"Ano bang problema mo? Okay ka pa kaninang umaga ah." Kinakausap ko ang sasakyan ko. Lumabas ako ng kotse upang tignan ang makina ng sasakyan. Hindi kasi siya umaandar. I opened the hood of my car and I checked the engine.
"Do you need some help?" A man approached me and asked me. I was busy looking at my car when he tapped my shoulders. "Hey, do you need some help? I can check your car if you want." Kalohokan. Hindi naman ako sigurado kung nasaan ang sira ng sasakyan ko kaya tumayo ako ng maayos at binalingan ng tingin ang nagsalita, "Alfred." Bulong ko.
"I thought nakaalis ka na?" He checked the engine and tried to do some stuff on my car. May napansin akong lalaki na nakatingin saamin sa malayo ngunit nawala ito agad nang kumaway ako. Sad, I didn't see his face. "Nako, grabe 'yung problema ng sasakyan mo Aadi." I faced Alfred. "Talaga? s**t! Paano nangyari 'yon? Okay pa 'to kaninang umaga ah. Tsk." I sighed. "Mukhang pinagtripan ito ng mga tambay sa labas." I shrugged. I walked away and tried to dial Rica's number. I must ask for her help baka may malapit lang na mekaniko dito sa venue. Hindi ma-contact. Mukhang maglalakad ako nito.
"Sumabay ka nalang sa'kin. Ihahatid na kita don sa hotel mo." Alok saakin ni Alfred nang makabalik ako sa sasakyan ko. Kinamot ko 'yung ulo ko. "Nako, nakakahiya naman sa'yo, Alfred." He just smiled at me. Akmang hahawakan niya ako sa balikat nang lumayo ako. Alfred is so touchy and It's annoying. "Relax, ano ka ba." At tinawanan niya lang ako doon. Wala na akong nagawa sa sinabi ni Alfred, makulit siya kaya napilit niya akong sumama sakanya.
"Tumawag na ako sa kakilala kong mekaniko. I'm sure he will work on it na. I already sent him the address and the plate number and car color." Sabi niya habang nagmamaneho. "Tsk. Paano ba kasi nakapasok don sa parking lot 'yung mga tambay sa labas? We should check the cctv camera. They deserve some punishment." I clenched my fist. I didn't know na may ganong klaseng tao pala sa lugar na 'yon. "Na, it'll take time. Isa pa, hindi na 'yon magpapakita sa'tin. Don't worry my friend will take good care of your car. Trusted na 'yon." Kinuha ko ang cellphone ko. It's already twelve midnight at sigurado akong natutulog na ngayon si tita that's why I skipped her name and tried to contact Grace.
"Hello?" I said when she answered my call.
"Hello, Aadi? Napatawag ka?" I smiled when I heard her voice. Mukhang nagising ko ata siya. "Nagising ba kita?" I asked her. "No, it's okay. Kakatulog ko lang. 'Sup?" Narinig ko na tumayo siya at naglakad siya papunta sa kung saan.
"How was work? Marami bang pinagawa si sir sa'yo?" I chuckled. Alfred won't mind having a noisy passenger, I guess. "Nako Aadi, kung alam mo lang. Ewan ko ba kung bakit napunta sa'kin lahat ng trabaho mo. At nasisikmura mong harapin 'yung sandamakmak na excel files at numero? Mukhang mababaliw na ata ako rito eh." Natutuwa ako sa mga pinagsasabi niya. Let's just say na mas challenging 'yung mga pinapagawa ni sir sa'kin compared to them. I like challenges kaya hindi ako nagrereklamo.
"Pasensya ka na ah." Sabi ko. Nadaanan namin ni Alfred ang mga bar and clubs na punong-puno ng mga tao at mga binatang nakatambay sa labas habang sumisipsip ng sigarilyo. "It's okay, uuwi ka naman bukas. 'Di ba? I'm sure babalik ka na sa trabaho sa susunod na araw."
"Na miss mo na ako? Syempre babalik na ako bukas." Nakuha ata ng sinabi ko 'yung atensyon ni Alfred kaya tumingin siya sa'kin. "Aalis na ako bukas. Uuwi na ako diyan." Inulit ko 'yung sinabi ko baka kasi hindi masyadong narinig ni Alfred. Mabuti na 'yung alam niya na aalis na ako bukas dahil baka kulitin na naman niya ako bukas ng umaga. "Jeez, dapat talaga ulit-ulitin? Nga pala, nagkita na ba kayo nung kaibigan mo?"
"Kaibigan ko?" Tumingin ako kay Alfred at nakita kong na sa daan na 'yung atensyon niya. "Oo, dumating kasi siya rito nung araw na umalis ka papunta diyan sa Mortias. Nagtanong siya kung saan ka raw pwedeng makita and so I told him na bumalik ka sa old town mo." Him? Umayos ako ng upo. "Him? Lalaki 'yung nagtanong?" Narinig ko na tumawa si Grace sa kabilang linya. "Oo, lalaki. Ang gwapo pa nga eh, alam mo 'yung mga action stars na nakikita natin sa mga palabas? He looks like one of them." Napatampal ako sa'king noo. Tsk, si Grace talaga! "Pero hindi niya kasi sinabi 'yung pangalan niya eh. Nung sumagot ako sakanya, agad naman siyang umalis. Iniwan niya akong nakatunganga doon at pinapantasyahan ang mukha niya."
"Baka nakita ko na 'yon sa reunion. Hayaan mo na." Baka si Alfred. Baka pinuntahan niya ako sa Locrasia. "Sige na, ibababa ko na'to. Matutulog na ako. Good night, Aadi!" I placed back my phone inside my pocket. Tumingin ulit ako kay Alfred and this time, napansin kong may malalim siyang iniisip. Kating-kati na akong itanong sakanya kung siya ba 'yung pumunta sa office namin. Paano niya naman nalaman 'yon? Unless kung pinuntahan niya si tita sa bahay. May nabanggit kasi si tita sa'kin, she said that someone came into our house and asked about me. She didn't tell me who it was.
"Dito mo nalang ako ibaba, Alfred." I said to him nang dumating kami malapit sa convenient store. Gusto kong uminom ng soju o 'di kaaya ay beer. Huminto siya at tumingin sa'kin. "Sure ka? Medyo malayo pa 'yung hotel dito." I smiled at him. "It's okay, may bibilhin pa kasi ako rito sa convenient store. Maglalakad nalang ako papunta sa hotel." I told him. Hiningi ko sakanya 'yung numero ng lalaki na nag-repair nung sasakyan ko pero ang sabi lang ni Alfred na 'wag daw ako magalala dahil siya na ang bahala don. Siya nalang daw 'yung magbabayad at aasahan ko raw na nasa labas na 'yung sasakyan ko first thing in the morning tomorrow. "Sige, ikaw bahala." I trust Alfred at nagtataka lang ako na nagagawa niya pa 'yung mga gusto niya knowing that he is already a successful entrepreneur and a busy person. "Okay, thank you." Isasara ko na sana 'yung pinto nang kotse niya nang may naalala ako.
"Nga pala," Tumingin siya sa'kin. "Alfred, by any chance. Pumunta ka ba sa company namin at hinanap ako?" Nagulat siya sa tanong ko. Hindi siya agad makasagot. "Okay, I guess it wasn't you—" He cut me off.
"It was me."
"Talaga? Paano mo nalaman na doon ako nag ta-trabaho?" So siya pala 'yung nakausap ni Grace. Siya pala 'yung mukhang action star na sinasabi ng kaibigan ko. "I asked around kaya pinuntahan kita but I didn't find you there, kaya umuwi nalang ako rito. I was hoping that I could, like, bring you back here in Mortias pero huli na pala ako."
"Ah nagabala ka pa. Sige, alis na ako. Salamat sa paghatid mo sa'kin." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at sinarado ko na 'yung pinto ng kotse at pumasok ako sa loob ng store. Bakit ba ako nalulungkot? Sino ba kasi 'yung inaasahan ko na maghahanap sa'kin don sa Locrasia? Kumuha ako ng ilang bote ng beer, soju at mga chichirya. Once again, I'm going to leave this place. Sana for good na'to. Hindi ko na kailangang umattend ng reunion kasi I've already attended and have served once. And I think that it's enough.
"Thank you, sir, and come again!" Maligayang bati nung guard sa'kin nang makalabas ako ng store. I went outside and started walking to the hotel. The air is freezing. I left my jacket at the hotel. Mabilis akong naglakad papauwi. Minsan ay napapahinto ako dahil sa lamig, I didn't know that Mortias would be this humid 'pag ganitong buwan ng taon.
"Kuya," A boy apprached me. "Yes?" I stopped and faced him he was holding a jacket. "Pinapabigay po sa'yo." Ibinigay niya sa'kin ang dala niyang jacket. "Sinong nagpapabigay?" But when I asked that agad namang tumakbo papalayo 'yung bata. Isinuot ko ang jacket na ibinigay ng bata sa'kin.
Pagkapasok ko sa hotel room ay nagbihis agad ako at naligo. This day is very exhausting at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas upang bumangon ng maaga bukas. I need to be in the road early so that I will arrive at Locrasia early than what was planned. I want to surprise tita. Inilabas ko 'yung binili kong beer at inilagay ang mga ito sa ibabaw ng table katabi ng laptop ko.
"Sir must've sent me an email or work. I need to check it." Habang pinupunasan ko ang aking basang buhok, umupo ako sa harap ng aking laptop at isa-isang binasa ang emails na aking natanggap. Some mails are unimportant and irrelevant that's why I always delete those kinds of emails. While scanning my inbox for important emails, an email caught my attention.
"ccxx@mailme.com" I read the email of the sender. Who is this? Ito 'yung unang beses na nabasa ko ang message mula sa taong ito. Dahil na curios ako sa email, I decided to open and read it.
Meet me tomorrow. 8AM at Redox Café. Important matters will be discussed.
"Who the hell is this? Anong pinagsasabi niya?"
I hovered the mouse pointer at the delete icon of the email site but something has stopped me from totally deleting the email. s**t why is my heart beating so fast? Am I having palpitation? Hypertension? Kinuha ko agad ang mga bote ng alak at idinispossed ito sa basurahan. Titigil na ata ako sa kakainom dahil mukhang magkakaroon na ako ng heart attack dahil sa sobrang dami ng ininom ko noong nagdaan. It has been three days straight and I think I'm already having the negative consequence of my stupid behavior. Isinarado ko ang laptop ko at humiga ako sa kama.
"Eight AM?" I faced the ceiling. Should I read the cards? Should ask them who emailed me? Bumangon ako at umupo. I rest my head on the bed's headboard. I stared at the box placed on top of the side table. "s**t. Papatayin ko ba ang sarili ko?" Bulaslas ko. Considering my current state, I'm too tired and too weak to use the tarots. Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako sa Redox café. Paano kung importante 'yon? How important could that be considering na mukhang nakalimutan na ako ng mga tao rito sa Mortias? I shouldn't have any more business here in this place. Bahala na nga. I'll give a try. I decided to rest and sleep.
The annoying sound of the alarm clock woke me up. It's already seven. Tumayo ako at tinignan ko 'yung sarili ko sa salamin. Uuwi ako ng ganito 'yung histura ko? Hindi ba ako babalatan ni tita? I rushed to the bathroom to freshen up. I decided to visit the cafeteria for the last time.
"Ughh too early for Blake Johnson." I covered my eyes with the news paper that I am reading. "Hello, Aadi baby." So annoying. He sat down in front of me and started talking about his endeavors in life. "So ayon na nga Aadi, ipinasa ko na 'yung manuscript ko tapos..." Hindi ko narinig ang mga sinabi niya nang makita ko ang headline ng balita na nasa news paper. Another child was killed last night and "s**t!" Ibinaba ko 'yung papel at tinuro ko 'yung mukha ng bata. "Hey, are you alright?" Nagaalalang tanong ni Blake sa'kin. "T-that kid. He was the one who gave me the jacket last night." Hindi ako makapagsalita ng maayos. I am really sure that it was the same kid from last night.
"Are you sure about that?" Nagtatakang tanong ni Blake saakin. Kinakabahan ako at biglang bumilis 'yung t***k ng puso ko. It was the kid! Sino ba ang pumatay sakanya? Kasalanan ko ba 'yung nangyari? Si Ma'am Sy. Ako 'yung huli niyang nakausap bago siya namatay. Tumayo ako at naglakad paakyat ng hotel room. Kinuha ko lahat ng gamit ko at nag check out sa lobby. I paid my bills and went to the parking lot. I was surprised because I saw my car in there. Nakapark ito ng maayos. Mabilis kong ipinasok 'yung mga gamit ko. I went inside.
Aadi, someone's waiting for you. I heard a voice in the back of my head. No, it was my voice. I heard my own voice. Hinawakan ko ang manibela ng sasakyan. Simula nang bumalik ako rito, marami ng krimen na nangyari sa lugar na ito. Hindi 'yon normal dahil most of the dead people are the ones that I have encountered. Si Ma'am Sy, yung bata, yung nagtitinda ng cotton candy. They were all murdered.
"Bahala na." I decided to go back to Locrasia. On my way to the town's boarders, I saw Rodex Café's sign. I stopped, parked my car and went inside. "I'll give you ten minutes." I said. I ordered a slice of cake. Sana isa kang scam, sana hindi ka sumipot, sana hindi ka magpakita sa'kin para hindi ka madamay sa kamalasan na nangyari sa mga taong nakikipagsalamuha saakin, sana—"I'm sorry to keep you waiting." A man behind me suddenly spoke to me and so I turned around to face him.
"Finn?" Nagulat ako nang makita ko si Finn Carson. Naglalakad siya papalapit sa direksyon ko. He was waving his hands at me.
"I'm sorry, Mr. Sullivan." Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa harapan ko. "Miss?" Tinawag niya 'yung isa sa mga waiter, "Can I have an americano, please?" I stared at him. Hindi ko inaasahan ito. Hindi ako makapaniwala na gusto niyang makipagkita saakin. What for? What on earth was he thinking?
"So, how are you?" Walang ano-ano ay nagtanong siya saakin. He is acting as if we're still friends. Magkaibigan pa ba kaming dalawa? "How's your life—" I cut him off.
"Let's go straight to the point, Fin—Mr. Carson. What do you want?" I said. He cleared his throat.
"I need your help."