Year 2023.
"Ano ba, Finn? Wala ka na bang ibang nagawa kundi errors at problema? Tumawag na naman saakin ang boss mo."
"Pa—"
"Forget it. I'm really disappointed, Finn."
Aadi
"Alam mo, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa'yo. Loosen up a bit naman, Aadi." Kinuha ko ang kape na inilagay niya sa table ko. She stood in front of me and crossed her arms, "Sobra-sobra na yung pagiging workaholic mo, hindi na 'yan maganda."
"Don't worry about me, Grace. I can handle myself." I assured her.
"Basta, sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang na dapat mo ring i-enjoy yang buhay mo. 'Wag puro work lang, have fun sometimes."
I can't blame her. Having a job for some can be really stressful, lalo na 'pag demanding yung boss mo or yung nature ng trabaho mo, but I find my job interesting and fun. After high school, I moved away with my tita and studied here. My college life was full of realizations, doon ko naramdaman na mag-isa lang talaga ako, I can't survive alone and so I started to open myself to other people.
"Aadi, sir needs the report now. Handa na ba 'yon?" Archie approached my desk.
"Oo, it's ready. I'll give it to him in a sec."
Dumaan si Archie sa desk ni Grace at nakipag-kuwentuhan dito. The company that I am working isn't that big, one thing that I have learned from college is being contented to simple things and to be appreciative. Big things start from small beginnings.
"Good morning, sir." I knocked at the door three times before I entered the office.
"Come in, Aadi."
"Sir, these are the reports that you need." I handed over the reports that I have prepared.
"Thank you, you're really serious with your work. I commend you for that."
"Maraming salamat po, sir."
Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko pero masuwerte ako sa mga nangyayari saakin ngayon. Hindi naman strikto yung boss ko, mabait siya at naa-appreciate niya ang mga efforts na ginagawa ng mga empleyado niya.
Bumalik ako sa desk ko at tinignan ang cellphone ko. Mabuti nalang at wala akong natanggap na kung ano mula kay tita ngayon.
"Aadi, labas daw tayo mamaya sabi ni Archie. Libre niya raw." Grace leaned on my desk at bumulong pa siya saakin upang hindi marinig ng ibang officemates namin.
"Hindi ako sure, Grace. Baka kasi hanapin ako ni tita sa bahay mamayang gabi." Sabi ko.
"Nako, don't worry. Hindi naman tayo matatagalan doon e, kakain lang tayo." Sabi niya at wala na akong nagawa kundi tanggapin ang imbitasyon.
"O ayan a, sasama ka na."
"May choice pa ba ako?"
Marami kaming ginawa ngayong araw na 'to kaya muntik ko nang makalimutan na may pupuntahan pa pali kami ni Archie at Grace pagkatapos ng mga trabaho namin.
"Not so fast, Aadi." Hinila ako ni Grace papasok sa kotse ni Archie.
"Hey, what's this? Ano 'tong ginagawa niyo?" I asked in confusion.
"'Wag kang mag inarte diyan, hindi ka naman namin dudukutin. May usapan kaya tayo, remember?" At saka ko lang natandaan ang pinag-usapan naming kanina. Akala ko kasi na makakalimutan nila ang iyon dahil sa dami naming ginawa kanina.
"Alam mo ikaw sayang ka," Panimula ni Grace. I looked at her and then asked, "Sayang?"
"Dahil sa dinamirami ng malalaking firm dito sa lugar natin, dito ka pa talaga nagtrabaho sa kompanyang 'to." Tinuro niya yung building ng kompanya namin.
"Ano'ng masama sa kompanya natin? The company values the employees and pays them well kaya wala namang masama kung dito ako magtrabaho. Hindi naman ako mapili e,"
"Kasi naman po, I looked at your educational background and I was impressed. Pasok na pasok ka kaya doon sa—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang pumasok si Archie.
"I'm sorry guys, dumaan pa kasi ako doon sa HR." Inayos niya ang seatbelt niya at pinaandar yung kotse. Hindi na ulit nagsalita si Grace at ganon din ako.
"So Aadi, ano pala ang mga favorite mo?" Tanong ni Archie.
"Ah, I love seafood." Sagot ko. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa mga tanong niya kasi naiilang pa rin ako sakanila hanggang ngayon. Madalang kasi kaming nag-uusap sa office, 'pag kailangan lang talaga.
"Ako rin, mahilig ako sa seafood lalo na sa shrimps." Ani Grace.
"Nga pala, nakakain na ba kayo sa pupuntahan natin?"
"Hindi pa." Simpleng sagot ko. Tinignan ko si Grace para alamin ang sagot niya ngunit umiling din siya.
"Sayang naman, masarap kaya yung seafood dishes nila ron."
Dumating kami sa restaurant pagkatapos ng isang oras na byahe.
"Kaya pala hindi pa kami nakakapunta rito, nasa hinterlands pala ito." Pagrereklamo ni Grace.
"I can assure you guys, this place is great." Hindi nga naman nagkamali si Archie sa mga sinabi niya, the place is good and the foods are all tasty, 'yon nga lang napakalayo nito sa mismong syudad na tinitirhan namin.
"Alam mo Aadi, sa tagal na nating magka workmate, ngayon ka lang sumama at nakipag-usap saakin." Tinignan ko si Archie.
"Oo nga e, hindi lang talaga ako sanay na makipag-usap sa ibang tao." Sagot ko. Kinuha ko ang glass na may lamang wine at ininom ito. Hindi ako komportable sa mga ganyang tanong, mas lalong hindi ako komportable 'pag seryoso yung pinaguusapan.
"Ito kasing si Aadi, mailap. Mas gustong mapagisa. Ako kasi hindi ko nasisikmurang hindi pansinin ang mga tao sa paligid ko lalo na 'pag nakikita kong malungkot sila." Sabi naman ni Grace.
"Malungkot si Aadi kaya mo siya kinausap, Grace?"
"It's not like that. Alam ko naman na may mga kaibigan sa labas 'to e, kaso subsob sa trabaho. Hindi na nakakapag-enjoy kaya sa tingin ko sooner or later magsisisi 'to sa mga pinaggagagawa niya." Natawa ako sa sinabi niya at napailing nalang.
My phone suddenly vibrated, I received an email from an unexpected person.
"Reunion?"
"Are you okay? May masama bang nangyari?" Archie noticed me and heard what I said.
"No, it's fine. I just receive an email from an unexpected person." I signaled them to continue what they are doing, which basically is to gossip about me not talking to other people. I clicked the notification to check the email. Another reunion, huh.
Ilang taon na rin akong hindi sumasali sa mga reunion ng high school batch namin sa Mortias. Hindi na rin naman ako nakabalik doon simula nang umalis ako at nagdesisyon na mag-aral kasama ang tita ko. Kumusta na kaya yung lugar na 'yon? Kumusta na kaya siya?
My phone suddenly rings causing me to panic dahil ang akala ko ay hinahanap na ako ni tita sa bahay. Agad kong hinalungkat yung bag ko para makita ang tumutunog na telepono at to my surprise, it wasn't my tita who's calling but an unknown number.
"Excuse me for a while, sasagutin ko lang 'to." Tumayo ako at naglakad palabas ng restaurant, "Hello?"
"Hello, may I talk to Aadi?" A girl answered.
"Yes, speaking. Sino 'to?" I roamed my eyes around the vicinity of the restaurant, I can see parked cars at mga taong kararating lang sa lugar. I suddenly felt strange feelings, chill ran down my spine as if someone is watching me from a far. To ease the discomfort, I decided to walk a little bit away from the restaurant.
"Aadi, this is Rica. I'm was your batch's senior president. The alumni office called me and asked kung pwede bang sumali yung batch natin sa reunion and so I consulted with some of our batch mates and they all agreed to it." I rolled my eyes. What's the point of telling me this? Hindi naman ako kalian man sumali sa mga reunions.
"Talaga? That's great!"
"Oo nga e, but I haven't really seen you during our past reunions. Pumunta ka ba? Kasi hindi kita napapansin e," I sat at the bench and wrapped my free hand around my stomach.
"Actually," I bit my lower lip. This is the first time na may nagtanong saakin kung bakit hindi ako sumasali sa reunion, "My schedule is a bit tight and unfortunately may mga meetings ako 'pag nagkakaroon ng reunion. Alam mo na prior commitments."
"Ganoon ba? Sayang naman. Everyone is excited to see you." I didn't know everyone remembers my existence. I didn't reply and just listened to her next sentences.
"But, this year, one of our batch mate talked to me about you. Sabi niya isali ka raw sa working committee for our reunion para may reason ka na pumunta sa event."
"Really? Pwede ko bang malaman kung sino'ng tinutukoy mo?"
"I'm sorry, I can't tell you. But I will email you the details about our reunion at yung mga tao na makakasama natin sa team."
"I'm really not sure If I can go—" She cut me off.
"Please Aadi, kahit ngayon lang?" I closed my eyes. Aadi think about it, 'di ba wala ka nang plano na bumalik doon sa Mortias? Pero paano kung siya yung kumausap kay Rica tungkol saakin? Paano kung gusto niya akong makita sa reunion? I shook my head.
"Sige, I'll think about it."
"No, kailangan ko na kasi yung response mo now kasi gagawin na namin yung invitation." Tumayo ako at naglakad pabalik sa restaurant.
"Fine, I'll go." Words came out from my mouth. I immediately covered it with my hand. s**t, ano'ng ginagawa mo Aadi?
"Oh ayan ah, sinabi mo na na pupunta ka. Wala nang bawian 'yan."
"s**t," Napasabunot nalang ako sa buhok ko nang mag sink-in saakin ang sinabi ko.
"I'll email you the details, okay? I'm so excited to work with you. Good bye, Aadi!" She ended the call.
Maya-maya pa ay nakabalik na ako sa loob ng restaurant.
"O my god, ba't ang tagal mo?"
"Oo nga, halos maubos na namin yung inorder namin." Sabi ni Archie.
"I'm sorry guys, emergency call." Kinuha ko ang glass na may lamang wine.
"Ayos ka lang? Bakit parang nanginginig yung kamay mo?" Saka ko lang napansin yung panginginig ng kamay ko nang sabihin 'yon ni Grace. Jeez! Focus Aadi, hindi ka dapat ma-distract sa nangyari. Paano nalang yung performance mo sa work kung magpapadala ka sa mga emosyon mo?
"Okay, kumain ka na lang kaya baka nagugutom ka lang." Tumango ako kay Archie at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Ilang sandal pa ang dumaan bago bumuti yung pakiramdam ko. Akalo ka aatakihin na ako sa puso doon sa loob ng restaurant, a part of me felt excitement when I think of the chance the I'll be able to see him again but I immediately erased it from my mind because I know that it'll never happen.
"Salamat sa treat, Archie!" Sabi ni Grace nang makalabas kami sa restaurant.
"Thank you."
"You're welcome, guys. Wait for me here, kukunin ko lang yung kotse ko." Archie said before leaving.
"Alam mo, masarap pala talaga yung food nila rito..." Kaharap at kausap ko si Grace nang biglang may masagap ang mga mata ko, isang pigura ng nakatayong lalaki mula sa malayo. He wears a black hat, pant and a jacket. His hands are inside his pocket. I felt the chills, again.
"Hey, nakikinig ka ba?" I was distracted when Grace tapped my hands.
"Ah, yes, oo! Masarap nga yung pagkain nila sa loob." Mabilis akong tumingin sa mata ni Grace at ibinalik ulit yung atensyon ko sa lalaki but after I answered Grace's question, he was gone. Hindi ko na siya nakita ulit sa lugar.
"Kanina pa ako tapos about sa food, I'm talking about our work. Ano ka ba," Sabi ni Grace. Hindi ako sumagot dahil naging busy yung mata ko sa paghahanap sa lalaking nakita ko kanina.
"Aadi," Hinawakan ako ni Grace sa magkabilang balikat at hinila ako, "Hey listen. Are you okay? Is something bothering you?" Thanks to what she did, nawala saglit yung kaba sa puso ko.
"Oo ayos lang ako, may nakita lang ako doon sa malayo but nevermind that." I massaged my forehead. God why am I seeing things now?
"Wala naman akong nakita. Anyway, baka pagod ka lang. Magpahinga ka na pagkauwi mo sa bahay niyo. You need some rest."
"Oo, baka nga pagod lang ako kaya kung ano-ano ang nakikita ko."