Nagising ako sa di maipaliwanag na dahilan. Bumaba ako ng kama at sinindihan ang ilaw, lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina. Uminom ako ng tubig at nagdala na rin ako para kung sakaling mauhaw ako mamaya ay may inumin ako. Hindi naman nakakatakot ang buong bahay, pag-akyat ko ng hagdan ay may narinig akong ingay sa kwarto ni Ivo. Agad akong lumapit dito at pinakinggan ang ingay mula sa loob. " Sorry... sorry... " napakunot noo ako sa narinig, boses iyon ni Ivo at tila nahihirapan siyang magsalita. " Wag niyo siyang sasaktan. Wag please, ako na lang. " nagsusumamong sabi nito. Hindi kaya binabangungot siya? Agad kong binuksan ang pintuan, buti na lamang at naka-lock ito. " Sh*t! " mura ko, kaya pala siya binabangungot at nakapatay ang ilaw. Agad ko itong binuksan at nakita si Ivo

