Chapter 9

1173 Words
CALLI Madilim na nang naglalakad ako papuntang grocery para bumili ng Shampoo nang mapadaan ako sa may lumang playground malapit lang sa aking boarding. May nakita akong isang babaeng may bitbit na dalawang maleta at nagtungo doon, pansin ko pa ang mga luhaan niyang mga mata. Siguro ay naglayas sa kanila. Nagtungo ako sa grocery at bumili at nng pauwi na ako ay parang may nagtutulak sa akin na puntahan ang babae. Maliwanag naman ang paligid dahil sa ilang mga ilaw ang narito. Pagpasok ko ay natanaw ko ang babaeng nakaupo sa swing, parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ganyan din naman ako noong umalis ako ng bahay, gladly, Elji was there to comfort me. Naglakad ako palapit at umupo sa kabilang swing na ikinalingon niya sa akin. " Alam mo bang ganyan din ako noong naglayas ako sa amin? Dito din ako tumakbo noon at umiyak. " panimula ko at tinignan siya. Kulot ang buhok nito at nakasalamin, parang ako din noon. " Pero magkaiba tayo! Kung ikaw naglayas, ako pinalayas. " napakunot noo ako. " Bakit? " tanong ko, ngumiti ito ng mapait. " I'm an unwanted child. Nag-iisa lang akong anak at ako ang dahilan kung bakit natali sa isa't-isa ang mga magulang ko. One night stand ang nangyari sa kanila at doon ako nabuo. Napilitan silang magpakasal sa akin pero hindi na nila kinaya pang pakisamahan ang isa't-isa. There's no love between them at ako ang nagdudusa sa mga desisyon nilang palpak. " she cried again. " Si mama sumama na sa taong totoong mahal niya at ganun din si papa. Ang masakit pa, yung kabit ni mama ay papa ng bestfriend ko. " halos maiyak na rin ako sa pagkaawa sa kanya pero pinigilan ko. Ramdam ko ang sakit na naratamdaman sa bawat salitang binibitawan niya. " Ngayon, umalis ng bahay si papa at si mama naman sa bahay pinatira ang bago niyang pamilya. At ako? Heto pinagtabuyan, nqkakawa di ba? " Bakit may mga ganitong magulang? I do understand their reasons kung bakit sila naghiwalay pero yung ipagtabuyan ang anak, sobra na yun. " Ang sakit e... Dapat kasi noong una pa lang hindi na nila ako binuhay. Why do i have to suffer from their mistake? Mas gusto ko pang mamatay na lang kaysa mabuhay. " I can see that she's now in suicidal ideation state, i should do something. " Ginawa ko naman lahat para magawa nila akong mahalin. I studied so hard and i always obeyed them. Kahit pagod na pagod na ako, pinilit ko pa ring patunayan sa kanila na karapat-dapat akong mahalin. Pero nakakapagod... nakakapagod ipagpilitan ang sarili sa mga taong ayaw sayo.. " she cried more, lumapit ako dito at hinagod ang kanyang likod but I make sure na hindi magdidikit ang aming mga balat. " Minsan mas mabuting bumitaw sa isang bagay para hindi tayo masaktan. Sabi nga nila, para may dumating na magagandang bagay ay kailangan mong bitawan o tapusin ang mga bagay na mayroon ka. " I looked in the sky, mukhang uulan na. " The best thing you could do is to make your self happy and let those pain vanish. You deserve to be happy! " tumango-tango at pinunas ang kanyang mga luha. " You're a fighter, i know you can do it. " sabi ko pa at pilit itong ngumiti. " Tara, you can stay at my place. " nilingon ako nito. " Hindi na, nakakahiya naman sayo. " " Ano ka ba? Okay lang, isa pa hindi mapapanatag ang loob ko kung pababayaan kita. " wika ko at nilingon ang maleta niya. " Let's go? Malapit lang ako dito. " tumango ito at ngumiti. Tinulungan ko na itong magdala ng gamit niya. " Come in, pasensiya ka lang muna dito sa tinitirahan ko. Hindi siya ganun kalaki, maliit lang din kasi ang kinikita ko kaya hindi ko afford manguha ng malaki. " saad ko pagpasok namin, pinaupo ko muna ito sa sofa. " Okay lang! Dapat ng magpasalamat ako e. " ngumiti ako at nagtungo s kusina at kumuha ng tubig. " Uminom ka muna. " wika ko saka inabutan siya ng tubig, uminim naman ito saka ipinatong ang baso sa center table. Umupo naman ako sa tabi niya. " By the way, i'm Calli Enrique. " nakangiting pagpapakilala ko. " I'm Diane Cruz. " inilahad niya ang palad niya, parang bukang naglaho ang ngiti sa labi ko. Napakunot noo ito nang hindi ko tanggapin ang palad niya. " Sorry, i have haphephobia. A fear of touch! Kapag napapadikit ang balat ko sa balat ng ibang tao, naghi-hyaterical ako. " napatango naman ito at tila napapaisip. " By the way, doon ka na sa kwarto magpahinga. Magluluto muna ako para makakain ka. " ngumiti ito. " Salamat talaga ah! " " Wala yun! " nakangiting saad ko at tinapik ang kanyang likod bago tumayo at nagtungo sa kusina para magluto. Nang matapos ay inakit ko itong kumain na agad namang sumunod. " Bakit ka pala naglayas? " tanong nito habang kumakain kami. " My family failed to protect me five years ago that's why I have haphephobia. " maikli kong sagot na ikinatingin niya sa akin. " Anong nangyari? " Then again, kinailangan ko na namang ikwento ang pangyayaring halos araw-araw at gabi-gabi akong minumulto. Nang matapos ako magkwento ay inayos niya ang salamin at kita ko ang pagkaawa sa mga mata niya na ikinangiti ko. " Okay na ako. Masaya na ako ngayon, may kaibigan akong laging nandiyan para sa akin. " sabi ko. " Pwede ba akong dumagdag sa mga kaibigan mo? " napatingin ako dito at maaaninag ang tuwa sa aking mga mata. " Talaga? " tumawa ito ng mahina, she's cute. " Oo naman, basta gugustuhin mo. " saad nito. " Ofcourse, i like it. You know what, mas maganda ka pag nakangiti ka. " sabi ko na lalo niyang ikinangiti. Nang matapos ay ako na ang naghugas at tumambay muna ito sa sala. " Sa kwarto ka na magpahinga, dito na lang muna ako sa sala. " sabi ko dito. " Naku wag na, dito na lang ako sa sofa. " " Sige na, mas kailangan mo ngayon ng comportableng mahihigaan. And, you can stay here kahit kailan mo gustuhin. " sabi ko. " Salamat ha! " " Kanina ka pa nagpapasalamat, kaibigan na kita kaya wala lang yun sa akin. " ngumiti naman ito. Tinulungan ko siyang dalhin sa kwarto ang mga gamit niya at hinayaan siya doong magpahinga. Ako naman ay sa sofa humiga at nagpahinga. Nang maalala ang vitamins ay agad akong tumayo at kinuha ito sa lagayan. Dalawang araw na palang nakaligtaan kong uminom niti, baka magalit na naman si Elji. Uminom ako at saka bumalik sa pagkakahiga. Paggising ko kinaumagahan ay agad akong nagluto pero pagpasok ko ng kwarto ay walana si Diane na ipinagtaka ko, maging ang mga gamit niya ay wala. Wala ring iniwang notes para alam ko kung saan ito nagpunta. Napabuntong hininga na lang ako at kumain mag-usa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD