SOPHIE
Napatingin ako sa aking cellphone nng tumunog ito, kasama ko si Calli at naglalakad na papuntang parking area. Kinuha ko ito at binasa ang mensahe na galing kay Zach, napangiti ako agad at nilingon si Calli.
" Calli, mauna ka na. Pinapapunta ako ni Zach sa condo niya. " sabi na na ikinalingon niya sa akin.
" Sige, mauna na akong umuwi. Baka kasi magtungo doon si Diane. " napakunot noo ako.
" Sino si Diane? " tanong ko.
" Ah, yun? Nakilala ko kahapon, pinalayas ng pamilya kaya pinatuloy ko muna sa akin. "
" Teka Calli, wag kang basta-basta nagpapapasok mg hindi mo kilala. Baka mamaya ay modus nila yan. " sabi ko na ikinangiti niya.
" Hindi, nakita ko kasi siyang umiiyak at dala ang mga gamit. Grabe rin yung pinagdadaanan kaya pinatuloy ko. Ang kaso paggising ko noong umaga ay wala na ito " sagot niya.
" Basta Calli, mag-iingat ka sa mga pinapatuloy mo ha. "
" Oo naman, sige na mauna na ako. For sure hinihintay ka na ni Zach. " ngumiti ako at tumango.
" Ingat! " pahabol ko bago siya tuluyang umalis, ngumiti naman ito at tumango.
Nang makaalis ito ay naghanap ako agad ng masasakyan at nagtungo sa condo ni Zach. Pagdating doon ay agad akong nagdoorbell, pagkabukas niya ay agad akong napangiti nang bumungad sa akin ang isang tangkay ng rosas na pula. Dumako ang paningin ko sa kanya, ang usual na seryusong mukha niya sa school ay nawala dahil nakangiti ito ng matamis sa akin.
Kinuha ko ang bulaklak at nagulat ako nng hilain niya ako't yakapin.
" I miss you! " bulong nito na lalo kong ikinangiti.
" I miss you too! " saad ko, bumitaw siya at sinarado ang pintuan.
" Anong gusto mong gawin ngayon? " he asked at naglakad kami papuntang sofa at umupo.
" Gusto ko mamasyal. " seryusong sabi ko na ikinawala ng ngiti niya.
" Dito na lang tayo, ipagluluto kita. " ngumiti ako ng pilit at tumango. Hindi ko alam kung para sa akin nga ba ang ginagawa niyang paglihim sa relasyon namin o para sa kanya.
Kinuha nito ang kamay ko at hinalikan na ikinatitig ko sa mga mata niya. I saw love in his eyes pero sa tuwing pilit niyang itinatago ang relasyon namin, pakiramdam ko hindi niya ako totoong mahal.
" Trust me Sophie, ginagawa ko ito to protect you. Ayaw ko nang mangyari pa ulit yung dati. " i smiled and nodded.
" Dito ka lang, magluluto ako ng paborito mo. " he caressed my face. Tumayo siya pagkatapos at nagtungo ng kusina.
Siguro nga takot lang itong masaktan ako ulit tulad noon.
FLASHBACK....
" Darla, sorry talaga. Hindi ko naman alam na crush mo pala si Zach. " saad ko habang nakasunod kay Darla na naglalakad papunta sa classroom namin, she's my bestfriend.
" Hindi mo alam? Ano ka manhid? Matagal ko na siyang gusto, imposibleng hindi mo yun alam e lagi mo akong kasama. " she said. Hindi ko rin naman talaga alam kasi sa tuwing makikita namin si Zach, kay Zach lang nakatuon ang mga paningin ko at hindi ko siya napapansin.
" Sorry na talaga! " saad ko, tinignan niya lang ako ng masama saka umalis.
Pagkatapos ng klase namin ay lumapit sina Aira at Jane sa akin, kaibigan din namin sila ni Darla.
" Sophie, pumunta ka daw sa rooftop, kakausapin ka ni Darla. " sabi ni Jane.
" O sige, ayusin ko lang mga gamit ko. " saad ko, umalis din sila agad.. Mula nang malaman nilang boylyfriend ko si Zach ay maging sila naging cold na sa akin.
Matapos ayusin ang gamit ko ay umakyat ako sa rooftop at hinanap si Darla doon pero hindi ko ito makita. Nagulat na lang ako nang magsara ang pintuan. Napatak bo ako dito kaagad.
" Buksan niyo to! " sigaw ko at sinubukan ko itong buksan pero mukhang nakalock na. Mukhang sinadya nilang gawin ito sa akin kaya napaiyak na ako.
Kinuha ko ang cellphone ko para humingi ng tulong pero nagulat ako nang wala ito sa bag ko kaya lalo akong napaiyak. Magdidilim na rin kaya umupo na lang ako sa isang gilid at umiyak ng umiyak. Paramg ayaw ko na ring sumigaw at humingi pa ng tulong dahil pakiramdam ko deserve ko rin ito dahil nasaktan ko ang kaibigan ko.
Nagulat na lang ako nang bumukas ang pintuan at nagulat ako nang makita si Zach, tumakbo ito kaagad palapit sa akin at niyakap ako na lalo kong ikinahikbi.
End of FLASHBACK...
Mula noon lagi na akong inaaway nila Darla at binubully ako, nalalaman yun ni Zach. Galit na galit siya pero lagi kong sinasabihan na pabayaan na lamang.
Mula sa pagkakaupo sa sofa ay tumayo ako at nagtungo sa kusina, doon ay nadatnan kong abala sa pagluluto si Zach.
" Love, sit down! " wika nito nang makita ako, ngumiti ako at umupo sa kitchen counter.
" Sandali na lang to. " sabi nito at muling hinarap ang niluluto.
Hanggang sa matapos siya at inihain ito sa harap ko.
" Taste it! " sabi nito at umupo sa tabi ko, kinuha ko at kutsara at tinikman ang luto niya.
" How is it? " hindi makapaghintay na tanong nito kaya napangiti ako.
" Masarap, mukhang mas gumagaling ka na sa pagluluto. " puri ko na ikinatuwa niya.
" Glad you like it, sige na kain pa. " ngumiti ako at tumango at pinapanood niya akong kumakain.
" Can you stay here for tonight? Ihahatid na lang kita bukas ng maaga, i'll call tito and tita na lang. " napalingon ako dito, napakamot ito sa batok na tila nahihiya.
" Namimiss kasi kita. " napangiti ako at tinitigan siya.
" Sure, namiss din kita e. " napangiti ito ng matamis. Masaya naman akong ganito lang kami pero minsan hindi ko maiwasang mainggit sa iba.