Nang matapos kami sa Baler mag-enjoy ay naisipan naming puntahan ang Casiguran Aurora dahil sa sikat nitong Ermita hill. May mga sabi-sabi kasi na nagkakatotoo ang mga hinihiling nila doon, gusto naming subukan. Wala namang mawawala sa amin kung susubukan namin, kaya lang halos tatlong oras din ang biyahe mula sa Baler. Nng dumating sa Casiguran ay agad naman namin itong nakita, medyo hiningal pa kami sa hagdan nito. Matapos doon ay dumaan kami ng mg pasalubong dito sa Casiguran at pati na rin sa Baler bago umuwi. Pag-uwi ay katulad ng napagkasunduan namin ni Ivo, babalik na ako sa bahay. Inayos ko na ang mg gamit ko at sinundo ako ni kuya. Si black ay kinuha ko, si sunflower ang naiwan kay Ivo para tig isa kami ng aalagaan. Bakasyon pa lang kaya lagi ko nman siyang binibisita, ganun d

