Sa isang madilim na library ay nandoon si Niccolo, nakatingin sa kalangitan. Halatang may malalim itong iniisip, mas malalim pa sa dagat. Maya-maya ay may isang lalaki ang pumasok sa silid. "Young master, may sulat po kayo" Nakuha nito ang atensyon niya na kung hindi pa ata nagsalita ang lalaki ay hindi niya mapapansin ang presensya nito, ganun kalalim ang kanyang iniisip. Lumapit sa kanya ang tauhan atsaka iniabot ng maayos ang sulat matapos ay nagbigay galang bago umalis. Madilim man sa silid ay may liwanag naman na nangagaling sa siwang ng bintana kaya nababasa niya ng maayos ang sulat. May nakanakalagay ditong tatak bilang silyado nito. Hindi na siya nag-isip pa ay binuksan na iyon. Pero sumama ang timpla ni Niccolo sa nabasa niya, sa sobrang galit ay nalamukos niya ito. Kinuha n

