, and she want to see you so come with me. " sabi ni kuya na agad kong ikinailing.
" Nariyan naman kayong lahat sa tabi niya, just take care of her. Ilang beses ko bang dapat sabihin na hayaan niyo muna ako? Bakit kasi hindi niyo na lang isipin na wala na ako? na patay na ako para wala kayonh problema? " i said, i saw pain and anger in his eyes.
" How coild you say that Calli! Ganun na ba kalaki ang kasalanan namin para gawin mo to sa amin? When in fact, kasalanan mo naman ang lahat dahil kung sumunod ka lang sa mga bilin namin sayo noon na wag kang lalabas ng bahay hindi sana ito mangyayari. " galit nitong sigaw sa akin, pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.
Tila kinurot ang puso ko sa sinabi ni kuya. I admitted that this is all my fault pero ang ikinasasama ng loob ko, iniwan nila ako sa ere sa mga panahong kailangan ko sila. Bakit hindi nila iyon maisip?
A tears began to fall in my eyes. F*ck! This is why, i don't like my eyes. Mabilis akong maiyak sa mga simpleng bagay lang.
" L-Leave k-kuya... p-please... " tila may nakabara sa aking lalamunan.
" No! You're going with me. " mariing sabi nito at nanlaki ang aking mga mata nang hawakan niya ako sa kamay at hinila.
Nanginig ang aking buong katawan at nagdilim ang aking paningin. Nagbalik sa aking ala-ala ang lahat ng nangyari nang gabing iyon.
" Let's have fun! " tumatawang sabi ng isang malakas na boses na animo'y demonyo.
" Bitawan mo ako... wag mo aking hahawakan. Maawa ka sa akin.. please... " sigaw ko at buong lakas kong hinila ang aking kamay at tinakpan ang aking tainga dahil naririnig ko parin ang malakas na halakhak ng lalaking yon.
Nagsimula akong tumakbo, at hindi ko alam kung saan pupunta basta ng alam ko lang kailangan kong makalayo mula sa mga lalaking yon. Sasaktan nila ako, gagawin ulit nila ang ginawa nila sa akin.
" Let's do this! " bulong ng isng tinig at tila ramdam ko pa ang paghaplos niya sa aking pisngi.
" Noooo... please... leave me alone.. " sigaw ko at mas binilisan pa ang pagtakbo.
Tila ba takot na takot akong maabutan ng sino mang humahabol sa akin, nnghihina narin ako at parang kakapusin ng hininga.
" Mama... papa... please help me.. " humihikbi kong sabi at kinubli ang sarili sa isang malaking puno. Nakatakip ang dalawang kamay ko sa aking tainga habang patuloy na umiiyak at nanginginig sa takot.
" Calli... " may narinig akong pamilyar na boses pero hindi ko ito magawang tignan dahil sa takot.
" I'm here Calli.. wag kang matakot, hindi kita sasaktan. " maamong sabi nito na ikinatingin ko sa kanya. He's wearing a black leather jacket, pants, gloves, cap and facemask.
" It's you! " hindi makapaniwalang saad ko, tila nagulat pa ito sandali sa sinabi ko.
He patted my head that makes me cry more and immediately hug him.
" It's okay... i'm here, don't worry. " sabi nito, kahit hindi ko siya kilala at tila naglahong parang bula ang takot na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang ilabas ng lahat ng sama ng loob ko.
Hinayaan niya aking umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ako. Nang huminto ako ay hinila niya ako paupo sa isang bench, nasa isng park pala kami.
" I hate him.. i hate them. " tila naiiyak kong sabi, tinignan niya ako.
" Sino ba yung kausap mong lalaki kanina? " tanong nito.
" Nakita mo? " tanong ko, he nodded.
" He's someone i know. Pwede ko bang makita ang mukha mo? " sagot ko. Sigurado akong siya yung lalaking nagligtas sa akin nang gabing yun. Kahit na magkaiba sila ng pangangatawan ay malaki ang pagkakahawig ng kanilang mga mata.
" No, i'm sorry. " sabi nito, malungkot akong tumango. I understand him, siguro katulad ko ay may pinagdadaanan din ito kaya ayaw ipakita ang kanyang mukha.
" Siguro nagtataka ka kung bakit ganun na lang ang itsura ko kanina, kung bakit tila takot na takot ako. " sabi ko at ngumiti ng mapakla.
" Bakit nga ba? " he asked. Sinusubukan kong huliin ang kanyang mga mata ngunit sadyang iniiwasan niyang mapatingin sa akin.
" I have haphephobia. " malungkot kong sgot saka yumuko.
" A fear of touch? " tanong nito, i nodded.
" Bakit? Paano ka nagkaroon ng haphephobia? " tanong nito, i was about to answer his question nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
" Oh sh*t! let's go! " sabi nito na ikinakunot ng aking noo, his voice sounds familiar. Pakiramdam ko kilala ko lamang ito, hinawakam niya ako sa kamay at akmang hihilain na nang pigilan ko.
" Wait! " tinignan niya ako, i smiled at him.
" Nasubukan mo na bang maligo sa ulan? " tanong ko, kumot ang noo nito saka umiling.
" Then let's try it! " sabi ko saka tumakbo na tila ba ninanamnam ang buhos ng ulan. Nakita ko siyang nakatayo lamang at nakatingin sa akin, tumakbo ako palapit sa kanya at hinila.