Chapter 16

831 Words
" Calli.. " napalingon ako kay Sophie nang bigla na lamang itong sumulpot. Nasa cafeteria ako at katatapos lamang ng klase namin, hindi siya pumasok kanina at diko alam kung bakit. " Sophie.. bakit ngayon ka lang? bat dika pumasok sa first subject? " tanong ko, ngumiti naman ito at umupo. " May nangyari kasi sa daan habang papunta ako dito. But i'm okay naman. " sagot nito. Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang kanyang cellphone, mukhang may nagtext sa kanya. Kinuha niya ito at binasa ang text at napatingin sa akin. " Pinapapunta ako ni Zach doon, halika sama ka sa akin. " sabi nito at hinigit ang aking kamay at hinila ako paalis ng cafeteria. Naatingin ako sa kamay niya at naangiti ako nang makitang may suot siyang gloves. Hindi na rin ako tumanggi, chance ko na itong makilala ang tatlo. Pagpasok namin sa tambayan ng tatlo ay napatingin ang mga ito sa amin, napalunok at at para akong maiihi sa kaba. " Uy Calli... " napatingin ako kay Jazzie, ngumiti ako dito. Lumapit naman ito kasama yung isang lalaki. " Calli this is Jazzie and Zach. Yung isa namang iyon ay si Ivo. Guys this is Calli. " pagpapakilala ni Sophie. " Hi.. " bati ng dalawa. Magsasalita sana ako nang bigla na lang may pants ko at nang tignan ko ay napangiti ako nang makita yung aso na si Sunflower. Agad akong umupo para mahawakan ito. " Hello... nagkita ulit tayo. " sabi ko saka hinaplos ito, iginalaw galaw naman nito ang buntot at dinidilaan ang kamay ko na lalo kong ikinangiti. " Ahm.. Calli, mag uusap lang kami. " paalam ni Sophie, ngumiti ako dito at tumango. Umalis naman ang mga ito at nagtungo sa isang kwarto, kinarga ko ang aso. " Halika, umupo ka muna. " sabi ni Jazzie, ngumiti ako at tumango. Habang papalapit sa sofa ay bigla na lamang may tumamang bola sa ulo ko at napaupo ako sa lakas ng impact nito at napaupo. Nabitawan ko na rin ang aso. " Ivo... " rinig kong galit na sigaw ni Jazzie, napapikit pikit ako at napatingin kay Jazzie, tumayo ako at tinignan ang lalaking bumato sa akin. It was Ivo, sayang. Gwapo sana kung hindi lang masama ang ugali. Napalunok ako nang lumapit ito sa akin at nakatayo na sa harap ko hawak ang bola habang nakatitig sa akin at nakangisi. Naramdaman ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng aking puso. Hindi ko mapigilan ang sariling titigan ito, he look like a very handsome devil. " Sorry... nadulas yung bola sa kamay ko. " nakangising sabi nito. God! why is his voice so sexy? I gulped and cleared my throat, i was about to speak when Sophie came. " What happened? " tanong ni Sophie na nasa tabi ko na pala, napabuga ako ng hangin. " Oh, nadulas sa kamay ko yung bola at tumama sa kaibigan mo e. By the way, Zach pwede bang sa susunod sa ibang lugar kayo mag-usap? Ayaw kong may ibang taong nakakapasok dito. " masungit na sabi ni Ivo at tinalikuran naman kami, akmang susugurin siya ni Sophie pero mabilis itong nahawakan ni Zach. " Bitaw... " singhal niya kay Zach at iwinaksi ang kamay nito saka tumingin sa akin. " Let's go Calli. " aya nito at hinawakan ako sa kamay at nilingon si Zach. " Diko alam kung bakit patuloy pa rin kayong nakikipagkaibigan sa demonyong yan. " galit na sabi ni Sophie saka ako hinila papalayo roon. Huminto kami sa may garden, binitawan niya ako at tinignan ng tila nahihiya. " Pasensiya kana ha! Sana kasi hindi na kita sinama, ikaw tuloy ang naag initan ng demonyong yun. " sabi nito, ngumiti ako para ipakitang ayos lang ako. " Wag mo nang isipin yun, ayos lang ako." sabi ko dito. " Nakakainis talaga yung lalaking yun. Kaysarap niyang tirisin at tadtarin ng pino. " inis na sabi nito na ikinatawa ko. " Halika na nga, pumasok na tayo. Malapit na ang next class natin. " sabi ko at naglakad na, sumabay naman ito. " Ano pala ang nangyari kanina? yung dahilan kung bakit hindi ka nakapasok sa unang klase natin? " tanong ko na ikinangiti niya ng matamis n ikinakunot ng aking noo. " May nakilala ako Calli... gwapooooo.. " kinikilig niyang sabi. " Huy gaga.. baka nakakalimutan mo may boyfriend kana. " sabi ko dito na ikinanguso niya. " Palagi lang din naman kaming nag-aaway e. " sabi nito, napaisip tuloy ako bigla. " Hindi ka ba napapagod o nagsasawa sa ganyang relasyon niyo? " tanong ko, nalungkot naman ito bigla. " Kahit naman mapagod o magsawa ako mahal ko parin siya. Sana nga lang kapag napagod o nagsawa na ang tao kasabay na rin nito ang pagkawala ng nararamdaman niya, ang kaso hindi naman. " sabi nito. " Wag ka na malungkot diyan. Sigurado darating din ang araw na magiging maayos kayo. " saad ko, pilit itong ngumiti at tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD