Vacant time namin ni Sophie at nagpasya kaming simulan ang interview sa mga magkasintahan dito sa campus.
" Hi! " bungad ni Sophie sa magkasintahan na nilapitan namin na narito sa Cafeteria. Kumunot ang noo ng dalawa nang makita kami.
" I'm Sophie and this is Calli, pwede ba namin kayong mainterview about your relationship? Kumukuha lang kami ng idea para doon sa article na susulatin namin. " sabi nito na ikinngiti ng dalawa.
" Sure, sit down. " wika ng lalaki, sumenyas si Sophie na maupo kami.
" By the way, i'm Frank and this is Michelle. " pagpapakilala ng lalaki.
" Hello! " magiliw na bati naman ng babae.
" Hello... matagal na ba kayong magkasintahan? " panimula ko, nagkatinginan sila at nagkangitian, ka cheesy.
" Actually childhood bestfriend kami, at 5 years na kaming mag on. " sagot ng babae.
" Sa 5 years na yun, hindi ba kayo nagsawa sa isa't-isa or hindi ba nanlamig yung relasyon niyo? " tanong ko, kasi nakikita ko kadalasan sa twitter ng daming nagpopost na na-out of love daw sila kaya nagbreak, or nawala na yung kilig at nanlamig na.
" Actually, hindi naman talaga yun maiiwasan. Nangyayari yun sa isng relasyon habang tumatagal pero nasa sa inyo yun kung mas pipiliin niyo paring mag stay sa isa't-isa. Kami kasi nang dumating kami sa point na yun, sinubukan naming mag cool off. " sagot ng lalaki.
" Cool off? " tanong ko, hindi kasi ako pamilyar sa ganun, wala pa akong nakakarelasyon e.
" Ah, sorry NBSB (No boyfriend since birth) kasi tong kaibigan ko kaya di niya alam. " natatawang wika ni Sophie na ikinasimangot ko kaya natawa rin yung dalawa.
" Cool off is used when partners wants to take a break from their relationship para narin maiwasan ang magkasakitan. " sagot ng babae, tumango tango naman ako bilang tanda na naunawaan ko na.
" Noong nag cool off kayo, paano kayo nagkaayos ulit? " tanong ni Sophie.
" Well, nagpalamig lang kami sandali, two weeks yata. Kasi hindi rin naman namin kaang tiisin na magkahiwalay talaga. Isa pa, kaag matured kana. Maiisip mo na, it's not about the kilig lang. Ako nang mag cool off kami, naiisip ko yung mga araw kung paano kami nagsimula, kung paano nmin hinarap ng sabay yung mg hamon sa buhay at dahil dun narealized ko, hindi ko pala siya kayang mawala. " sagot ng lalaki.
" Hindi kasi kami naniniwala sa destiny e. Dahil para sa amin, kung gusto mong maging kayo then choose to with others kahit anong mangyari. Kung mayroon kang isang daang dahilan para bumitaw, hahanap at hahanap ka ng isang dahilan para patuloy na kumapit sa relasyon niyo. " sagot naman ng babae na ikinangiti ko. Naisip ko lang, sobrang matured nila humawak ng relasyon. Hindi katulad ng mga batang post ng post sa social media at doon nagpuputak.
" Nakakatuw naman kayo humawak ng relasyon. " wika ko na ikinangiti nila at nag holding hands pa s harap namin, napangiwi na lang ako.
" Ano yung pinakang hobby niyo gawin as couple? " tanong ni Sophie
" Turing kasi namam sa isat-isa hindi lang basta girlfriend and boyfriend kundi para rin kaming magkabarkada. Madalas kaming kumain sa labas, gumala at sabay rin kaming nagsisimba tuwing linggo. " sagot ni Michelle. Pansin ko ng biglaang pagkalungkot sa mukha ni Sophie at nanahimuk din ito.
" Balikan naman natin kung kailan niyo naramdaman na mahal niyo na ang isa't-isa at kung paano kayo nagkaaminan. " sabi ko, kita ko ang matatamis nilang mga ngiti. Ganyan ba talaga pag inlove?
" Well, ang nangyari kasi si Michelle ang unang umamin na gusto na nga niya ako. Pero, binalewala ko yun dahil ayaw kong i-risk yung pagkakaibigan namin. Alam naman natun na kapag in a relationship na amg dalawang magkaibigan, once na maghiwalay sila pati pagkakaibigan nila ay nawawala na. Kaya sabi ko sa kanya noon, it's better if we stay as a friend lang. So yun, pumayag din naman siya pero biglang nawindang yung mundo ko nang malaman kong may nanliligaw sa kanya. At doon ko unti-unting narealize na mahal ko na siya. Kaya, doon na ako gumawa ng hakbang ara umamin sa kanya. " sagot ni Frank, pansin ko ang pamumula ng mukha ni Michelle.
" How about you? Paano mo narealize na mahal mo na siya? " tanong ko kay Michelle, tila nahihiya itong sumagot.
" Actually, noon ko pa siya gusto bata pa lamang kami. Akala ko simpkeng pagkagusto lang yun hanggang bigla na lang siyang may pinakilalang girlfriend, so ako para akong nasabugan ng bomba. Naguluhan na ako dahil nakakaramdam na ako ng selos noon at nasasaktan ako pag nakikita silang magkasama. Kaya medyo umiwas ako sa kanya pero nang malaman kong naghiwalay sila ng gf niya, i grabbed that opportunity para umamin sa kanya. At sobrang nasaktan ako nang sabihin niyang mag stay as a friend na lang kami, kaya tumanggap ako ng manliligaw. " sagot nito at natatawa pa sa mga huling sinabi.
" Hindi ba kayo natatakot na what if maghiwalay kayo, ibig sabihin nun may posibilidad din na mawala ang pagkakaibigan niyo? " tanong ko.
" Actually we already talked about that. Ang usapan namin bago namin pasukin ang ganitong relasyon. Once we broke up, pipiliin at pipiliin parin naming ayusin ang pagkakaibigam namin. Isa pa, tiwala ako sa pagmamahalan namin na it will last forever. " nakangiting sagot ni Frank na kakikitaan mo talaga na mahal na mahal niya si Michelle.
Dahil napansin ko ang pananahimik ni Sophie ay nagpasya na akong magpaalam sa dalawa.
" Thats right, pagkatiwalaan niyo ang pagmamahal niyo sa isa't-isa. Salamat sa pagsagot sa mga tanong namin, sana maging masaya kayo lagi. " sabi ko.
" Salamat din. " sagot ng dalawa.
" Aalis na po kami, salamat po ulit. " paalam ko at siniko ko si Sophie, pilit itong ngumiti sa akin at sabay kaming umalis.
Sa daan ay tahimik lamang si Sophie na ikinakunot mg noo ko.
" Anong problema? " tanong ko dito na ikinalingon niya sa akin.
" Wala naman.. i... i just feel envy. " malungkot na sagot niya.
" Ha? why? " tanong ko dito, napabuga ito ng hangin.
" They are childhood bestfriend and we too. Pero ibang level yung pagmamahalan nila kumpara sa amin. Kami, magkarelasyon nga pero halos hindi naman nagkikita at nagkakasama. Ni hindi rin kami nagkakausap kahit sa chats lang. " malungkot niyang sagot.
" Hindi naman doon nasusukat ng pagmamahal hindi ba? " tanong ko, she nodded.
" Pero doon mas lumalalim ang pagmamahal. Without conversation, without connection, paano mo mai-express yung love niyo for each other? Paano mag go-grow yung love? It has a possibility na mawala pa ito. " sagot niya, bigla tuloy akong napaisip. Hindi rin pala madali ang magmahal.
" So bakit kasi hindi niyo pa i public ang relasyon niyo? Bakit hindi niyo pag usapan ang tungkol sa ganitong problema? " tanong ko.
" We did, pero ang lagi niyang sagot sa akin ay busy siya. Busy siya sa pag aaral ng mga pasikot sikot sa company nila at sa pag-aaral. Ayaw rin niyang ipaalam sa lahat ang relasyon namin dahil ayaw na daw niyang pinupuntirya ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. I don't kniw if excuses lang niya ba yun. " sagot ni Sophie. Ang complicated din pala ng relasyon nila.
" Try to understand him muna, malay mo pag hindi na siya busy magkaroon na siya ng time sayo. " payo ko dito na ikinangiti niya.
" Parang ang expert mo pagdating sa oag ibig a. " pareho kaming natawa sa sinabi nito.
" Ang hirap naman palang umibig sa mayamam. " sabi ko, napapailing naman siya habang natatawa.
" So saan na tayo? " tanong nito.
" Hmm... mamaya pa ang klase natin, may isng oras pa tayo. " sabi ko.
" Tara gumala.. " aya nito na ikinakunit ng noo ko.
" Saan? " tanong ko.
" May motor ka diba? i know a perfect place na makakapag relax tayo. " nakangiting sgot nito at hinila na ako sa kamay papabas. Pagdating namin sa parking lot at sumakay ako sa aking motor at pinaandar ito.
Nilingon ko siya at napapakamot ito sa ulong sumakay.
" Bakit? " tanong ko.
" Dahan dahan ka lang ha! First time ko sumakay ng motor. " kinakabahang sagot nito na ikinatawa ko.
" Don't worry, basta kumapit ka lang sa akin. " sabi ko, humawak naman ito sa aking damit bago ko pinaharurot ang motor. Napangiti ako nang makitang nakapikit ito ng mariin.