PINIPILIT niyang kuhain ang salamin sa kamay ni Rainee pero mahigpit ang pagkakahawak nito dito. Ilang araw ng tulala ang kasintahan niya at hindi niya rin ito makausap ng matino. Minsan lang nito bitawan ang salamin at palagi nitong tinitingnan ang sariling repleksyon dito. "That's enough, Rainee," malumanay na sabi niya dito. Sinubukan niyang kunin ulit dito ang salamin pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak dito. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hindi makakatulong ang palaging pagtingin mo sa salamin." "No, no, no," napapailing nitong sabi. "I'm not ugly! I'm not!" sigaw nito at ibinato sa sahig ang hawak na salamin. Tiningnan siya nito. Tears started streaming down her face. Halos madurog ang puso niya sa tuwing nakikita ang mukha ni Rainee. He felt tremendous guilt fo

