Chapter 1

1762 Words
Chapter 1 9 years later..... "Suko na ako" Nagmamakaawang pakiusap saakin nung lalaki na ako pa talaga ang napiling bastusin. Hindi naman literal na pamboboso ang ibig kong sabihin. Tahimik kong binabaybay ang gilid ng kalsada dahil sa papasok na ako sa eskwela at hindi ako makapaniwala sa ginawa niya! Binulyawan ba naman akong pandak! Ito ang pinakaayaw ko sa lahat, yung iniinis ako at minamaliit. Bakit kasi may mga tao na may issue pagdating sa height difference, kasalanan ko bang hindi pa nauuso ang cherryfer noong kabataan ko? "Tss. hindi pa nga ako nag-uumpisa suko na agad? Sige na, alis na ayaw ko ng makita 'yang pagmumukha mo ha? Intende?" Bubugbugin ko pa sana siya ng bongang-bongga kaso nga lang may pasok pa ako. Hindi ako mag-aaksaya ng oras sa isang trash talker na kagaya niya. "O-oo N-narumi s-sorry," ayon, bwala nagtatakbo ng parang batang pinalo ng ina sa pwet yung nagsisiga-sigaan dito sa may kanto namin na akala mo naman kay laki-laki ng katawan, mga tatlong ubo na lang naman. Aga-aga napasabak agad ako sa warm-up pero di bale hindi pa naman ako late sa school, sa katunayan ay may oras pa nga. Ako si Narumi Gail Cruz, 15 years old at wala na akong mga magulang. Meron naman syempre paano ako mabubuo kung wala hindi ba? Hindi ko lang sila kilala dahil hindi ko na natatandaan pa ang mga mukha nila. Inampon ako ng tatay-tatayan ko, si Benjamin Cruz at kagaya ko basagulero rin. Nagbabagong buhay naman na siya. Lumaki akong independent at isa akong working student. Hindi kami mayaman pero nabiyayaan naman ako ng katalinuhan. Madali lang para saakin ang makatanda ng mga bagay lalo na't iyong mga nababasa sa libro, photographic memory kung tawagin. Sinanay ko ang sarili ko kaya nasanay na ako kalaunan. I consider it as a blessing dahil nakakatulong 'yun sa pag-aaral ko. Iyon rin ang dahilan kung bakit pinalad akong makapasok sa isang prestihiyosong unibersidad. "Ayan na siya" "Oo nga ang astig niya pero nakakatakot" Wala namang nagtatakang mambully saakin sa school, ewan ko ba sa ganda kong ito kahit aso willing na habulin ako! "Oo hahabulin ka talaga dahil sa kapayatan mo," napalingon ako sa likuran ko at napangiti. "Uy Lester! *fist bump* paano mo naman nalaman yung iniisip ko?" mind reader ba siya? "Nasabi mo lang naman ng malakas." "Ahh..." siya ang best friend ko na si Lester Lee. Kagaya ng mga estudyante rito sa school namin ay mayaman siya pero hindi halata. Atsaka nakakaduda ang lalaking ito palagi kasi akong kasama. May mga kaibigan naman siyang kaedaran na lalaki! Pero gwapo yata ang utol kong 'yan kaya nga lang hindi kami talo. "Ano kamusta na pala si tatay Ben?" tanong niya. "Ayon kalbo pa rin" sabi ko, natatawa na ikinatawa niya na rin naman. "KYAHHHH!!" Napatigil kami ni Lester sa paglalakad at paghuhuntahan dahil sa tilian na narinig namin sa hindi kalayuan, hindi pa kasi kami nakakalayo sa gate ng school kaya ayon rinig na rinig namin. Lahat ng mga babae dito ay nagsilapitan doon sa pinagmulan ng iritan. Ewan ko ba pero parang gusto kong puntahan yung pinagmumulan nung sigawan, para kasing nakakaintrigang tingnan atsaka parang may nagtataboy saaking pumunta doon. Ihahakbang ko na sana yung mga paa ko pero hindi ko na nagawa. Hinawakan ni Lester ang balikat ko kaya hindi ko na natuloy pa ang binabalak. "Huwag mong sabihing makikichismiss ka pa doon? Tara na nga!" hinila na ako palayo ni Lester pero nananatili pa din ang aking atensyon sa pinanggagalingan noong ingay. * Third Person's POV Lahat ng mga babaeng nananahimik sa isang gilid ay napukaw ang atensyon dahil sa isang magarang sasakyang nakahinto sa tapat ng school gate. Masasabing mayaman ang may-ari nito dahil sa uri pa lamang ng sasakyang nito. Halatang mamahalin. Napakakintab pa na kapag natamaan ng sikat ng araw ay mas lalong kumikintab, halatang alaga sa linis. "KYAHHHHH," tili ng mga babae ng makita nila ang lalaking lumabas sa loob ng sasakyan. Kung tatantyahin nasa edad 20 pataas ito. Hindi maipagkakaila na magadang lalaki nga ito. Kahit nakasuot ng shades sa hugis pa lang ng mukha nito at sa tangos ng ilong, talagang kahanga-hanga itong pagmasdan. Sa kabilang banda naman ay naagaw ang atensyon ng lalaking kabababa pa lamang sa sasakyan niya ang isang partikular na estudyanteng nakatingin sa kanya sa di kalayuan, ang mga mata nitong parang nakita na niya dati sa kung saan ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. "Parang pamilyar saakin ang mukhang iyon," sabi niya sa kanyang sarili na malalim nag-iisip kung saan nga ba nakita ang dalaga. Ngunit naputol ang malalim na pag-iisip ng lalaki dahil sa pagtawag sa kanya ng principal ng school. "Good Morning Mr. Sato what brings you here?" ngiting wika nito. Ang lalaking tinitilian ng mga dalaga ay walang iba kung hindi si Chris Sato, isang propesor sa kilalang eskwelahan para sa mga anak mayaman, ang Saint Bridge Academy. Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti bilang kapalit bago nagsalita. "I came here to personally ask for someone. I believe she's a student here. I want to formally congratulate her because she passes our exam." Nagtataka naman ang principal. Bagamat isa nga sa kanyang estudyante ang nakapasa iniisip niya na bakit pa kailangan nitong personal na pumunta sa school gayong pwede naman nitong bigyan na lamang ng sulat o di kaya'y kontakin ang estudyante. What's with the formality? Anong espesyal at talagang sinadya pa ito ng isa sa mga propesor ng eskwelahan. Mas napangiti lalo si Chris Sato ng makita ang reaksyon ng matandang principal kaya naman hindi na niya binitin pa ang principal sa pinakamahalagang parte ng impormasyon na kanyang hatid. "I can understand your confusion. Honestly, she did not only pass our entrance examination but she got the highest score among the examinees. We are thrilled because of this kaya naman I volunteer to tell her the good news." Nabigla ang matanda sa narinig. Ang school na tinutukoy ng propesor ay isa sa mga prestihiyosong eskwelahan hindi lang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa dahil sa high-class na pagtuturo roon bukod dito ay napakadalang lamang ng mga estudyanteng nakakapasa sa entrance exam ng eskwelahan dahil sa napakahirap ng nito. Doon kilala ang eskwelahana kaya naman maraming estudyante ang nais na makapasok roon. Bukod sa maganda ang turo ay may scholarship pa na ibinibigay sa mga estudyanteng hindi man mayaman ay may taglay namang katalinuhan. Sa sobrang taas ng ekspektasyon ng eskwelahan nito sa mga magiging estudyante nila, kaya takang-taka ang principal kung sino sa mga estudyante niya ang hindi lamang nakapasa kundi nanguna pa. Hindi agad nakaimik ang matanda dahil sa pagkabigla. Pero agad din naman itong nakarecover at binigyan ng isang matamis na ngiti ang binata upang ipahalata na hindi siya naapektuhan sa sinabi nito kani-kanina lang. "G-Ganun ba? Ano namang pangalan ng batang iyon?" kuryoso na tanong ng matanda kahit na mayroon na siyang hinuha kung sino ang tinutukoy nito. "Alam kong alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko, but if you are still clueless... Ang pangalan ng batang tinutukoy ko ay si Narumi Gail Cruz. That girl, she really impresses me." Kumikislap ang mga mata ng binatang propesor habang binabanggit ang katagang iyon. Hindi naman na kagulat-gulat sa principal ang narinig dahil napakatalino nga talaga ng dalagang iyon. Sa edad nitong kinse anyos ay kayang-kaya na nitong makipagsabayan sa mas matanda sa kanya. Kung tutuusin pwede na itong mag-skip ng taon ngunit ayaw lamang nitong pumayag. "So you were saying na gusto niyong kunin ang batang 'yon dahil lang sa isang eksaminasyon?" Hindi makapaniwalang saad ng matanda. Si Narumi kasi ang asset ng kanilang paaralan kaya nga ito nakapag-aaral ng libre ay dahil dito. Ito nga rin ang dahilan kung bakit unti-unti ng nakikilala ang kanilang eskwelahan. Napangisi ang binatang propesor pero kaagad iyong napaltan ng kakaibang ngisi. "Alam ko namang hindi kayo basta basta papayag. She's an asset in your school but let me remind you something... Kung nagmamalasakit ka talaga sa kanya hindi mo siya pangungunahan sa pagdedesisyon." Tinapik nito ang balikat ng matandang principal. "Sa inyo ko na ipauubaya ang pagsasabi sa kanya, tandaan niyo kapag hindi ko nagustuhan ang sagot na ibibigay niyo saakin alam niyo na ang mangyayari," matalim at may diing sabi ng lalaki na nakapagpatulala sa principal. Si Chris Sato ay hindi basta bastang tao. Kapag sinabi nito ay ginagawa nito kaya naman ganoon na lamang ang takot na naramdaman ng matanda sa babalang pinakawalan nito. Umalis na parang wala lang ang binata. Samantala ang matanda naman ay napabuntong hininga na lamang at parang sumusuko na. "Mukhang interesadong interesado sila sa batang 'yon" sa isip nito. Narumi's POV Nakakabagot talagang makinig sa mga lecture kapag alam mo na. Hindi naman sa pagmamayabang pero nabasa ko na kasi ang itinuturo ngayon kaya nakakaumay nang pakinggan. Atsaka paulit-ulit lang naman ang mga itinuturo, nadadagdagan lang pero 'yon pa din iyon. Mabuti na lang at hindi ako sinisita ng teacher naming. Nakaubob lang kasi ako habang nakatingin sa wrist watch ko. Joke, hindi niya lang talaga ako nakikita. "May I excuse Miss Cruz," napaangat ako ng ulo dahil sa narinig ko. Sa wakas makakaalis na din ako sa boring na subject na ito! Hindi ko na inintay pang magsalita yung teacher namin dahil inunahan ko na siya dahil baka pa magbago isip niya, paasa. "Oh? Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Akala ko ba excuse? Hay ang hirap talagang maging maganda" Ano 'yon makikipagtitigan na lang siya? Natawa naman siya sa sinabi ko. Parang nainsulto ako doon ah. Totoo naman diba? Maganda talaga ako kaya tinignan ko siya ng masama. "Ang cute mo naman pero hindi 'yon, although totoo naman. A-ano k-kasi," natatawa na nahihiya niyang itinuro ang pisngi ko kaya naman dali-dali kong kinapa 'yong tinuturo niya. Nang mapagtanto ko kung ano iyon agad akong tumalikod. Hala, nakakainis! Nakakahiya grabe, paano ako nagkapanis na laway dito? Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa hiya. Para maisalba ang sarili ko sa mas matindi pang kahihiyan, humarap ako sa kanya with confidence. "Isipin mo na lang na wala kang nakita ok? basta wala kang pagsasabihan? Ok? Ok? Naku malaman ko lang alam mo na," pagbabanta ko sa kanya pero biro lang naman, hindi naman ako ganoon kasamang tao para mambully ng kapwa estudyante. Tumango naman siya habang nakangiti gwapo, rin itong si kuya na to kaso mukhang mas bata kasi mukhang junior ko lang. Nagpatiuna siya sa paglakad at sinundan ko lang. Gusto ko mang manguna pero baka mapahiya nanaman ako, tama na ang isa beses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD