Chapter 2
Nakarating din kami sa dapat na puntahan at iyon ay sa principal's office.
"Maiwan na kita dito Miss Cruz," sabi ng junior na naghatid saakin.
"Ok." wala sa sarili akong sumang-ayon sa kanya. Hindi ko na namalayan na nakaalis na rin pala siya.
Ano naman kayang kailangan saakin ng principal? Sa pagkakaalam ko wala naman akong nabully ngayon o napagtripan. Wala na akong sinayang pang pagkakataon at kaagad na kumatok muna sa pinto ng office bago pumasok sa loob.
Maliit lang ang office ng principal kaya pagkabukas ko ng pinto ay lamesa niya kaagad ang bumungad saakin.
"Maupo ka Miss Cruz," sabi ng aming principal habang seryosong nakatingin saakin.
Sinunod ko yung sinabi niya. Huminga muna ako ng malalim. Sana naman magandang balita ang maririnig ko.
"Do you have any idea why did I ask your presence here in my office?" tanong nito. Medyo natakot ako ng konti dahil nakakaintimidate ang itsura niya.
Tanging iling lang ang isinagot ko. Dahil seryosong seryoso ang itsura niya kanina bigla kong ikinabahala ang pagtawa niya.
Kakabahan na ba dapat ako?
"Are you familiar to Saint Bridge Academy?" tanong niya ng nakangiti, creepy naman.
Nanlaki yung mga mata ko sa narinig. Hindi dahil alam ko kung ano yung sinasabi niya, makakalimutin din ako minsan pero parang narinig ko na yung school na 'yon, saan nga ba? Mas pinagbutihan ko ang pag-iisip pero wala talaga.
Ang laking ironic na nakakatanda ako ng mga lessons pero isang school lang di ko maalala. Isa lang ang ibig sabihin, wala talaga siya sa memorya ko o di kaya'y hindi ko lang nabigyan ng pansin.
"I guess pati ikaw ay nabigla," bumilog ang mga mata ko sa sinabi niya at ilang beses na umiling. Nanliit naman ang mga mata niya dahil sa ginawa ko.
"Naku Sir nagkakamali kayo nang akala, hindi ko kasi alam kung saan ko ba narinig yang school na 'yan pero parang narinig ko na 'yan sa kung saan."
Yung ngiti ni sir ay napalitan ng seryosong mukha. May pagka-bipolar din pala itong principal na ito. Tumikhim siya kaya umayos ako ng upo. Hinanda ko ang sarili ko sa kung anong rebelasyon na sasabihin ni Sir. Nakakakaba.
"Nevermind, meron akong good news at bad news anong gusto mong unahin?"
Nag-isip ako. Parang nakakatakot naman iyong bad news. Pero kung iyon naman ang uunahin ko, wala ng thrill at kung good news naman paano ko tatanggapin ang bad news? Masaya na tapos biglang malungkot. Ang hirap naman nito!
"Bad news po muna." iyon na lang ang pinili ko kahit wala akong ideya kung bakit kailangan ko pang mamili sa dalawa. Ni hindi pa nga niya sinasabi saakin kung bakit ako napatawag dito.
"Ok. So the bad news is you need to transfer to another school." Walang kaabog-abog nitong sinabi sa akin na para bang isang simpleng balita lang iyon.
"Ano?!" eksaherada akong napatayo sa upuan, napasigaw pa ako kaya nagulat tuloy ang principal namin. Isa pa sa kabaliwan kong nagawa ay ang paghampas ng mga kamay ko sa lamesa niya.
"M-may g-ginawa po ba akong mali? Bumagsak po ba ako sa isang test? Kung hindi 'yon Sir hindi naman po ako natutulog sa mga klase sadyang alam ko na po yung tinu----" kung pwede lang lapitan si sir at magmakaawa ay baka nagawa ko na.
Mahalaga saakin ang scholarship na ito! Paano na ako nito kapag napaalis ako?
Sinenyasan niya akong umupo at huminahon. Napansin kong bahagya niyang hinilot ang sintido na para bang na-stress din siya sa mga nangyari o baka sa akin lang?
"Calm down hija. Hindi 'yon ang dahilan. You are one of a kind student of this school so why would I dismiss you just like that? Although hindi ganoon kaganda ang good morals mo hindi parin naman 'yon sapat na dahilan para ikick out ka school na ito."
Mahaba niyang paliwanag. Unti-unti naman akong kumalma. Mabuti na lang at hindi totoo ang iniisip ko, hirap na nga akong isipin kung papaano pa makakatulong kay tatay tapos mawawalan pa ako ng scholarship?
Hindi talaga ako lalabas ng opisinang ito kapag nangyari 'yon.
Medyo nabunatan ako ng tinik sa lalamunan nung pinaliwanag na ni sir ang dahilan. Mabuti naman akala ko pa naman may nagsumbong na saakin. Kung sino mang magtatangka ay talagang malilintikan saakin ang kung sino mang pinaglihi sa pwet ng manok!
"Kung ganoon naman po pala , ano naman po 'yong dahilan?"
Huminga siya ng malalim at tumayo sa kanyang kinauupuan kasabay nito ang paghilot niya sa kanyang sintido na naman "mukhang mahihirapan ako nito..." may binulong siyang kung ano sa sarili pero hindi ko narinig.
"Ang Saint Brigde Academy ay isa sa mga prestihiyosong academy sa buong bansa dahil sa mas advance nitong pagtuturo sa mga estudyante nito. The school is made for the sons and daughters of elites because of its security pero dahil na rin sa kabaitan ng may-ari they start accepting scholars. Mahirap makapasok sa eskwelahang iyon. Ngayon Narumi Gail Cruz, nakuha mo ba ang gusto kong sabihin?"
Wala akong masabi. Bukod sa hindi ko naman alam kung bakit niya pa ito sinasabi saakin. Ano namang kinalaman ko sa eskwelahan na 'yon?
"B-bakit niyo po ba sinasabi yan saakin? Ano po bang tinutumbok niyo?" nagtataka kong tanong.
Napansin ko lang na kanina pa nagpapakawala ng buntong hininga si Sir, para bang frustrated na siya sa buhay, may problema ba siya? Baka naman nakakadagdag lang ako sa sama ng loob na kinikimkim niya, di kaya?
Tumitig ito saakin ng matagal bago nagkamot ng ulo.
"You need to transfer to that school because you pass, no let me rephrase that ikaw ang nanguna sa entrance examination nila. Kailangan mong lumipat dahil bukod sa matatapos na rin naman ang pasukan, sayang ang oportunidad at doon nababagay ang mga kagaya mo. Hindi ko naman sinasabi na ayaw na ng school na ito sa iyo pero hindi ko naman gusto na maging sakim dahil malaki ang tulong mo sa school natin. The world is wide ika nga nila, syempre mas maganda na libutin mo iyon habang may pagkakataon pa, at ang pagkakataong iyon ay ito."
Ilang beses akong kumurap nang kumurap. Hindi pa rin tuluyang nagsisink-in saakin ang lahat. Masaya ako na syempre hindi ako lilipat dahil sa masama ang ugali ko o di kaya'y galit ang school, nakakabigla lang kasi at hindi ko naimagine kahit sa pagtulog na biglang may mangyayaring ganito.
Atsaka sobra akong nainspire sa mga sinabi ni Sir. Biruin mo na ako pala nanguna sa exam na iyon.
Ang alaala nang pagpilit saakin na magexam sa school na 'yon ay biglang sumagi sa isipan ko. Oo nga pala, nung isang buwan kasi parang nagpapahiwatig si tatay na pag-eexamin niya raw ako hanggang sa naging sapilitan akong pinapunta. Syempre hindi naman ako interesado kaya wala na akong nagawa.
Pumunta ako kahit walang kaalam-alam kung saan ako pupunta...
Pero natuwa ako sa sinabi ni Sir. Akala ko kasi lahat ng tao dito tingin saakin basagulera lang pero sa mga narinig ko naantig talaga ang aking damdamin pwede na akong magsulat kay mam charo.
"Nasasayo na yan Miss Cruz it's either you take it or leave it." si Sir na pinal na sa kanyang sinabi. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magsalita.
Sabagay, ito na nga ang swerte at kusa ng lumalapit saakin, aarte pa ba ako?
*
"Sigurado ka ba anak na lilipat ka na talaga diyan sa kakaibang eskwelahan na yan?"
Kita mo itong si Tatay, kunwari pang walang alam.
Napahalumbaba na lang ako sa lamesa habang nakanguso. Napagdesisyunan ko kasing tanggapin yung offer saakin. Sa tingin ko naman walang masama atsaka sayang din yung opportunity. Atsaka scholarship din naman kaya parang ganoon rin.
"Pero kung 'yan naman talaga ang gusto mo huwag kang mag-alala hindi naman ako tututol dahil alam mo naman kahit ano pa desisyon mo susuportahan kita."
Napangiti ako lalo na ng tinapik ni tatay ang likod ko. Yun nga lang parang hampas naman yata ang ginawa niya, muntik na akong sumobsob sa lamesa.
"Talaga Tay? " tumayo ako at tumabi sa tatay ko na bumalik sa kanyang ginagawa, nagluluto kasi siya.
"Salamat Tay ha! Kasi kahit hindi niyo ako kadugo hindi niyo ipinaramdam saakin na iba ako. Salamat sa lahat huwag kayong mag-alala gagawin ko ang lahat para makatapos sa pag-aaral at para na din matulungan ko na kayo."
Puno iyon ng sinseridad. Desido akong magtagumpay sa buhay para maibalik kay Tatay ang mga nagawa niya para sa akin.
"Ikaw talagang bata ka huwag mo ngang pinaiiyak ang Tatay mo nakakatouch." niyakap ko ng mahigpit na mahigpit ang Tatay Ben ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti pa lalo dahil sa dami ng hindi magagandang nangyari sa buhay ito na ata ang pinakamasaya. Na magkaroon ako ng isang butihing ama na handang isakripisyo ang lahat para lang saaking kapakanan.
Napakaswerte ko kasi kahit hindi kami magkadugo ni Tatay hindi ko naramdam 'yon. Mahirap man kami pero masasabi kong puno naman nang pagmamahal ang bahay namin. Wala na akong mahihiling pa. Kahit siguro dumating yung panahon na makikita ko pa ang totoo kong pamilya hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kinikilala kong ama.
*
Third Person's POV
Japan...
Sa isang madilim na silid makikita ang isang ginang na tahimik na tumatangis habang yakap-yakap ang mga gamit ng isang batang babae. Madilim sa kwarto at tanging liwanag lang galing sa labas ang nagsisilbing ilaw.
Makikita dito ang labis na kalungkutan at ang pangungulila. Nabalot ang silid ng mahihinang iyak ng ginang.
Samantala ay hindi sinasadyang may nakadinig sa pag-iyak ng ginang na hindi namalayang nakapasok na pala sa silid ng hindi man lang napapansin ng ginang.
Napabuntong hininga na lamang ito tila ba sanay na siya sa kanyang nakikita. Niyakap niya ito mula sa likod at hinaplos ito ng marahan na mas lalong nagpalakas sa hagulgol ng ginang.
"I really misses her, your sister..." iyak nito.