SHE CLAMPED a hand over her mouth and gasped in surprise. Maski si Hunter din ay nagulat din sa tanong niya. Hindi niya inaasahan na ang mga katagang iyon ang lalabas sa bibig niya. "I-I'm sorry. That wasn't—" she stopped talking when she saw his lips twisted into a wry smile. "What do you think?" he asked, in a mocking voice. She bit her lip and said nothing. Alam na niya ang sagot kahit hindi pa nito sabihin. Just by looking at his eyes, it was already clear to her. Hindi siya nito gusto at alam niyang kahit kailan man ay hindi siya nito magugustuhan. Because after all, nobody would look at the person they love with hatred in their eyes. Gaya na lang ng klase ng tingin na ibinibigay nito sa kanya ngayon. And she was not expecting something. Alam niyang tanging galit lang ang nararamdam

