Chapter 7

1283 Words
Pagkaalis ng lalaki ay hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi. That was the first time na may nakaintindi sa sitwasyon ko. Yung kahit hindi ako pumayag makipag shake hands, hindi siya nawerduhan sa akin. Ang bait naman niya, bonus na lang yung kagwapuhan niya. Nang mahanap ang aking room ay agad akong pumasok dito at marami narin pala ang mga narito. Umupo ako sa may harap, wala pa ang aming magiging guro sa unang subject. Napatingin ako sa aking tabi nang may maupo dito, ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako. " Hi! I'm Sophie Alcuetas. " pagpapakilala nito at inabot ang kanyang palad na ikinalunok ko, muling nabura ang ngiti sa aking labi. " I..... i-i c-cant. " sabi ko sabay yuko. Parang gusto kong umiyak at sumbatan ang mundo kung bakit ako ganito. All i want is to become a normal pero ang hirap hirap gawin, lagi akong pinangungunahan ng takot. " Why? what's wrong? " kunot noong tanong nito, mahina lang at sapat lang para magkarinigan kami. " I.. " should i tell her? hindi ko pa siya kilala. Pero may mawawala ba sa akin kahit sabihin ko? Hindi naman siguro uso ang bullying dito diba? " I- i have haphephobia... " lakas loob kong sagot at tinignan siya para makita ang kanyang reaction, napanganga ito sa narinig at napapikit pikit. " I'm sorry.. " sabi nito at agad ibinaba ang kanyang palad. " It' s okay. " sagot ko, akala ko hindi na niya ako kakauspin pang muli like other people na na-i-encounter ko dahil ayaw nilang makisalamuha sa tulad ko but i was wrong. " What's your name? " nakangiting tanong nito. " I'm Calli. Calli Enrique " sagot ko, hindi lang ako makapaniwala. " Let's be friend. " masayang sabi nito at kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa. Did i hear her right? o guni guni ko lang ang narinig ko? " Do you have IG? i will follow you. " sabi nito habang hawak ang cellphone. " Hey? whats with that face? " natatawa nitong sabi. " Aaa.. a-ano kasi.. hindi lang ako sanay. " nag-aalangang sagot ko. " Saan? " nagtatakang tanong niya. " Lahat kasi ng nakakausap ko, kapag nalalaman na may haphephobia ako iniiwasan na ako. " i answered na ikinangiti niya. " I'm not like them, ang boring dito sa school at ikaw lang yung alam kong pwede kong kaibiganin. Look at them! halatang mga di mapagkakatiwalaan. " bulong nito at sabay naming pinagmasdan ang ibang kaklase namin at natawa ako sa sinabi nito. Kinuha ko ang aking cellphone at pina-scan ko ang QR code ko sa IG para mafollow niya ako. " By the way, kaanu-ano mo si Gov. Enrique? " tanong nito na ikinahinto ko. Nang lingunin ako nito ay agad akong umiling. " Hmm.. hindi kayo magkakilala man lang? " tanong niya. " Hindi e. Siguro yung parents ko kilala nila, pero ako hindi. " pagsisinungaling ko. " Oh! Akala ko ikaw na yung anak nila. Ang sabi kasi may anak yun na babae pero kahit minsan hindi ko yun nakita. Mula nang maging Governor siya, hindi na nakita pa ng lahat ang anak niya. Asan kaya yun? siguro pinadala sa ibang bansa. " curious nitong sabi, nagkibit balikat na lamang ako. " Oo nga pala, i saw you with Jazzie kanina. " sabi nito, bigla naman akong na-curious at kilala niya yung lalaki kanina. " Kilala mo siya? " tanong ko, tumango naman ito ng may ngiti sa labi. " Kilala sila dito sa school, halos lahat ng mga estudyanteng babae may gusto sa kanila. Pero hindi katulad ng mga nasa pelikula na hahabul-habulin sila ng mga estudyante. Dito hindi, kahit pa gustong gusto sila ng mga estudyante, hindi sila lumalapit sa mga ito. " kwento niya na ikinakunot ng aking noo. " Bakit? " tanong ko. " Halika.. " sabi nito saka ako hinila sa labas ng classroom at may itinuro sa kabilang building kung saan kitang-kita ang tatlong lalaki. Kahit hindi ko masyadong kita ang kanilang mga mukha ay halatang mga gwapo ito. " Yung nakakulay puti ay si Jazzie, yung nakilala mo kanina. His family own a winery, and you know what? they are in top 10 biggest winery in the world. " kwento ni Sophie. " Wow! " wika ko na lamang, ang galing naman nila sa negosyo. " And that bastard! " turo nito sa naka kulay red na lalaki. " He's Zach Montefalco, his family own an architectural company at kabilang rin ito sa top 10 largest architectural firms in the world. " sabi nito, napapanganga na lang ako. Ang yayaman naman nila. " And that man, na naka kulay itim. He's Ivo Meyers, known as Dark. His family owns the top 4 famous shopping mall in the world named Primax mall. They have a branch in different countries. And he is the owner of the dog you've met earlier and his grandfather own's this school. " kwento nito, bigla tuloy akong na-curious doon sa Ivo dahil s narinig na Dark. Kung ako black, siya naman ay dark. " Ivo ang pangalan pero bakit dark ang tawag sa kanya? " tanong ko. " Actually his name is Primitivo Meyers, and nickname niya is Ivo. Pero tinawag siyang dark dahil narin sa sama ng ugali nito. He's evil at walang nakakatiis sa ugali niya. Even his friend, minsan nakakaaway niya. Pero dahil sa pagiging magkaibigan, itong mga kaibigan din niya ang nagbababa ng pride at nakikipagbati sa kanya. " kwento nito, i bit my lower lip. I like their characters and i can use it sa kwentong susulatin ko pero bigla naman akong natakot sa ugali. But i smiled when i remember the novel i read, most of the book na binigay ni Elji ay masungit yung mga bidang lalaki at kinakawawa ang bidang babae bat they end up falling in love. Nagkaroon ako bigla ng ideya sa gagawin kong kwento. " So sino lang ang tumatawag sa kanya ng Ivo? " i asked. " Yung mga taong malapit sa kanya. His family and friends. Pero yung iba, Dark na ang tawag sa kanya. " sagot ni Sophie. " Ngayon ka pa lamang papasok pero alam mo na ang lahat ng iyan? " curious kong tanong. Ngumiti naman ito ng matamis habang nakatingin sa tatlong lalaki. " Actually that bastard Zach Montefalco is my boyfriend. " tila proud na sabi nito, napatakip naman ako sa aking bibig. " Really? " hindi makapaniwalang tanong ko. " Yeah! " sagot nito. " Edi palagi kayong magkasama? " tanong ko. " Hindi rin, our relationship is secret. Ayaw naming ipaalam sa ibang tao. Tanging mga kaibigan lang niya ang nakakaalam. " sagot nito. " How about your friend? " tanong ko. " You're the only friend i have. " natatawa niyang sagot na ikinagulat ko. " Why? i mean, you're kind, beautiful at mukhang may kaya rin. Unlike me. " sabi ko. " Dahil narin kay Zach, nilalayuan ako ng iba. Zach and i are childhood bestfriend kaya inggit ang lahat ng mga nagiging kaibigan ko sa akin. Lalo na nang maging kami ni Zach noong makagraduate siya ng higschool. " sagot nito. " So, we have no choice but to stick with each other. Sige, pwede na kitang pagtiyagaang maging friend. " biro ko na ikinatawa niya. " Yakapin kaya kita dyan! " biro nito na agad ko naman siyang nilayuan. Kahit ngayon lang kami nagkakilala, ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya. Siguro dahil siya yung nakakaintindi sa sitwasyon ko. " Tara na sa room, baka biglang dumating si ma'am. " sabi ko at sabay na kaming pumasok sa room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD