Chaptee 10

1258 Words
Nasa cafeteria kami ni Sophie at abala ako sa pagsusulat ng outline para sa gagawin kong kwento, wala parin akong naiisip na title at hindi parin buo ang plot na nasa isip ko. " What are you doing? " nagtatakang tanong ni Sophie na ikina-angat ko ng tingin. " Sophie, can you tell more about doon sa tatlong lalaking pinakilala mo kanina? " nakangiting tanong ko, lalong kumunot ang noo nito. " Don't tell me, you're interested with them? sabagay sino bang hindi? " sabi nito habang abala sa pagkain. " Yep, ganito kasi yun. Isa akong writer at balak kong gawin silang character sa gagawin konh kwento. Wala kasi akong magandang maisip e. " pag-amin ko dito, napatakip ito sa bibig na tila nagulat sa sinabi ko. " What's your pen name? " mabilis na tanong nito. " Black " nahihiyang sagot ko, kumunot ang noo ko nang makita ang reaction niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata at tila hindi makapaniwala. " Oh my goooooooood.... Totoo ba? " tili nito at tumayo pa, alanganin naman akong tumango at napatingin sa paligid na pinagtitinginan na kami. Siya naman ay nagtatatalon sa tuwa, nang matapos sa katuwaan ay umupo sa tabi ko. " Bakit hindi mo sinabi agad? I'm your fan. " masayang sabi nito na ikinangiti ko, i can't believe na may isang tao pa lang hahanga sa akin sa kabila ng mga komento ng ibang tao sa akin. " Really? " tanong ko, masayang tumango ito at may kinuhang libro sa kanyang bag. It was my first and second book na pumatok sa masa, pero after that two books puro batikos na ang natanggap ko sa mga sumunod kong nobela. " Pa-autograph please! " masayang sabi nito at binigyan ako ng ballpen, masaya ko naman itong kinuha at sinimulang pirmahan ang libro. " Ang tagal rin kaya kitang hinahanap pero ang hirap mong hanapin. Tapos bigla ka na lang susulpot sa harap ko, gustong-gusto na kitang yakapin. " sabi nito na agad kong ikina-iwas na ikinatawa naman niya. " Don't worry, hindi ko yun gagawin. I understand your situation. " natatawa niyang sabi, ibinalik ko naman ang libro sa kanya at inilagay niya iyon sa kanyang bag. " Bakit pala Black ang pen name mo? " curious nitong tanong, napabuntong hininga ako. " Because of my situation, kapag nahahawakan ako ng mga tao my whole world turns into black. I can't see anything kundi yung sarili ko lang at yung taong nanakit sa akin. Para akong bumabalik sa isang madilim na gabi kung saan nangyari ang bangungot sa buhay ko at nilalamon ako ng takot. " i answered, nakitaan ko siya ng pagkaawa sa akin. " What happened at nagkaganyan ka? " tanong nito, ngumiti ako dito. " I'm sorry but i'm not yet ready to tell you. " sagot ko, ngumiti naman ito. " It's okay, i understand. But from now on, i promise na hanggat nasa tabi mo ako you are safe at walang makakahawak sayo. " sabi nito at nakita ko ang sinsiridad sa kanyang mga mata na ikinangiti ko. " Bakit ang bait mo sa akin? " tanong ko dito. " Sabik kasi ako sa kapatid sa totoo lang, nag-iisa akong anak e. Wala rin naman kasi akong kaibigan. Ikaw lang. " sagot nito. " Thank you! " sabi ko na ikinangiti niya. " By the way, patingin nga ako niyan. " sabi nito saka sinilip ang sinulat kong outline. " Magpapalit ka ng genre? " tanong nito, tumango naman ako. Action and fantasy lang kasi sinusulat ko tapos ngayon biglang romance. " Why? " tanong nito. " Kung mapapansin mo konti na lang followers at readers ko, yung mga ibang nobela ko binabash ng ibang readers kaya sabi ng kaibigan ko subukan ko daw ang romance, baka sakaling pumatok sa panlasa ng mga readers. " sagot ko, tumango tango naman ito. " Are you sure, na sila ang gagawin mong character sa nobela mo? Hindi sila basta-basta lang Calli. Well, sakin okay lang si Jazzie at Zach pero si Dark.. naku, Calli wag na. " sabi nito, mas lalo tuloy akong na-i-intriga sa Dark na yun. " Ano bang ugali niya? " tanong ko, she rolled her eyes. " He's an evil. Tanda ko pa noong minsang binisita ko si Zach at kasama niya nga ang dalawang kaibigan, there's girl na naglagay daw ng letter sa locker ni Dark. Alam mo ba ang ginawa? " " Anoooo? " curious kong tanong. " He did everything para malaman kung sino yung girl at nang malaman niya kung sino ipinahiya niya ito sa harap ng maraming tao. " sagot ni Sophie. " Nananakit ba siya physically? " tanong ko, kasi kung oo a-atrasan ko na. " Well, hindi ko pa naman siya nakitang nanakit physically pero masakit siya magsalita. Yung tipong parang ayaw mo na lang mabuhay kapag ipinahiya ka niya. " sagot nito. " Kaya ko yon. " confident na sabi ko na ikinalingon niya sakin. " What? " gulat na tanong niya. " Kaya kong lunukin lahat ng sasabihin niya basta wag lang mananakit physically. Wala pa aking experience sa mga ganitong klase ng tao pero i want to try. " puno ng tiwala sa sariling sabi ko, tinignan niya ako ng tila hindi makapaniwala. " Hindi madali yang gagawin mo Calli, isipin mo na lang may haphephobia ka. " paalala nito. " Diba sabi mo hanggat nasa tabi kita, i'm safe. " nagpapa cute pang sabi ko na ikinatawa niya. " Okay, i'll help you. I'll tell you everything i know about them, take a notes. " sabi nito sabay turo pa sa papel na hawak ko, ako naman ay handa nang magsulat. " Si Jazzie ang pinakamabait sa kanilang tatlo, talented and syempre gwapo at mayaman. He love's white, siya yung pinakagusto ng lahat ng kababaihan. Si Zach naman, siya yung pinaka joker sa kanilang tatlo. Syempre siya lang din ang may girlfriend, he loves red and me. " sabi nito sabay turo sa sarili, nakangiting napailing na lang ako. " Mabait siya, hindi siya ganun katalino pero madiskarte. Habang si Dark naman, siya yung pinakamasama ang ugali sa kanilang tatlo. He loves black and white, he also loves sunflower kaya yung aso niya sunflower ang pangalan. Masama ang ugali pero matalino at talented din." sabi nito. " Why do you think he's evil? for sure naman may dahilan. " tanong ko. Luminga siya sa paligid na tila sinisiguro kung walang makakarinig. " Ayon kay Zach, hindi naman daw siya ganyan noon. Naging ganyan lang siya nang mabaril siya ng isang leader ng gang. Hindi ko alam yung buong kwento dahil tanging si Dark lang ang nakakaalam, even his friend hindi alam kung ano ba ang totoong nangyari at kung bakit siya binaril. And ang sabi ni Zach, may hinahanap daw na babae si Dark, it was his first love. " kwento nito. " Ganun? sino kaya yun? " napapaisip kong tanong, nagkibit balikat naman si Sophie. " Can i see. " sabi nito at kinuha ang papel sa akin at binasa. " Why don't you make an interview sa mga couples para magkaroon ka ng idea on how they were started dating, kung paano naging sila at kung ano yung mga ginagawa nila everyday or every date nila. " suggest nito. " Oo nga noh, diko naisip yun. " sabi ko. " Gumawa ka ng list of question at bukas sasamahan kita kapag may free time tayo. " sabi nito na ikinangiti ko. " Thanks. " sabi ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD