Chapter 8

1805 Words
first of all i just wanna say thanks to those who keep on reading my story. follow me on my w*****d account @Helloobeaches Please follow me on my new twitter account @HelloobeachesWp ------------------- Monday na naman,isa sa mga kinatatamaran na araw ng mga estudyante tulad ko. Char.as usual papasok ka sa school. Gagawa ng research paper, magrereview para sa quiz, makikinig sa professor kahit na nakakataantok  magturo minsan nga nakakatulugan ko na lang sa sobrang boring kasama ko pa si bryce sa pagtulog. Habang yung katabi ko na si chesca abot tenga na naman ang ngiti, oo nakangiti siya sa kawalan kakabahan na ba ko kasi may kaibigan akong malapit nang mabaliw? Side effect ng laging puyat sa ka-chat? O kakawattpad niya to? Dati kasi kung makapuyat tong kaibigan ko dinaig pa may jowa e. Si bryce nasa banda kabilang side ko nagbabasa ng notes sa steno. Nagiging favorite na siya ng prof. Na tuwang tuwa kasi nagrerecite na si bryce. Sige nga mam paano yung tuwa? Chos. "bryce may naghahanap sayo sa labas ng room" sabi ng kaklase namin. "sh*t,ano na naman ba kailangan niya?" bulong ni bryce tsaka tumayo at lumabas room Nanatili lang akong nakaupo sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kanila sa banda pintuan nacucurious ako kung ano yung pinaguusapan nila. Kasi bahagya pang ngumiti si maru habang kinakausap si bryce. Napansin ni chesca na nakatingin ako sa labas kung sila naguusap "ayie,Nangangamoy selos" tukso sakin ni chesca sinusundot pa tagiliran bwiset malakas kiliti don. "Hindi ah" tanggi kahit na naiinis ako kasi walang binabanggit sakin si bryce kung ano ba ang intensyon ni maru kung bakit lagi tong nakasunod kay bryce. Hindi ulit nagsalita si chesca dahil bumalik si bryce sa kinauupuan niya. "Anong pinagusapan niyo bryce?" Nacucurious talaga ako e Tumingin siya sakin nakatingin lang siya sakin ng matagal bago sumagot sa tanong ko. "Abbie, she asking me kung pwede daw ba kaming magdate and I said hindi pwede dahil may nagugustuhan na akong iba kaya tigilan na niya ako" he said. Nagkibit balikat na lang ako at mukhang desperada na siyang makuha si bryce. Hindi kami ulit nagusap dahil dumating yung professor namin. NAGPAALAM ako sa prof namin na magccr lang ako dahil nararamdaman kong tinatawag ako ni kalikasan. kaya kailangan kong lumabas ng room at tumungong cr sa may bandang baba ng building sa ground floor nasa 2nd kasi room namin nung pumasok ako sa isang cubicle narinig kong may pumasok na dalawang babae rinig na rinig mo pinag uusapan nila. "I Can't believe na tinanggihan ako ni bryce nakakainis kasi he told me na he likes someone else na" nanlaki ang mga mata dahil narinig ko yung pangalan ni bryce may hinala ako kung sino to but i dont want to confirm it. "Kawawa ka naman sis haha" "Aalamin ko talaga kung yung tinutukoy nya at nang makatikim siya ng sampal sakin" Familiar yung voice nung babae sakin. Pagkabukas ko ng cubicle bumungad agad sakin si maru kasama yung kaibigan niya. Nakatingin silang dalawa sakin sa repleksyon ng salamin kaharap lang nh cubicle at nagawa pang ngumiti sakin maru habang naglalagay ng liptint. "Hi abbie" bati niya sakin bahagya pa siyang ngumiti sakin sa repleksyon sa salamin. "Hello" I replied naghugas ako ng kamay "Ahm abbie bestfriend ka ni bryce diba?" Humarap sya sakin. Tumango lang ako "May i know kung sino yung nagugustuhan ngayon ni bryce?  For sure meron kang idea kung sino?" "hindi ko pinapakealaman ang personal life ni bryce" "Are you sure?" "Im sorry but i have to go maru" ngumiti lang ako sa kanya bago lumabas. Ang lakas ng t***k ng puso ko ngayon. May kutob akong may gagawin siyang masama once na malaman niyang ako ang sinasabi ni bryce. Nagfocus na lang muna ako sa topic namin dahil nakakastress. ********** PAPUNTA na akong canteen ngayon malapit sa engineering building. Hindi alam nila bryce na sasabay akong makipag lunch kay felix tanging si chesca at mika lang ang nakakaalam. Nalaman kasi ni mika kay chesca tingkol dito. Paniguradong kinikilig na naman si mika dahil sasabayan ko si felix kumain. Natanaw ko si felix sa gilid ng entrance ng canteen nung nakita niya ko ngumiti siya sakin. Shet that smile makes my heart beats faster. "Hi abbie" "Hello felix kanina ka pa naghintay? Sorry ah kasi tumakas lang ako sa mga kaibigan ko" paumanhin ko sa kanya. "No, it's okay abbie,i'm just early, by the way lets go na baka kasi nagugutom ka na haha" Pumasok na kami sa canteen at masasabi kong hindi ako sanay na hindi ko kasabay ang mga kaibigan ko. Humanap kami ng sariling table ni felix bago nag decide kung ano kakainin namin. Bahagyang lumapit sakin si felix yung kamay niya nasa table at yung isa naman sa likod ng upuan ko at yung mukha niya medyo malapit sakin. Dagdagan mo pa na titig na titig siya sakin. "Ahm abbie ano gusto mong kainin?"tanong niya sakin at tumagal yung titig ko sa kanya kasi ang gwapo niya. "Abbie hindi ako pwedeng kainin" biro niya sakin. "Sisig wice tsaka water na lang akin felix" sabi ko habang kumukuha ng pambayad pero umalis na siya agad sa harap ko bago pa man ibigay yung pera. Okay mamaya nalang pagbalik niya. Then tumunog yung phone ko. Bryce: Where are you? Bakit wala ka dito? Sino kasama mo? Oh my gosh si bryce nanlaki yung mata ko nung naaninag ko siya sa canteen sa may gilid na nakaupo. Matalim ang pag kakatitig niya sakin na parang bang nakagawa ako ng kasalanan sa kanya. Sakto naman na bumalik na si felix sa table namin dala ang order namin kaparehas ng order ko yung kanya at pinadagdag lang ng extra rice at fried chicken para samin dalawa.at umupo na sa harap ko at ako naman mukhang nakakita ng multo. "Abbie lets eat na" sabi ni felix siya pa naglagay ng pagkainsa harap ko. Nagpatuloy kami sa pagkain minsan napapasulyap ako kay bryce na magisang kumakain. Suddenly nakaramdam ako ng guilty kasi magisa lang siyang kumakain habang ako may kasabay. "Abbie cinancel yung practice namin mamaya gagamitin kasi ng school para sa meeting ng mga prof. Kaya baka next week pa ituloy yung practice para sa paparating na tournament. magtatampo na talaga ako kapag tinanggihan mo pa ko" "Sure,pupunta ako although baka may kailangan kaming tapusin na group activity next week sa library" "Okay, abbie kung hindi mo mamasamain pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong niya sakin pero yung tingin ko na kay bryce. "Sure, pwedeng pwede" i replied habang ngumiti sa kanya. "But i want you to know that----" hindi na naituloy yung sasabihin ni felix. Nagsidatingan kasi sa table namin yung mga kateammate niya sa basketball. Bahagya pang sumipol ang ilan sa kanila nung nakita nilang kasama ako ni felix. "Hi felix,we didn't know na may girlfriend ka na pala" sabi nung isang lalaki Naghiyawan yung mga kateam niya. "So who's this beautiful young lady na dinadate ni captain?" Tukso ng kateam mate niya. Nakita kong lumabas na si bryce sa canteen. Mukhang nag walkout matapos niya marinig yun. Oh my gulay!?!?! "A-ah f-felix i think i need to go may kailangan na kasi kaming tapusin e, babye" nagmamadaling sambit ko sa kanya habang hinabol ko si bryce na mukhang papunta na sa abandonadong classroom sa may dulo ng school. "BRYCE! Saglit lang" Hindi niya pinansin bagkus dirediretso lang sa lakad hanggang sa nakapasok na kami sa classroom. Nanatili lang siya nakatalikod sa akin. I noticed na mabilis yubg paghinga ni bryce na para bang nagpipigil ng galit. Halos magsilitawan yung mga ugat niya sa braso. "Girlfriend? Huh?" Unti-unti siya humarap sa akin. Namumula ang kanyang tenga at leeg mukhang galit nga siya. He slowly took step forward  while I step backward in every step he take until i felt my back was already in the wall, then yung kamay ni bryce biglang humampas sa pader sa gilid ko nacorner niya ko habang yung iaang kamay naman niya unti-unti humawak sa pisngi. "ano abbie? Sagot!" Sambit niya sakin "Bryce w-walang n-namamagitan samin at yung mga narinig mo sa mga kateam mate niya, it was just misunderstanding" sagot ko sa totoo lang sa tagal ko nang pagkakailala sa kaniya ngayon ko lang siya nakitang nagagalit ng ganito sakin. pinikit ni bryce ang mga mata at mas lalo pang lumapit ang mukha nito sa kanya hanggang sa pinatong nito ang noo sa balikat niya. "I-im sorry abbie ayokong makita mong nagagalit ako ng ganito. ayoko na matakot ka sakin nandahil lang sa nagseselos ako. I'm really sorry abbie" niyakap niya ako. "Sorry din bryce kasi hindi ako nagsabi sayo na sasabay ako maglunch kay felix" Hinarap niya siya ako nung pinakawalan niya yung yakap sa akin. "I can't wait anymore abbie, cuz right now whether you like it or not im going to court you. F*ck felix. You're gonna be mine abbie" hinawakan ng dalawang kamay niya yung pisngi ko habang nakatitig kami sa isa't isa. Mapungay ang mga mata niya. "I promise you that i'll always taking care of you abbie, at hinding-hindi na ako maghahanap pa ng iba" ********** "ABBIE, tapos ka na ba sa paghahanap ng sources tungkol sa topic natin?" Tanong ng kagrupo ko. "Yeah, tapos na ko" ani ko hindi naman kasi gaanong mahirap yung paghahanap sa pag iintindi mo lang sa topic mahirap but nahandle ko naman. Medyo lutang pa rin ako mga pangyayari. Hindi ako makapaniwala na yung bestfriend ko magkakaroon ng feelings sakin. Yung bestfriend na kasama ko simula pa nung pagkabata. Yung bestfriend na manlilihaw na ngayon. "Ok guys since na tapos na natin to,pwede na tayo umuwi. Ingat kayo sa pag uwi" paalam ng leader namin. Nahuli akong lumabas samin. Pagkalabas ko pa lang ng library may sumitsit sakin. Paglingon ko nakita ko si bryce. "Oh, bryce ikaw pala yan kanina ka pa ba dyan?" "Hindi kararating ko lang galing kasi kami nila leigh sa cafeteria sa labas lang ng school. Tara hatid na kita" sumama na ako sa kanya. "BRYCE!" May tumawag kay bryce At nakita ko si maru na kuntodo sa pagpapakyut kay bryce pero nung nasulyapan niya ko bahagya pang pinagtaasan ako ng kilay. Bago niya ko tarayan,siguraduhin muna niya hindi drawing kilay niya. Mas maganda kilay ko kesa sa kanya. "Bakit na naman ba maru? Diba sinabi ko na sayo na tigilan mo na ko dahil may nagugustuhan na kong iba" sambit niya kay maru "P-pero gusto kong ihatid mo ko?" Ani maru napatingin siya sakin. I think ngayon may idea na siya na ako yung tinutukoy ni bryce na nagugustohan niya. "I'm sorry maru pero ihahatid ko si abbie, bye maru" paalam ni bryce at hinila na niya ko papuntang parking lot dahil nandoon nakapark motor niya. Medyo mataas yung motor niya kaya minsan hirap akong sumakay. PAGKARATING namin sa bahay naabutan namin si mama sa kusina nagluluto na ng meryenda 4pm pa lang kasi tsaka alam niya uwian na namin kaya naghahanda ng pagkain. At si gio naglalaro sa labas. "Good afternoon po tita" bati ni bryce kay mama pagkatapos ay nagmano pa "Ikaw pala yan bryce. Hijo,halika kumain na kayo ni abbie" "Opo tita ako lang to,si bryce ulysses fuentes...manliligaw po ng anak nyo" pormal na pagkakasabi ni bryce na nakangiti pa kay mama. Parehas nanlaki ang mga mata namin ni mama na napatingin kay bryce. I can't believe na magagawa to ni bryce. 'To be continued'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD