Chapter 12

1097 Words
Pagkatapos ng klase ay hinintay ko munang sunduin ng driver nila si Sophie habang ako naman ay pasakay na sana sa aking motor nang bigla na lamang may sumulpot sa aking harapan, muntik na akong mapasigaw sa gulat. " Vincent? " ngumiti ito ng malungkot. " A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang dito ako nag-aaral? " tanong ko dito. " Can we talk? " tanong nito na ikinabuga ko ng hangin at tinignan siya. " Ano bang mahirap intindihin sa mga sinabi ko Vincent? " tanong ko dito, i saw pain in his eyes. I looked away. " This is the last Calli. After this, hindi na ulit ako magpapakita pa. " sabi nito, napatingin ako sa kanya at nakita ko ang sinairidad sa kanyang mga mata. " Fine, sumunod ka sa akin. " sabi ko dito na ikinatango niya, tinungo namin ang rooftop ng building. Pinagmasdan ko ang kalangitan, madilim at walang kahit isang bituin at buwan. Katulad ng buhay ko ay napupuno ito ng kalungkutan. " Calli... " tawag ni Vincent. " Alam mo bang kayo ni Janna at Oliver ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko noon kasi kayo yung nasasabihan ko ng lahat ng problema ko? " ngumiti ako ng mapait habang inaalala yung masasayang araw namin noon. " Sobrang dami kong masasayang ala-ala na kasama kayo. Kayo ang nagturo sa akin sa maraming bagay kaya sobrang sakit para sa akin na nagawa niyo akong iwanan. " malungkot kong sabi kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha. Naaalala ko na naman yung gabing yun. Flashback..... Nagbabasa ako ng libro nang tumunog ang aking cellphone, agad ko itong kinuha at sinagot. " Vincent bakit? " tanong ko sa tumawag. " P-wede ba tayong magkita? " tila nagdadalawang isip na sabi nito na ikinakunot ng aking noo. " Ha? bakit? gabi na ah. " saad ko dito. " Importante lang Calli.. may mahalaga akong sasabihin. " sabi nito. " Hindi mo ba pwedeng sabihin na lang dito? " tanong ko, malalakas ang ginagawang paghinga nito na tila kinakabahan. " Hindi e. Pwede bang magkita tayo sa parke malapit sa school? " tanong nito, dahil nag-aalala ako sa ikinikilos niya ay pumayag ako. " Sige, papunta na ako. " sabi ko. " Salamat Calli. " sabi niya bago pinatay ang tawag. Agad akong nagbihis at bumaba ng kwarto, hinanap ko ang aming katulong. " Ate, pagdating nila mama at papa pakisabi lumabas lamang ako sandali. " bilin ko dito. " Sige po mam. " sabi naman nito kaya umalis na ako. Wala ang mga magulang ko dahil nasa meeting de avance ang mga ito kasama sina kuya. Kasalukuyang tumatakbo sa pagka bise gobernador si papa. Pagdating ko sa lugar ay napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang lamig. Hinintay ko si Vincent ngunit isang oras na yata wala pa ito. " Hmm... mukhang masarap to. " nanindig ang balahibo ko sa narinig at napatingin sa nagsalita. Mga nakasuot sila ng bonnet at pinaligiran nila ako na lalo kong ikinatakot. Napaatras ako pero may tao pala sa likod ko at itinulak ako kaya sumubsob ako sa isa, mukhang leader nila ito. Hinawakan nito ang aking buhok at itinayo ako. " S-sino kayo? anong kailangan niyo sa akin? " tanong ko. Tumawa sila na lalo kong ikinatakot. " Kunin niyo na yan. " utos nito kaya agad akong hinawakan ng mga kasama niya. " Wag po... maawa kayo sa akin. " umiiyak kong pakiusap at nagpumiglas ako ngunit tila wala silang naririnig, balewala ang lakas ko sa kanila. Narating namin ng isang van, binuksan nila ang pintuan. Inikot ko ang paningin upang maghanap ng mahihingian ng tulong at sa di kalayuan ay nakita ko si Janna at Vincent na tila nagulat sa nangyayari. " Vincent... Janna... tulungan niyo ako. " sigaw ko sa mga ito, pero imbis na tumulong ang dalawa ay mabilis silang tumakbo papalayo na ikinadismaya ko at ikinaiyak. End of flashback..... " Calli i'm sorry. " his voice cracked. " Why Vincent? bakit niyo yun nagawa sa akin? Kaibigan niyo ako, kaibigan ko kayo e. " nanunumbat na tanong ko habang lumuluha. " I'm sorry, natakot ako. Natakot akong pati ako makuha nila kaya ang nasa isip ko na lang ng mga oras na yun ay tumakbo papalayo. " lumuluhang sagot nito. " Sobrang daming katanungan sa isip ko. Ang daming what if's na hanggang ngayon gumugulo sa isip ko. What if hindi ako pumayag na makipagkita sayo? What if tinulungan niyo ako? What if dumating ka noon ng maaga.. what if nakauwi ako kaagad noon... what if... ang daming what if... " i cried. " Calli... i'm sorry, i was about to go that time. Pero biglang dumating si Janna at pinigilan ako. Alam kasi niya ang plano kong pag-confess sayo. Sobrang pinagsisisihan ko yun Calli, kung alam mo lang. " napatingin ako sa kanya sinabi nito, napalunok siya. " I like you Calli.. Mga bata pa lamang tayo ay gusto na kita, kaya nga halos hindi ako nakikipagkaibigan sa iba noon kasi gusto ko ikaw lang palagi ang kasama ko. Hanggang sa hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko at nagpasyang magtapat sayo. H-hindi ko naman naisip na mangyayari ang ganun. K-kung alam ko lang sana pala hindi na lang. " dagdag pa nito, napaiwas ako ng tingin at ngumiti saka napailing. " Alam mo bang gusto rin kita noon? " i asked, napatingin ito sa akin ng tila hindi makapaniwala. Yes i like him at that time pero alam kong hindi ganun kalalim katulad ng pagkagusto ko doon sa batang matagal na panahon kong hinintay na bumalik. " Unti-unti na akong nagkakagusto sayo noon at nakakalimutan ko na yung lalaking hinihintay ko. Pero ang pagkagustong yun ay napalitan ng sakit at galit nang gabing yun. " sabi ko na ikinalunok niya. Pain and guilt was written in his eyes. " Calli.. i'm sorry. " nahihirapang saad nito. " Alam kong hindi naman ako dapat magalit dahil ginawa niyo lang yun para hindi kayo madamay pero wala e. Kahit anong pilit ko sa sarili ko mas nangingibabaw pa rin ang galit. " pag-amin ko. Napayuko ito at pinunas ang kanyang luha. " Sa tuwing nakikita ko kayo bumabalik sa ala-ala ko ang lahat. Sa tuwing nakikita ko kayo nakakaramdam ako ng sakit at galit. Ako nga mismo naiinis na sa sarili ko e. Kaya pwede bang... pwede bang hayaan niyo na ako? Pwede bang wag na muna kayong magpapakita sa akin? please? " pakiusap ko, malungkot itong tumango. " I'm sorry and take care always. " sabi nito bago tuluyang tumalikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD