Chapter 7

1596 Words
Hi guys! Kindly follow me at my new twitter account @Helloobeaches and don't forget to like my new update i hope you keep on supporting my story. follow me also on my w*****d account: @Helloobeaches / Mareng_angge. ---------------------------------------- KASALUKUYAN kaming nakatambay sa condo ni lincoln dapat kasi mag nanight out party kami,kaso umulan ng malakas kaya napagpasyahan namin na magovernight na lang kami dito. Nagmovie marathon kami pero yung mga pinapanood namin puro rated spg. Tuwang tuwa yung mga boys lalo na si nikko na enjoy na enjoy kapag nasa bed scene na. Nung natapos yung pinapanood namin nag inuman na lang kami at si lincoln nag gigitara habang kumakanta ng say goodbye by chris brown "Mga pre try niyo nga ako imyday baka may magustuhan ako ng mga friends nyong single dyan" ani nikko samin lahat. "Bakit umay kana magml?" Ani bryce "Syempre" sagot ni nikko "Wow bro totoo na ba yan?"ani leigh "-Syempre hindi hahaha" dagdag pa ni nikko "Sige picturan kita then imamyday ko" sabi ni mika. At nagpose si nikko naka labas ang dila habang hawak yung bote san mig light sa gilid ng mukha. "Done" sambit ni mika nung minayday na niya yung pic ni nikko. "Sana all minamyday" sigaw ni bryce at tumingin sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero.. ang totoo nyan Naiilang talaga ako kapag tumingin to sakin. "Shutangina mika bakit ganito yung caption mo?" gulat na sabi ni nikko habang hawak yung selpon sabay pinakita samin yung pic. '@nikko trinidad 150 pesos presyong landian' ang caption sa myday ni mika. Lahat kami tawang tawa "Hahahaha putek siguradong maraming kang kikitain nyan nikko" tukso ni bryce "Hahaha binugaw mo si nikko" ani marcus na napahawak na sa tiyan sa kakatawa. "G@go ka mika" "Tang.ina mo nikko" sagot ni mika "Ansarap mong bugbugin mika" ani nikko kay mika na mukhang napipikon na. "Sige nga bugbugin mo nga nikko" sabi pa ni marcus habang tumatawa. "-Bugbugin ng pagmamahal ko" sabay ngiti ng nakakaloko kay mika." Halika dito mika, at nang matikman mo ang pagmamahal ko" akma pang yayakapin si mika. "YUCK! you're not my type nikko" ani mika habang nandidiring nakatingin kay nikko. "Malamang type mo yung mas matanda sayo"asar sa kanya ni nikko "Eww, hindi ako papatol sa mas matanda sakin" "Weh? Di nga? E sino yung lalaking sumugod sa table natin dati?" Naghabulan sila sa sala Kinuha ni leigh yung phone ni nikko tawang tawa siya dahil andaming nang nag chat kay nikko. "Kingina pre willing sila magbayad matikman ka lang hahaha" ani leigh kay nikko. "Happy? Tawang tawa?" Sarcastic na pagkakasabi ni nikko samin. Habang naka thumbs-up samin. "Lalo ka na marcus" sabi ni nikko kay marcus. "Pre,Balita ko di ka na niya kinausap" tanong ni lincoln kay marcus. "Aray pre hindi ka na kinausap? ano feeling ng ghinost?" Biro ni nikko kay marcus "Tang.ina naman kasi pre siya na yung may kasalanan ako pa magsosorry?" Sagot ni marcus habang iniinom yung beer. "Tinotoyo na naman ba marcus?" Tanong ni bryce "Ewan ko ba sa kanya" "MEGANon?"biro ni nikko kay marcus pinakyuhan lang siya ni marcus "OH MY GOSH! Don't tell si megan Fernandez yung nakafling mo marcus?" Gulat na sabi ni mika "Ikaw ba yung lalaking naka talikod sa myday ni megan, marcus?" Tanong ni mika. Bahagya lang tumango si marcus. Megan fernandez? Yung sikat na model sa school. Seriously paano niya napikot si megan. Nanlaki yung mata ko at napatingin kay marcus. Tumawa si nikko "Tinusok ko pinasok ko and boy walang daplis at ang sabe nya saken ugh uhmm ugh ugh marcus marcus sige pa sige pa" kinakanta pa ni nikko ginaya pa yung nasa t****k. "Hanep ka talaga marcus" asik ni lincoln Binato ng unan ni marcus sina linlcoln at nikko. Maya't maya pa nakisali na rin kami sa kalokohan nila. Nagbatuhan ng unan nag takbukhan sa loob ng condo parang kami mga bata kung magharutan. "Atleast hindi ako brokenhearted, hindi tulad ng iba dyan" marcus said na pinaparinggan si leigh. "Weh? Hindi nga ba marcus?" Asar pa ni nikko At nagpatuloy lang kami sa paghahabulan. Habang si marcus at nikko kulang nalang magsuntukan e. Nakakatawa sila live na live yung wrestling. Char Nung napagod kami nagkanya kanya nang mundo si lincoln bumalik sa gitara, si nikko naman busy na nagtitiktok dinamay pa si mika at marcus. HABANG nasa sala kasama si leigh at bryce na nag iinom pa rin. Nasa guest room naman kami ni chesca na busy na naman sa kakatype sa phone ngingiti pa. Habang ako naka upo sa kama. "Chesca, ano ba yan pinagkakaabalahan mo at mukha kang tanga sa kakangiti dyan?" "AAhh!" Tumili pa si gaga sa sobrang kilig ata. Sinampal ko sya ng mahina pero biro lang yun samin. "Aray ko" daing niya sa pagkakasampal "Kikilig kilig ka dyan sa kachat mo tapos mamaya iiyak iyak ka kasi ghinost ka" "Ganun naman talaga e, iiyak ka muna tapos mamaya ready to landi na ulit" sambit pa niya sakin "Di ako na inform na marunong ka na lumandi? Kanino ka natuto nyan?" "Pwes abbie ngayon alam mo na, salamat kay mika" Putang ina mo talaga mika tinuruan mo pa si chesca kung pano lumandi. "Ikaw, musta na kayo ni felix? Ang alam ko lagi mo daw syang tinatanggihan" "Paano mo nalaman na tinatanggihan ko si felix?" "Kanino pa ba edi kay mika" "Bwiset talaga yun, pwede na sya gumawa ng fanclub sa love team namin ni felix. Sya pa ata kinikilig kapag nakikita ko si felix e" kapag kasi nakakasalubong namin si felix, mas kinikilig pa ata siya kesa sakin, minsan sinabi pa niyang 'uy abbie ayun si felix diba crush mo siya?' pinasadya pa niya lakasan para mapansin ni felix. "Try mo na kaya magconfess kay felix malay mo icrush back ka rin niya" Naginit ang pisngi ko sa sinabi niya "Ayiie" tukso ni chesca bahagya pang nanipa. aba pag ito sinipa ko talsik to haha char. "Ayaw kasi akong payagan ni bryce kapag niyayaya ako ni felix" Biglang umilaw yung phone ko sign na may nagtext sakin. Naka receive ako ng text galing kay felix. "Ahhh!Oh may gosh si felix abbie. Dali tignan mo na kung anong tinext" tiling sabi ni ches. Nakatingin na siya ngayon sa screen ng phone ko Felix: pwede ba tayo magsabay maglunch sa monday? "Ahh" tili ulit ni chesca yung totoo ikaw pa ata kinilig e."pumayag ka na sis its your time to shine. Landi landi rin pag may time" sabi pa niya. "Wag na lang kaya baka kasi magalit si bryce" ani niya "Puro ka bryce" tumayo sa mula sa pagkakaupo sa upuan papalapit sakin sa kama at kinuha niya sakin yung phone "akin na to ako na magrereply" "Huy akin na yan"inagaw ko yung phone ko pero inilalayo na yung phone ko ilang saglit lang ibinalik na niya sakin pagkatapos niyang magtype Me: Sure magkita na lang tayo sa canteen malapit sa building nyo "Si felix na ang nagbibigay ng motibo na gusto ka niyang makilala abbie, tatanggi ka pa ba kung si crush na ang nagyayaya sayo?"ani chesca "Baka kasi magalit si bryce, alam mo naman yun ayaw na lumalapit ako sa mga lalaki" "Yung totoo abbie, may something ba sa inyo ni bryce?" Bumalik na siya sa kinuupuan niya. "Actually chesca nag confess siya sakin" pagamin ko sa kanya at bahagya pang nanlaki ang mata ni chesca habang yung dalawang kamay nakatakip sa bibig na tila nagulat sa sinabi ko. "OMG!Alam na ba nila mika to?" "Ikaw pa lang nakaka alam chesca" ani ko. "Tapos? anong say mo?" Tanong niya sakin. "Wala akong masabi, kahit ako nagulat din ako sa pag-amin niya sakin, sabi pa niya bibigyan daw niya ako ng time para makapag isip kung papayagan ko ba siyang ligawan ako" sabi ko kay chesca Napabuntong hininga ako. "Pero naguguluhan ako ches kung bibigyan ko ba siya ng chance o hindi kasi bestfriend ko siya e, siya yung inaasahan kong nasa tabi ko everytime na nadodown ako, alam mo yun? " "tsaka there's some na umaalagid pa kay bryce" sabi ko "Ha?!" Lumingon siya sakin dahil busy na naman siya sa phone niya "Sino naman yan? Lagi naman may umaaligid na babae kay bryce ah parang hindi ka na nasanay dun" ani chesca "Si Maru dela cruz mula I.T" "Si M-MARU?" "Oo si maru mabait siya pero ewan ko parang may mali sa kanya, parang may something sa kanya na hindi ko maipaliwanag?"sabi ko kay chesca Humarap sakin si chesca "so you're telling me na siya yung nagfifirst move kay bryce?" Tanong niya at tumango lang ako sa kanya. "Nagseselos ka ba kay maru?" Tanong niya ulit habang Nanliit ang mga mata niya sakin. "Hindi no! bat ako magseselos? Edi magsama sila" tanggi ko iniwas ko ang tingin ko kay chesca. "Sige deny pa abbie. Deny lang ng deny. Sige lang. Isang araw magigising ka na lang sa kanya na umiikot ang mundo mo" Kahit ako naguguluhan na rin e ugh! Mapapaungol ka talaga sa stress. "Ikaw bahala abbie mahirap mabuhay na puro what if's And yung tungkol kay maru? Wag mo siyang intindihin kasi ikaw naman ang gusto ni bryce" "Wow kung maka advice ka naman sakin parang nagkalovelife ka na ah" biro ko pa sa kanya "Well thanks to w*****d ang dami kong nalaman pagdating sa love" ngiting sabi niya sakin. Maybe she's right ayoko mabuhay ng puro what if's. Aminado akong naiinis ako kapag nakikita ko na magkasama si bryce at maru feeling ko kumukulo yung dugo ko. Ito ba pakiramdam ng nagseselos? Naputol yung pagiisip ko dahil nagreply sakin si felix Felix: Pwede ka bang sumama sa practice namin sa monday? "Girl sumama ka na. baka gusto lang niya makipag kaibigan sayo you know kasi medyo snobber daw sa tao yan" Nagkibit balikat na lang ako at nireplyan si felix na sasama ako. Hindi naman siguro masama kung manonood ako kung paano mag basketball yung ULTIMATE CRUSH KO! Gusto ko rin mapanood kung gaano siya kagaling magSHOOT. Napangiti ako sa kilig. Me: Sure meet me at the library 4pm in the afternoon may gagawin pa kasi kaming group project. And he replied na okay na lang daw and this coming monday I'm going to meet him. 'To be continued'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD