Chapter 10

1754 Words
NANDITO ako ngayon sa basketball court dahil gusto kong panoorin si felix. Nakapwesto kami sa bandang itaas para mas kita namin ang buong laro nila. Marami rin nanonood at karamihan puro babae at chinicheer yung isang player na transferee na kasing gwapo din katulad ni felix. Kasama ko ngayon si mika tutal siya yung number one na supporter sa amin ni felix kahit na alam niyang nililigawan na ako ni bryce. "Sis,tignan mo si papa felix oh ang gwapo! Tignan mo yung sparkling sweat niya, yung biceps niya. Ahh!" Napatili pa si mika bahagya pang niyugyog yung balikat ko. Napatingin naman si felix samin sabay ngiti. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya. At naghanda na sila para sa stretching at nang makapag start na sila sa pagpapractice. Nahahati ang team nila sa senior at junior at kabilang si felix sa senior dahil bukod sa higher level siya ay captain pa siya ng team. Pinagmasdan ko ang buong court, tama nga si felix pinarenovate nga ito. Pinabago ang pintura na naging pula at puti na nagsisimbolo sa kulay ng school. Nanood lang kami ni mika habang nagkukwentuhan tungkol sa naging one stand stand niya. At nagulat ako sa pagamin niya sa sakin dahil yung tinutukoy niya ay yung lalaking sumugod samin dati. "I can't believe na may nangyari samin that time" paliwanag sakin ni mika. "Ano!?" nagulat ako dahil hindi naman siya pumapayag na makipag s*x kahit sa mga naging ex nito. At kung ano ano pa pinagsasabi ni mika tungkol sa lalaki na yun. Tuwing napatingin ako kila felix, Minsan pag nakakashoot si siya tumitingin siya sa pwesto namin sabay ngiti. I noticed na madalas niyang binabangga yung bagong member ng team. Parang may galit siya kung makabangga dito. nagring yung phone ni mika kaya sinagot niya ito. "Hello?" "Andito sa basketball court............malamang nanonood ng practice ng mga basketball players........at bakit naman kita pupuntahan?" Kalaunan ay binaba na niya ito "F*ck nandyan na siya sa gate abbie sunisundo na niya ko" kaya nagligpit na ito ng gamit at nagpalaam na aalis na ito. Kaya ako nalang ang naiwan sa puwesto ko pero yung iba naman nasa kabilang side ng court. Hindi nag tagal natapos yung practice at lumapit sa akin si felix dala ang bag. "Hi abbie ahm pasensiya ka na kung matagal bago matapos yung game ginabi ka tuloy. Kaya ihahatid kita sa inyo" "No,its okay actually ang galing mo pala maglaro kaso bakit mo naman binangga ng malakas yung kateammate mo?" "Basta naasar lang ako sa kanya, bida bida palibhasa nanggaling sa magandang school" Umupo muna kami saglit sa bench para makapagusap. Humarap siya sakin. "A-hm abbie may gusto lang akong sabihin sayo" "Ano yun?" "Tutal magkaibigan naman tayo hindi ba?" "O-oo naman bakit?" Napakunot ang noo ko "Ano kasi..... gusto kong ipakilala mo ko kay chesca" napakamot pa ito sa batok at mukhang nahihiyang sabihin yun. "WHAT?" "tuwing nakakausap kita bigla na lamang siyang umiiwas sakin" "H-ha bakit ka naman niya iwasan? Anong meron?" "Sa totoo nyan-" nilapitan niya ang mukha niya sa gilid ng mukha ko at bumulong na "-nagchachat kami at minsan nagvivideo call" "W-wait, what? Ibig sabihin....ikaw yung chinachat lagi ni chesca?" "Yes,abbie ako yun kaya gusto ko sanang magpatulong sayo na ayain siyang makipag date" Napatulala ako sa mga rebelasyon na nalaman ko. "dapat last week ko pa ito sinabi yung time na nagkasabay tayo maglunch kaso biglang dumating yung mga kateam mate ko" "Pero alam ni chesca na may gusto ako sayo" "Oo nga abbie sinabi niya rin sakin ang tungkol dun...sorry pero si chesca ang gusto ko" Hindi naman ako na hurt na may crush siyang iba. Nagulat ako kasi si chesca na kaibigan ko pa yung gusto niya. "Pansin ko kasi na malapit kayo sa isa't isa at magclassmate pa kayo. Please abbie tulungan mo ko" magmamakaawa niya sakin. Tumango lang ako sa kanya bilang pag sang ayon. Pagkatapos ng paguusap namin ay umalis na kami sa school at hinatid naman niya ako dahil may dala siyang kotse. IMBES na masaktan ako ay natuwa pa ko ewan ko ba. At pagkarating ko sa kwarto ko,nahiga ako sa kama at nagfacebook muna ako Nakita ko ang video post ni nikko na sinayaw ang miss independent challenge ni dj loonyo. Ang galing niya taga sumayaw. At nakita ko rin ang post ni lincoln na hawak ang gitara. nilike ko ang post nila. Nakita ko rin ang myday ni marcus na may kaholding hands na kamay ng babae na may caption na 'how I wish I could hold your hands forever' Napangiti ako dahil sa wakas may makakapagpasaya na kanya sa kabila ng pagiging busy nito. Habang si leigh puro shared post ng memes. Bigla na lang nag ring yung phone ko  at bumungad sakin ang pangalan ni byrce sa screen, tumatawag si bryce. "Hello bryce" maligayang pagkakasabi ko kay bryce. Narinig ko yung tawa niya sa kabilang linya "mukhang masaya ang baby ko ah. Kinikilig ka noh?" biro niya sakin "Sira kasi may nalaman ako tungkol kay chesca. Akalain mo yun si felix yung nakakachat niya matagal na" "Talaga? Buti naman para wala na ako kaagaw sayo" napatawa ulit siya. "Bakit ka nga pala napatawag?" "I-i just want to hear your voice before i start to review for the finals" Oo nga pala kailangan ko na rin magreview dahil malapit na ang finals namin. "Di rin magtatagal abbie at mapapasakin ka din" "At gaano ka naman kasigurado na sasagutin nga kita?" "Bakit tatanggi ka pa ba? Ako lang to si bryce ulysses fuentes na nagsasabi ng 'naniniwala na ako sa forever magmula nung nakilala kita' tsaka advance ako magisip" "End call ko na to para makapag review ka na mr. Fuentes" "Wait abbie after nga pala ng finals natin magdate tayo" "WHAT!?" Bigla na lang nawala yung linya. Aba bwiset to binabaan ba naman ako ng linya. Pero pagkatapos niyang banggitin iyon nakaramdam ako ng excitement. Napangiti ako at naramdaman ko na bumilis ang t***k ng puso ko. This will be our first date simula nung niligawan niya ako. ***************** "hi bie" bati sakin ni byrce nung linagbuksan ko siya ng pituan nung bumisita siya dito sa bahay. He is wearing white printed shirt and pants. At may dala siyang flowers and chocolates na kinagulat ko kasi ngayon ko lang siya nakitang magbibigay ng ganito sa babae. At dala pa bag nito. "abbie nandito ako para samahan kang magreview" Napangiti naman ako nung inabot yung flowers na dala niya at inamoy-amoy ko pa ito. May nakaipit pa dito letter. 'a beautiful flower for a beautiful woman I love' ano ba bryce pinatitibok mo nung husto ang puso ko. "Halika pumasok ka dun tayo sa kwarto para walang istorbo" sabi ko sa kanya pero itong si bryce naestatwa sa kinatatayuan. Problema nito? "Abbie a-nong binabalak mo sakin?" Pinag krus pa nito ang braso na akala mo may gagawin akong masama sa kanya. "Ha? Pinagsasabi mo bryce? Dun tayo sa kwarto dahil kapag nandito tayo sa sala hindi tayo makakapag focus sa pagrereview at  baka kulitin ka ni gio makipag laro ng xbox" paliwanag ko sa kanya Kaya umakyat kami sa itaas at nagtungo sa kwarto. Napatingin ito sa buong kabuuan ng kwarto ko, hindi naman ito unang pagkakataon na makapunta ito dito. "So paano natin sisimulan ang paggawa ng baby?" Kunwari pang nagunat ng katawan at humiga sa kama ko. "Come on abbie let's do it" agresibong sambit nito Binato ko siya ng unan dahil sa kalokohan nito. "Sira nandito sila mama kaya pwede ba tigilan mo ko" "Tsss, balang araw maaddict ka din sa katawan kong ito" umarte pa ito ng naglalabas ng muscle. ".....baka nga gawin natin yun 3 times a day" ngiting ngiti pa ito. I rolled my eyes "Titirik yang mata mata mo habang umuungol at sinasambit ang pangalan ko at-----" hanampas ko to ulit ng unan. "Bwiset ka bryce...magstart na nga tayo magreview" hinila ko siya sa maliit na table na hinanda ko para sa pagrereview namin sa gitna ng kwarto ko "Oo na...  heto na po master" Umupo kami doon at nag focus na lang sa mga nirereview namin na notes lalo na sa subject na stenography dahil minsan nakakalito ang ilang strokes at minsan nagkakamali kami sa pagsulat nito. Minsan nagdadala ng meryenda si mama. ILANG SANDALI pa natapos ko na ang pagrereview at bukas ko na lang ito itutuloy tutal nakapag aral na ko last time. Pinagmasdan ko si bryce na seryoso sa pagbabasa ng notes namin. Napaka gwapo niya ang haba ng pilikmata nito at yung matang mapungay na kinahuhumalingan ng mga babae at labi nitong kinababaliwan ng mga hinalikan na nito.  I really admire his perfect shaped jaw line. At dun talaga ako naaakit gustong gusto ko iyon. Nagising ang diwa ko ng tumikhim ito. "Sa paraan ng pagtingin mo sa akin parang hinuhubaran mo na ko niyan" biro nito. "Huh? Di kaya" kunwari nagbabasa ulit ako. Natawa ito ng bahagya "sinong tao ang magbabasa ng libro ng nakabaliktad?" Dun ko napansin na baliktan yung librong binabasa ko at narinig ko ang pag tawa niya. Pinatitigan ko siya sa paraan ng pagtawa nito I felt my heart beats faster everytime i look at him. "You know abbie, everytime I look at you I feel so blessed. Do you wanna know why?" Seryosong tanong niya sakin. "Because you always there for me despite of all my flaws. Ang daming bagay na kaiwan-iwan sakin but you chose to stay by my side abbie kahit nung mga panahon na lagi akong napapaaway nung high school tayo. Nung time na laging wala sila mommy at daddy sa bahay, kahit gaano ka pa kabusy sa ginagawa mo ay pupuntahan mo ko sa bahay para lang samahan ako. You always there for me no matter what happen,kaya dun pa lang masasabi ko ng maswerte na ako sayo" saryosong tinig nya habang ang dalawang braso nito ay nakakrus sa mesa. At mga mapungay nitong mga mata na titig na titig sa mukha at mata ko. Ramdam ko ang sincere sa mga sinabi nito sakin. Bahagya kong kinapa ang dibdib kong malakas ang t***k. Napatingin ako sa mga mata niya. And i think my feelings for him is starting to grow, na hindi na pangkaraniwan na pagkakaibigan ang nararamdaman ko sa kanya kundi unti-unti ko nang napapagtanto na nahuhulo na ako sa kanya. "By the way abbie after ng finals, I will make sure na magkakaroon tayo ng perfect date na hinding hindi mo malilimutan" sabi pa nito. "I really like you so much abbie, dati pa...hindi ko lang maamin.. dahil natatakot akong iwasan mo ko pag nalaman mong may gusto ako sayo kaya kahit na pinilit ko man ang sarili ko na magkagusto sa iba,pero sa huli ikaw pa rin ang laman ng puso ko" Hinawakan niya ang kamay ko at pinuwesto ito sa dibdib nito at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Tumingin ako sa mga mata nitong mapungay at nakikita ko ang sinseridad sa paraan ng pagtitig niya sakin. Na masasabing kong totoo ang kanyang mga sinasambit sakin. 'To be continued'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD