Nanatili ako sa aking kinatatayuan at hinayaan ang sariling umiyak. Tumingin ako sa baba at para akong nalula sa taas nito.
I admire Zaki since we've meet, bukod kasi sa gwapo ito ay mabait din at palabiro. He always makes me happy.
FLASHBACK....
Nasa garden ako ng school at tahimik na pinagmamasdan ang larawan kung saan naglalaro ako kasama ang isang batang lalaki.
" Okay ka lang? " naitago ko agad ang larawan sa aking bulsa at napalingon ako sa nagsalita. Nakangiti itong lumaput at umupo sa tabi ko.
" Sino ka? Kilala mo ako? " tanong ko.
" Oo, sino bang hindi makakakilala sa pinakamatalinong estudyante dito? " natawa ako sa sinabi nito.
" Hindi naman ako masyadong matalino saka hindi naman ako sikat. " sabi ko dito.
" Ako nga pala si Vincent. Grade six, section A. " pagpapakilala nito sabay lahad ng palad, nakipagkamay naman ako dito.
" Ako naman si Calli Enrique. Grade six FL. " saad ko.
" Bakit pala andito ka? " tanong niya matapos makipagkamay.
" Wala akong makausap e, absent yung kaibigan kong si Janna. " sabi ko.
" Friends na din tayo para hindi lang iisa ang kaibigan mo. "
" Ha? S-sige. " nahihiyang sabi ko.
" Tara sa canteen, libre kita. " sabi nito at kinuha ang kamay ko saka hinila ako papuntang canteen.
Kinabukasan ay ipinakilala ko rin ito kay Janna, kasama na rin ni Vincent si Oliver kaya nakilala rin namin ito. Naging mataluk na magkakaibigan kami hanggang sa magpasyang pumasok sa iisang school sa highschool.
" Calli! " napalingon ako kay Vincent, nakatambay kami sa basketball court malapit sa amin dahil magkakalapit lng din ang bahay namin.
" Bakit? " tanong ko, nakaupo ako sa bleecher at tumabi ito sa akin.
" Kinukuha akong player ng basketball sa school. "
" Talaga? " di makapaniwalang taning ko, tumango naman ito.
" Sinubukan kasi naming magtry outs ni Oliver, ayon nakuha kami. "
" Maganda yun, may panonoorin na kami sa intramurals. Iche-cheer namin kayo ni Janna. " masayang sabi ko na ikinangiti.
" Okay lang ba sayo yun? Mas lalong darami na kayong kaagaw sa amin kapag nakita nila ang galing namin sa paglalaro. " pagyayabang nito na ikinatawa ko ng mahina.
" Okay lang yun, alam naman namin ni Janna na hindi niyo kami iiwan e. Bestfriend forever tayo diba? "
" Syempre! " nakangiting saad nito.
Sa totoo lang mas okay pa magkaroon ng friends na lalaki. Para kang may boyfriend na kasama sa lahat ng kalokohan.
Nasa garden ako ng bahay namin nakaupo sa bench na ginawang swing tapos may bubong kaya okay lang kahit mainit. Hawak hawak kong muli ang picture namin ng batang lalaki.
" Kailan ka ba babalik? Namimiss na kita, ang sabi mo babalik ka agad. " sabi ko habang pinagmamasdan ito. Pitong taon ako nang makilala ko ito, birthday noon ni kuya Rafa at nasa isang beach kami. Yun ang una at huli naming pagkikita. Nagtanong na ako sa magulang ko baka sakaling kakilala nila ito pero sa dami ng bisita hindi na daw nila matandaan kung kaninong anak ito.
" Kapag hindi ka pa bumalik kalilimutan na talaga kita. " nakangusong saad ko.
" Ang cute cute mo pa naman dito oh! Ang cute natin. "
" Calli! " napalingon ako sa nagsalita at nakita si Vincent, kaya mabilis kong naitago ang picture sa wallet. Napakunot noo ako nang makita ang itsura nito, luhaan at hinihingal na tila tumakbo ng mabilis papunta dito.
" Vincent, anong nangyari? Halika, maupo ka. " umatras ako para makaupo siya sa tabi ko na agad niyang ginawa, pinunasan pa niya ang kanyang mga luha.
" What happened? " nag-aalalang tanong ko sa kanya.
" Di ba nga ampon lang ako nila mama at papa? Ngayon, dumating na yung totoo kong magulang. " sabi nito.
" Talaga? E bakit parang hindi ka masaya? " tanong ko, hindi kasi saya ang nakikita ko kundi galit.
" Ayaw ko sa kanila Calli, ayaw ko! Pagkatapos nila akong pabayaan, ganun na lang kadali sa kanila para balikan ako. " masama ang loob na sabi ni Vincent.
" Halika nga dito! " niyakap ko ito na lalo niyang ikina-iyak.
" Vincent, kahit na anong gawin mo magulang mo pa rin sila. Wala ka kung wala sila, maaaring nakagawa sila ng isang bagay na nakasakit sayo pero sigurado ako na mahal ka ng mga yun. " sabi ko saka hinagod ang knyang likod.
" Calli, pwede bang mangako ka? Mangako kang hindi mo ako iiwan katulad nila. " kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya, ngumiti ako at tumango saka pinunasan ang kanyang mga luha.
" Pangako, nasa tabi mo lang ako palagi. " saad ko na ikinangiti niya.
" Salamat Calli! "
" O, dito ka muna at kukuha ako ng meryenda natin. Hintayin mo ako! " paalam ko at tumakbo papasok ng bahay, pagbalik ko ay nagulat ako nng hawak na ni Vincent ang wallet ko at ang picture.
" Calli, sino to? " tanong nito na ang tinutukoy ay ang kasama ko sa larawan, ngumiti ako at umupo sa tabi niya hawak ang meryenda.
" Iyan ba? Iyan yung soulmate ko pero matagal ko nang hindi nakikita. Minsan lang kami nagkita noon. " sagot ko, napatingin siya sa larawan bago ibinalik sa akin.
" Meryenda na tayo! " saad ko saka itinabi ang larawan, pansin ko ang pagiging tahimik nito.
End of FLASHBACK....