" Hoy! Dwarf, kung magpapakamatay ka wag dito sa school. Wag mo kaming bigyan ng problema. " napalingon ako sa aking likod at nakita sa pintuan si Ivo. Nasa rooftop pa rin ako, naisip kong mag stay dito para makapag isip.
" Psh! hindi ako magpapakamatay noh! " sabi ko dito, naglakad ito papalapit sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. My heart beats fast, tila nakakabingi ang malakas na pintig nito na hindi ko maintindihan.
Pigil ko ang aking hininga nang ilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. Para akong lalagnatin, nanginginig din ang buo kong katawan.
" Don't you dare tell them about our first meet. Mananagot ka sa akin sa oras na may nakaalam. " bulong nito na ikinalunok ko, napalingon ako dito at nais kong pagsisihan ang ginawa dahil sobrang lapit na ng aming mukha.
Masama ang tingin nito sa akin na tila ba kakainin ako ano mang oras pero bakit imbis na matakot ako ay tila mas lalo pa akong nahuhulog dito. Parang mas gwapo pa siya sa paningin ko, ano bang nngyayari sa akin?
" Hayst! " lumayo ito sa akin at inayos ang kanyang buhok.
" Alam kong gwapo ako pero pasensiya na hindi ako pumapatol sa bata. " sabi nito at naglakad na paalis. Para naman akong nakahinga ng maluwag, napahawak ako sa aking dibdib na ang lakas pa rin ng t***k.
" Mukhang kailangan ko nang magpacheck up, mukhang mas nagiging malubha na ang kalagayan ko kapag napapalapit sa ibang tao. " bulong ko sa aking sarili.
Napatingin ako sa pintong nilabasan ni Ivo, bakit feeling ko hindi naman talaga siya masamang tao? Kung masama siyang tao, sana hindi niya tinulungan noon yung babae at ako. Malakas ang pakiramdam ko na mabuti siyang tao at nagpapanggap lang na masama. Pero bakit naman niya yun gagawin? Bakit ayaw rin niyang malaman ng iba ang nangyari noong una kaming magkita.
Mabilis akong tumakbo upang sundan ito, ang dami kong katanungan. Ngunit pagkababa ko ng building ay wala na ito, masiyado na ring gabi kaya nagpasiya na akong umuwi dahil maya-maya lamang ay magsasarado na ang school. Sumakay na ako sa aking motor, pagkaalis ko ng school ay may natanaw akong isang lalaki sa gilid ng daan at isang bata. Kumunot ang aking noo nang makitang si Ivo ang lalaki, mabilis kong itinabi ko ang aking motor at bumaba rito.
Tila hindi naman nito napansin ang paglapit ko dahil kinakausap niya ang bata.
" Paano ka ba nawala? asan ang mga magulang mo? " tanong nito sa bata na tila katatapos lamang umiyak.
" Hindi ko po alam, sumunod lang po ako sa kuya ko nang umalis siya sa bahay. Tapos po hindi ko na siya makita. " kwento ng bata, napabuntong hininga si Ivo.
" Alam mo ba ang address ng bahay niyo? " tanong nito sa bata, tumango naman ito.
" Halika, ihahatid kita sa inyo. " sabi ni Ivo kaya lalo akong naguluhan. Bakit pag sa labas ng school ay napakabuti niyang tao?
Akmang aalis na sila kaya mabilis akong lumapit dito.
" Ivoooo... " tawag ko dito, napalingon ito at agad kumunot ang noo.
" Anong ginagawa mo dito? " masama ang tingin nito sa akin habang hawak na niya sa kamay ang bata na ikinangiti ko.
" May itatanong lang ako. " sabi ko, tumalikod ito at naglakad kaya sumunod ako. Nas malapit lang pala ang kotse nito at pinasakay roon ang bata.
" Ano na naman? sabihin mo na. I have a lot things to do. " inis na sabi nito.
" Bakit ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa unang pagkikita natin? " tanong ko dito, napabuga ito ng hangin.
" It's none of your business. " sabi nito at akmang bubuksan na ang kotse nang pigilan ko ito pero mabilis niya akong naitulak kaya napaupo ako, mabuti na lamang at nakagloves pala ito. Bakit nga kaya ito nakagloves?
" Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko? " galit na tanong nito na kulang na lang ay patayin ako nito sa masasamang tingin niya. Pero bakit wala akong maramdamang takot sa kanya?
Mabilis akong tumayo at sinalubong ang masasama nitong tingin.
" Lubayan mo ako kung ayaw mong masaktan. Hindi ako mabuting tao tulad ng inaakala mo, i'm an evil. " saad nito.
" I don't believe you, ramdam kong isa kang mabuting tao. Bakit ba ipinagpipilitan mong masama kang tao? "
" cause i am. " sigaw nito na ikinagulat ko.
" Masama akong tao. Yung babaeng tinulungan ko noong una mo akong makita. " ngumisi ito na tila ba demonyo.
" Inihulog ko siya sa daan dahil walang kwenta ang katulad niya na hindi marunong lumaban. At itong batang to? abangan mo na lang sa balita bukas kung anong gagawin ko sa kanya. " sabi nito at mariing nakatitig sa akin, napalunok ako at napailing. Hindi ako naniniwala sa kanya, alam kong hindi niya iyon magagawa. Lumapit siya sa akin at katulad kanina ay sobrang bilis na naman ng tibik ng puso ko at pigil ko ang paghinga. Inilapit niya ang bibig sa aking tainga, naikuyom ko ang aking kamao sa di maintindihang nararamdaman.
" At ikaw? kapag hindi kapa tumigil. I will kill you. " bulong nito, para naman akong nabato sa aking kinatatayuan. Lumayo na ito sa akin at tumalikod.
" By the way. " lumingon tong muli sa akin.
" Wag na wag mo ring sasabihin sa iba ang nangyari ngayon. Binabalaan kita. " sabi nito bago tuluyang pumasok sa kanyang kotse at iniwan ako roon.
Napailing ako bago tuluyang umalis at umuwi ng bahay. May ilaw na sa ibaba kaya siguro ay narito ang may-ari.
Aakyat na sana ako nang lumabas ang isang lalaki, napatingin ito sa akin at napangiti.
" Hi! Anak ako ng may-ari, kararating ko lang noong isang araw. " naglakad ito papalapit sa akin.
" Ah, ikaw pala yung sinasabi ni Nay Pasing na anak niya. " ngumiti ito at tumango.
" I'm Sky! " pagpapakilala nito at natuwa ako nang hindi ito maglahad ng palad.
" I'm Calli. " pagpapakilala ko rin.
" Mag-isa kablang dyan sa taas? " tanong nito, tumango naman ako.
" Mabuti na lang pala andyan ka, may makakasama ako dito kahit papaano. Sila mama kasi hindi ko alam kung kailan uuwi. " saad nito.
" Ako nga nabobored na dito e, medyo nasasanay na nga yata akong walang kasama. "
" Teka, lalabas muna ako. Babalik ako agad at magkwentuhan tayo. Okay lang ba? " napangiti ako.
" Sure! "
" Wala kang ipapabili? Pupunta ako sa convenience store. "
" Wala "
" Hmmm.. marunong ka magluto? " tanong niya.
" Oo naman, mag-isa lang ako e kaya dapat marunong ako sa gawaing bahay. " natawa naman ito ng mahina.
" Nag-iinom ka? " tanong niya, tumango ako.
" Cool! Inom tayo? " napakunot noo ako, parang ang hirap namang magtiwala agad.
" Okay lang ayain ko kaibigan ko? " tanong ko.
" Sure, mas madami mas masaya. " sabi nito na ikinatuwa ko.
" Okay, magluluto ako ng pagkain. "
" Okay! Ako na bahala sa inumin, Bye! " sabi nito at kumindat pa bago cool na umalis. Kilos gangster pati porma pero mukhang mabait naman at mabuting tao naman.
Pagpasok ko ng tinitirahan ko ay agad kong tinawagan sina Sophie at Elji, pumayag naman ang mga ito kaagad.