"bryce totoo ba talaga nanliligaw ka na sa anak ko?" Tanong ni papa kay bryce nung nalaman na gusto ako ligawan ni bryce. Bahagya pang naka taas ng isang kilay ni papa nung tumingin siya sakin na may multong ngiti pa.
Nasa sala kami ng bahay habang si bryce naka upo sa pangisahan na sofa at kami naman ni papa si malaking sofa kaharap niya.
Jusko nung monday pa yan, trending pa rin ba yan hanggang ngayon e thursday na. Nakarating na rin sa mga kaibigan namin ang balitang yan tapos tinutukso tukso na kami lagi, lalo na si nikko na kuntodo sa pagsasabi ng 'SANA ALL'.
At yung mga babae na nagkakagusto kay bryce ang sasama na ng tingin sakin. Mamatay kayo sa inggit while i flip my hair
Tumango muna siya bago sumagot."Yes,po tito"
Nakasuot lang siya ng dark blue polo shirt and black pants. Kauuwi lang namin galing school .Ano sekreto nito bakit mas gumwapo to lalo.
"Sigurado ka na ba sa anak ko bryce?" Naka kunot pa ang noo ni papa na para bang ayaw maniwala may manliligaw sa kin na kasingwapo ni bryce.
"gwapo ka bryce at halatang hindi mo papatulan ang anak ko" tumawa papa sa sinabi niya. Itsura ko ba naman ito malabong maligawan ako kayulad ni bryce.
Medyo maputi kasi ako
at may kapayatan lang at pero yung kilay maganda ang pagkakahugis at yung mukha ko medyo maliit pero kung ipagkukumpara sa mga naging fling niya ay walang wala talaga ako.
Tumango lang si bryce.
"Well kung hindi mo mamasamain bryce pero pangit ang anak ko" sambit ni papa
"-pa grabe ka naman sakin, maganda kaya ako" hinampas ko pa si papa sa braso
Tumawa lang si papa na nakatingin sakin"Biro lang anak, syempre maganda ka kahit toyoin ka"
""You're right tito maganda po siya haha"
"-kahit toyoin siya minsan mamahalin ko pa rin siya"
Binato ko siya ng unan sa mukha.
"Tita! oh" Sumbong niya kay mama nung naglapag ito ng pagkain sa mesa.
"Yung anak niyo tita-"
"-oh ano" ungas ko sa kanya
"-mahal ko po" sabi niya habang natatawa
Tumikhim si papa "Pumapayag na kong ligawan itong anak ko bryce dahil malaki ang tiwala ko sayo at inaasahan kong hindi mo siya sasaktan"bilin ni papa sa kanya na kinatuwa ni bryce.
"YES!" Napasuntok pa sa hangin si bryce " makakaasa po kayo tito-"
Tumingin sakin si bryce "-hinding hindi ko pa siya sasaktan" he smirk.
Si gio naman tuwang tuwa kasi magiging kuya na daw niya si bryce dahil hindi magtatagal magiging asawa ko na daw siya, at nangako pa si gio kay bryce na oras na makita o mahuli niya akong nakikipag text kay felix o sa kanino mang lalaki ay isusumbong niya agad kay bryce.
Putcha wala akong kawala sa mga to ah.
Nagtagal pa si bryce dito sa bahay dahil naginuman pa silang dalawa ni papa habang si mama naman tuwang tuwa sa mga banat at kwento bryce, yung totoo anak nyo ba talaga ako ma, pa?
Nung natapos na sila maginuman hinatid ko siya hanggang gate ng bahay. Yung mukha niya medyo mamula-mula na at pansin kong medyo lasing na siya pero kaya niya pa.
"Ingat ka sa padadrive bryce, babye" sambit ko sakanya
Papasakay na dapat siya kaso Humarap muna siya sakin.
"Thank you abbie I promise na oras na maging tayo hinding hindi kita sasaktan, iintindihin at alagaan kita sa abot ng makakaya ko at mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal ko sayo" tumingin siya sa mga mata.
"Nga pala bryce may sasabihin nga pala ako, kung okay lang sayo na manood ako ng practice nila felix gusto niya kasi makipagkaibigan sakin at-"
"At ano abbie" nakakunot ang noo niyang sambit sakin.
"Wala lang gusto ko lang manood kung paano sila magpractice"
"Okay basta wag lang siya gagawa ng masama kundi makakatikim siya sakin" banta bago sumakay ng motor tsaka tumingin ulit sakin "wala bang kiss dyan?"
"Anong kiss ka dyan? Mukha mo!"
"Mukha ko syempre gwapo" nagpogi sign pa sya sakin ng nakangiti
"Bye abbie see you tomorrow, makatulog ka sana ng mahimbing,baka mapuyat ka sa kakaisip sakin haha" banggit niya sakin at binaba ang salamin sa helmet nito bago pinaandar yung motor.
***********
KASALUKUYAN kaming nasa kubo,vacant time kasi nila at kami nila chesca uwian na. At si bryce heto nasa tabi ko nakikipag kwentuhan kay lincoln at leigh habang nakaakbay sakin. Mukhang nakarekober na si leigh mula sa heartbreak ah.
"HOY!" Ginulat ni mika si nikko dahil nakatulala ito na parang ang lalim ng iniisip nito.
"Babae na naman iniisip nito" sabi ko.
"Ang galing mo abbie pano mo nalaman yun" gulat pa si nikko.
"Duh! You're always thinking about girls, wala nang bago" mika said while rolling eyes.
"Bigla akong napaisip. Kung magiging tayo mika ang magiging pangalan ng love team natin ay 'MikaNikko' diba ang weird? Which is Sounds like mekaniko?"
"Pfft! Hahahaha" malakas na tawa ni lincoln
Binatukan ni mika si nikko
"Do you think na papatulan kita?"
"Pwede ba nikko tumigil ka muna sa mga kalokohan mo?" Saad ni marcus na busy maglaro sa phone.
"Wala ka sigurong nilalandi ngayon? Kaya si mika ang pinagtritripan mo" Tanong ko
"Simula kasi nung naging single ako, tinuloy tuloy ko na"
"Edi wow!" Saad ni chesca kay nikko
"edi wow!" Ani nikko Ginaya pa boses ni ches
Tumingin naman si nikko kay marcus "marcus, alak ka ba?"
"F*ck you nikko"
"Kasi ALAKa ng kachat, ALAKa pang Jowa" at tumawa pa ng napaka lakas si nikko. Nakakabwiset talaga to.
"Hahahahaha! Yawa!" Sabi ni leigh sinamaan tuloy sila ng tingin marcus.
"Di ka na nga kinusap, pinagpalit ka pa!" Sabi ni lincoln
"We may don't talk anymore, atleast nagkatikiman kami. Di tulad mo inaayawan ka na ng mga babae" marcus said to nikko while he's smirking to us.
"Whoaa!" Hiyaw ni bryce habang nakaakbay sakin.
"Boom nadali mo marcus haha" biro pa ni mika.
"Uy chesca anong ngingiti-ngiti mo dyan?" Tukso ko sa kanya. Katabi ko sa siya kaya alam kong may kachat siya.
"Chesca kahit araw-araw pa kayong magkachat niyan. Ang ending nyo pa rin ay SALAMAT SA LAHAT" sabi ni mika.
"Don't worry mika your sermon is always on my mind na"
"Naku ches wag kang magrereklamo kapag hindi ka niya chinat, baka hindi mo pa schedule" biro ni nikko kay chesca. Pangasar talaga si nikko kaya minsan nakakapikon na talaga siya.
"Excuse me?" Taas kilay na sabi ni chesca kay nikko. "Pwede nikko tigil tigilan mo ko"
"Ha?" Saad ni nikko.
"I said-"
"-Hapon na" bahagya pang tumingin sa wrist watch nito.
"At kailangan ko nang umalis at pumunta ng dance practice namin. BYE GUYS!" Dali-daling itong umalis kubo.
"Thank god umalis din ang maingay na yun!" Sabi ni leigh.
"Abbie can we take a picture?" Bulong niya sakin. Medyo nailiti ako dahil sa initi ng hininga niya humaplis sa tenga ko.
"Sure" then kiniha ni bryce yung phone at nagpicture kaming dalawa na magkatabi habang nakaakbay siya sakin. Tas tinry namin na gumamit ng iba't-ibang filter sa snapchat.
Minsan nagtatawanan kami dahil may mga epic shot kami.
"SANA ALL!" Saad ni chesca samin
"Tignan mo tong dalawa na to, parang may sariling mundo pwede ba wag kayo mangiingit" biro pa samin ni lincoln.
"Ay inggit ka lincoln? Magjowa ka!" Asar ko kay lincoln.
Napangiwi lang ito sakin.
nagkatinginan kami ni bryce, sa paraan ng pagtitig niya hindi ko mapigilan ang bilis ng pagtibok ng puso ko na parang sasabog sa saya habang titig na titig sa mga mata niya.
at sabay kaming natawa at umiling dahil sa tukso nila lincoln.
Ang masasabi ko lang ay unti-unti na ko nahuhulog kay bryce.
***********
HINATID AKO bryce and hindi na siya nag abalang pumasok dahil may uniman daw sila nila leigh sa bahay nila.
nag-mano ako kay mama na nasa sala nanonood ng t.v kasama si gio.
"Hija, asan si bryce?"
"Ma,umalis na po. Hinatid lang po niya dito, may inuman daw kasi sila nila leigh"
Umakyat na ko sa ikalawang palapag papunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit pambahay.
Biglang na lang nag pop-up yung cellphone at nung tinignan ko may notiff ako sa f*******:.
'bryce ullysses fuentes tagged you in a post'.
With a caption of 'there's a lot of pretty girls in the city, but then now i already pick the right one, my only one '.
Yung pinost niya is mga yung picture namin kanina sa kubo marami kaming kuha.
Minutes ago palang pinost pero andami nang nagreact ng post niya. At dami rin nag comment.
Mikaella Gomez:
I didn't expect na magseseryoso ka ng ganito bryce.
Franchesca loberiano:
Awww, a friendship that will turn in to a relationship. Kilig much
Nikko Trinidad:
At sabay sabay tayong mag 'SANA ALL'
Marcus vaughn pangilinan:
Bryce ulysses fuentes nilike ko na. Wag mo na ko ichat
AT yung iba pang mga kakilala namin nila bryce
But there is only one that caught my attention kaso meron nag react ng angry. Nung chineck ko yung list at nakita kong si maru dela cruz.
Suddenly ireceive another notification.
Maru dela cruz commented on a post you're tagged in.
Maru dela cruz
Hindi kayo bagay......
'To be continued'