Chapter 8

847 Words
ELJI " Yes po, i-update ko na lang po kayo ulit. " sagot ko sa kausap ko sa cellphone ko at bumaba ng kotse. " Thank you iha! Pasensiya ka na sana sa amin kung makulit kami. " napangiti ako at sinimulang naglakad papasok ng school. " Okay lang po tito, nauunawaan ko po kayo. Isa pa, kaibigan ko na po si Calli at mahalaga din po siya sa akin. Kaya makakaasa po kayong hindi ko siya pababayaan. " " Napakapalad ni Calli at nagkaroon siya ng kaibigang tulad mo. O sige iha, hindi na kita aabalain pa. Mag-iingat kayo palagi ni Calli. " paalam ni tito. " Sige po tito, bye po! " paalam ko at hinintay na patayin niya ito, habang nakatingin sa cellphone ay nabangga ako sa isang bulto at muntik na akong ma-out of balance pero mabilis naman niya akong nahawakan. Napaangat ako ng tingin dito at napatitig sa kanya. Gwapo ito at sobrang manly ng itsura niya, maganda ang mga mata niya at may mahabang pilik mata. Matangos ang ilong at manipis ang mapupulang labi. Napalunok ako nang matitigan ang labi nito. " Sa daan kasi ng tingin at hindi sa cellphone. " masungit nitong sabi na ikinakunot ng noo ko. " Psh! " itinulak ko ito at pinulot ang nahulog kong cellphone. " Salamat ha! " sarkastiko kong sabi. " You're welcome! " mayabang niyang saad at iniwan ako. " Bwisit! " inis kong bulalas at nagmartsa na papuntang chairman's office. " Good morning sir! " bati ko pagpasok ng kanyang opisina, napangiti kaagad ang matanda at tumayo sa kinauupuan. " Good morning, sit down iha! " bati nito, umupo ako sa upuan sa harap niya. " I'm Elji Cuerdo sir, I'm the one who applied as guidance councilor and referred by Governor Enrique. " sabi ko at inabot ang papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa akin. Kinuha niya ito at binuklat at pinasadaan ng tingin. " Tama nga ang sinabi ni Governor Enrique, batang-bata ka pa at maganda. " ngumiti ako sa sinabi nito. " Hindi na ako magtatanong pa kung bakit naisipan mong mag-apply dito at dahil nirefer ka ni Mr. Enrique, then you're hired. " ibinalik niya sa akin ang folder. " Salamay po. " ngumiti ito at tinawagan ang kanyang Sekretarya. Pinasamahan ako nito upang ipakita sa akin ang aking magiging opisina. Matapos itong makita ay umalis na rin ako agad, bukas pa ako magsisimula. " Elji? " may tumawag sa akin habang naglalakad na ikinalingon ko, ngumiti ako nang makita ito. " Elji, anong ginagawa mo dito? " kunot-noong tanong nito. " May good news ako! " nakangiting sabi ko. " Ano yun? " tanong nito. " Ipinasok ako ni papa dito na guidance councelor kaya madalas na tayong magkikita. May kasabay ka na sa lunch time and break time. " ngumiti ito pero naroon pa rin ang pagtataka sa kanyang mukha. " Mabuti naman mukhang mahihirapan kasi akong makahanap ng kaibigan e. May nakilala naman na akong isa at mabait siya pero ang iba mukhang malabong maging mabait sa akin. " ramdam ko ang lungkot sa boses nito, kahit naaawa ako sa kanya ay ayaw ko itong ipakita. " Sus, hindi mo naman kailangan ng maraming kaibigan e. Mas okay yung kaunti lang ang kaibigan pero totoo kesa marami nga pero mga plastic naman. " saad ko na ikinangiti niya. " Calli.. " napalingon kami sa tumawag sa kanya, lumapit ito sa amin at napatingin sa akin. " Sophie, si Elji nga pala kaibigan ko. Elji, ito naman si Sophie yung bago kong kaibigan. " pagpapakilala ni Calli. " Hi! Estudyante ka rin? Anong course mo? " tanong ng babae, she looks okay naman at halatang mabait. " Hindi ako estudyante. " nakangiting sagot ko na ikinatingin niya sa akin pababa at pataas. " Siya ang magiging guidance councelor natin. " bulong ni Calli na ikinabilog ng mata nung Sophie, they are cute. " Talaga? " bulong din nito na ikinangiti at tango ni Calli. " Wow! Ang cool, may kaibigan kang guidance councelor. " sabi ng babae na ikinatawa namin. " Pwede mo rin akong maging friend. " saad ko. " Talaga? " masayang tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Para siyang si Calli na sabik magkaroon ng bagong kaibigan. " Alam mo kasi, wala din talaga akong kaibigan maski isa. Buti nga nakilalabko si Calli, tapos ngayon meron ka na. " masayang kwento nito na ikinangiti ko, kaya pala. " Tara na, doon tayo sa cafe magkwentuhan. " aya ni Calli, tumango ako at sabay-sabay kaming naglakad. " Bakit ng pala wala kang kaibigan? " tanong ko kay Sophie. " May mga naging kaibigan din kasi ako noon, kaso laging nauuwi sa awayan. Naiinggit kasi sila sa akin dahil sa bestfriend kong si Zach na naging boyfriend ko na ngayon. " sagot nito. Ganito na ba kasama ang mga tao ngayon? Imbis na pagiibigan ang manaig ay mas nananaig na ng inggit at ang panghuhusga sa kapwa. Mas nananaig na ang kasamaan kaya ang daming nagdurusa physically, emotionally at mentally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD