“Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Aadi?” Pumasok bigla si tita sa kwarto ko at tinulungan akong mag-impake ng gamit.
“Opo, tita. I already filed my leave.” Sagot ko sa kaniya. Hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko and I’m sure hindi na aalisin ni Rica ang pangalan ko sa invitation. Nakakahiya naman kung hindi ako pumunta.
“Handa ka na bang bumalik sa Mortias?” I zipped my bag and faced her.
“Opo, tita. Matagal na rin kasi akong hindi nakakabalik doon. Isa pa, two weeks lang naman akong mawawala tita. I’m sure you won’t miss me.” Pagbibiro ko.
“Hindi naman sa ganon. 'Yung akin lang naman kasi kung handa na yung puso mo na bumalik doon, I know what you’ve been through and it wasn’t easy.” I hugged her.
“Tita, I know and as much as possible I’m trying my best to accept the fact na babalik ako sa Mortias at makikita ko ulit 'yung bahay at 'yung mga classmates ko.”
“Pero kung magbago man yung isip mo don’t worry kasi ayos lang naman ‘yon at alam kong maiintindihan ‘yon ng mga kaklase mo.”
“Alam ko, tita. Pero pupunta po talaga ako. Don’t worry about me. Ang dapat niyo pong alalahanin ay yung niluluto niyo po sa baba, baka po nasunog na ‘yon.” Tinapik-tapik ko pa ang balikat ni tita.
“Hala oo nga pala! Yung kare-kare ko.” At kumaripas siya ng takbo palabas ng kwarto ko para puntahan ang niluluto niya.
Kinuha ko ang mga gamit ko sa opisina at inilagay ito sa ibabaw ng dati kong study table.
“Dear Aadi Sullivan, I know that you’re having a hard time today. Kahit naman ako, but all I need is to see your smile and my troubles will automatically fade away—baliw ka talaga, Mason.” Natatawa ako habang binabasa ko ang isa sa mga sulat na ibinigay saakin ni Mason, yung kaklase ko sa foreign language na subject nung college. Mahilig kasi siyang gumawa ng letter at notes noong nagaaral pa kami lalo na ‘pag boring yung klase o ‘di kaya’y may dalaw yung professor namin.
“Dear Aadi Sungit, sino ba kasi si Finn?” f**k! Bakit niya kilala si Finn? Bakit ngayon ko lang ito nakita? s**t ka Mason, ano’ng alam mo tungkol sakaniya?
Kinuha ko agad ang cellphone ko at hinanap ang numero ni Mason. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakakausap pero hindi ko pa rin dini-delete yung contact niya sa phone ko.
“Hello, buti naman at naalala mo pa ako? Buhay ka pa pala?” Sunod-sunod na tanong ni Mason nang sagutin niya ang tawag ko.
“I’m sorry Mason pero ngayon ko lang kasi nakita ‘tong isa sa mga notes mo. And I was wondering kung bakit mo kilala si Finn?” Direktang tanong ko.
“Finn? Teka hindi ko maalala ang sinasabi mo.”
“Dali na alam ko namang kilala mo siya e, yung penmanship mo nga yung nandito sa papel so sigurado akong ikaw ang sumulat nito.”
“Sorry, hindi ko talaga maalala e.” I rolled my eyes. I faced the mirror and tried to remember a damn scenario kung saan sinabi ko sakanya ang pangalan ni Finn, pero sigurado ako na never kong naikwento sa kahit sino ang tungkol kay Finn unless…
“Alam ko na!” Nagulat ako nang biglang sumigaw si Mason sa kabilang linya.
“Ano?” Atat na akong marinig ang sasabihin niya pero parang hinihintay niya atang marinig ang drum rolls bago magsalita.
“Naalala mo pa nung first years tayo? Final examination ng foreign language?” Tumango-tango ako.
“Oh, tapos anong nangyari?”
“Tapos lahat tayo halos bangag sa hirap nung exam ni Sr., nagayaan kaya tayong uminom after nun.” Nanginit bigla yung pisngi ko dahil naalala ko na yung nangyari. ‘Yon 'yung unang beses na tumikim ako ng alak at kasama ko pa ang ibang students.
“s**t, naalala ko na.” Napatampal ako sa aking noo.
“See, sinabi mo saakin 'yung pangalan na Finn noong lasing ka na. Baka hindi mo na maalala kasi nga lasing ka na at kung ano-ano na ang sinasabi mo.” That was so embarrassing! Hindi ko inexpect na nagawa ko ‘yon sa unang taon ko sa kolehiyo.
“Wala talaga akong matandaan. Ano ba’ng sinabi ko tungkol kay Finn?” Natatakot ako dahil baka naikwento ko sakanila 'yung tungkol sa kakayahan ko.
“Sa lahat ng mga sinabi mo, isa lang naman yung hindi ko makalimutan e,” Huminto pa siya sa pagsasalita.
“Ano ba dalian mo na ‘wag ka na magaksaya ng load.” Sabi ko.
“Na ano, si Finn kasi daw yung first—”
“Aadi! Bumaba ka na. Kakain na tayo!” Hindi ko narinig yung sinasabi ni Mason dahil biglang sumigaw si tita mula baba.
“Hey, I need to go now. Let’s talk later, ‘kay?” Bulong ko.
“I can’t, may online teaching pa ako mamaya. Ako nalang tatawag sa’yo next time.” I sighed.
“Sige, ikaw bahala. Good bye, ingat ka.”
Bumaba na ako at kumain ng hapunan kasama si tita. Nasanay na ako na kami lang dalawa ni tita sa loob ng bahay. Noong una ay hindi ako komportable kasi napakalaki ng ancestral house nila daddy tapos kami lang dalawa ni tita ang nakatira. May nakikita pa nga ako noon e, mga batang naglalaro ng bola sa sala.
“Gusto mo ihatid na kita sa Mortias?” Habang nasa hapag kami ay hindi namin maiwasang pagusapan ang nalalapit kong pagbabalik sa Mortias.
“’Wag na po, tita. Kaya ko na naman po e, dadalhin ko nalang yung kotse ko. Mahirap kasi mag commute lalo na sa panahon natin ngayon.”
“Kaya nga naisip ko na ihatid ka sa Mortias para hindi ka na mapagod,” Kinuha ko ang isa niyang kamay at hinawakan ito.
“Tita, kaya ko na po. May work po kayo sa bangko. Ayaw ko naman pong ma kompromiso yung trabaho niyo para saakin.”
“Basta ha magiingat ka ron. ‘Wag kang magpapagod at magpahinga ka ng maaga.” Simula kasi nung namatay ang foster parents ko, tinuring na ako na tunay na anak ni tita. She is also alone, matandang dalaga kaya hindi ko naman siya dapat pabayaan.
“Sige na, ako na ang bahala rito. Magpahinga kana sa taas at maaga pa ang alis mo bukas.” I kissed her on the cheek and went upstairs.
Naligo ako at nagbihis. I checked on my mails and tried to find Rica’s email about our reunion. Nakita ko ang mga pangalan na kasali sa working team pero hindi ko nakita ang pangalan niya. Baka mali nga yung akala ko. Maybe he wasn’t the one who recommended me to Rica. Teka, bakit ba ako nalungkot bigla? Strange feelings, Aadi.
Hindi ko gusto yung napunta sa aking trabaho. Isa-isa kong tatawagan yung mga nag confirm na pupunta tapos ifo-follow up sila sa mga bagay na dapat nilang malaman including venue, dress code at iba pa. That’s probably the job that I hate the most. Kung sino pa yung hindi socially healthy, sakanya pa napupunta yung ganong trabaho. Paano ko ba sila kakausapin? Parang robot o ‘di kaya artificial intelligent na may script at pauli-ulit?
“Bukas ko na nga lang ‘yon po-problemahin. For now, I need some rest. Medyo malayo yung byahe ko bukas kaya kailangan ko ng energy."
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Inayos ko ang sarili ko atsaka bumaba. Tita was actually waiting for me in the sala.
“Oh, aalis ka na? Hindi ka man lang kakain?” Tita asked me.
“Hindi na po, baka sa Mortias nalang ako kakain.” Sumulyap ako sa aking relo upang malaman ang oras at saktong alas sais palang ng umaga.
Halos limang oras din yung byahe ko mula sa Locrasia papunta sa Mortias, nakailang bus stop at food corner ako dahil nababagot ako sa byahe at nagutom na rin. Iba pa rin yung nararamdaman ng puso ko ngayon, I feel strange. I should be worried dahil makakaharap ko na naman yung mga taong kinaiinisan ko noon but it is not the case, I’m actually happy and excited.
Pagpasok ko nang city, una kong nakita ang mataas na bell tower sa tabi ng Cathedral. I’m back, Mortias.
“May mga lugar at bagay na hindi pa rin nagbabago.” Bulong ko habang tinitignan ang mga bahay at gusali sa syudad. It brings back all the memories, this place is nostalgic.
I stopped in front of a house. I parked the car and went outside.
“I must be dreaming,” I stood up in front of the house and stared at the plants, the newly painted roof and walls. Strange, I can’t see them anymore.
“Aadi? Ikaw na ba ‘yan?” A heard a woman’s voice calling for my name.
“Ma’am Sy? Kumusta na po kayo?” I approached her.
“Ito matanda na. It’s been a long time, Aadi. Bakit ngayon mo lang ulit naisipang bumalik?” She asked me. Ma’am Sy was one of my filipino teacher in high school, hindi ko alam kung kalian siya lumipat sa lugar na ‘to kasi sa pagkakaalam ko may sariling bahay siya sa townhouse malapit sa isang university.
“Busy po kasi ako sa studies tapos ngayon work naman,” Sagot ko.
“Alam mo ba na ako na ngayon ang nakatira sa dating bahay niyo?” Tinuro niya ang dating bahay namin.
“Talaga po? I didn’t know. Kailan po kayo lumipat dito?”
“Pagkaalis mo. Your tita sold the house at sakto naman na kailangan ko ng malilipatan so I bought it. Who would’ve thought na maabutan pa pala kita rito?” She smiled at me. Ma’am Sy aged a lot since the last time I saw her. Mukhang may sakit ata siya ngayon.
“Talaga po, it’s such a coincidence pero masaya po ako na nagkita ulit tayo.”
“I heard about your reunion, nandito ka ba for that? If you’re looking for a house to stay dito ka nalang sa bahay ko. Ako lang naman magisa rito e.” Aniya.
“Nako, it’s okay Ma’am. Nag check-in na po ako sa hotel, doon nalang po ako magsi-stay.” Hindi pa ako pumupunta sa hotel and I basically lied kasi ayaw kong tumira ulit sa bahay na ‘to.
“Ganon ba, sayang naman. Aba teka may naaalala ako.” Hinila niya ako papasok sa gate at papasok sa mismong bahay niya. I noticed the new furniture inside the house, but the ambiance is still the same. I can still feel the same atmosphere from ten years ago.
“Ano po ba ‘yon?” Tanong ko. Binitawan niya yung kamay ko at lumapit siya sa isang drawer malapit sa antique clock.
“Here,” I was taken aback when I saw the box that she’s holding. The tarots.
“I kept this for ten years now hoping for this day to come. Alam ko naman na sa’yo ito dahil nakita ko ito sa dating kwarto mo.” Lumapit siya saakin at inabot ang kahon. I looked at it, I never thought that I would be able to see that again.
“Aadi, kunin mo na.” Hindi ako gumalaw. I just stared at her hands as she offered the box to me.
“Ah alam ko na,” Naglakad siya ulit papasok sa kusina, “Baka allergic ka pa rin sa alikabok until now. Hindi ko na kasi ito nalinisan e, alam mo na may iba na akong priorities.” Naririnig kong sabi niya mula sa kusina.
“O, ito na,” lumabas siya mula sa kusina na may dala-dalang paper bag, “Kunin mo na. Alam ko naman na may sentimental value ang box na ‘yan sa’yo e, promise I didn’t open the box so hindi ko nakita ang laman niyan.”
“A, Salamat po.” Nagdadalawang isip akong kunin ang paper bag pero sa huli ay napilit niya akong tanggapin ito.
“Gusto mo bang kumain na muna? Maghahanda ako ng pagkain. Teka lang,” Nagulat ako dahil hanggang ngayon ay makulit pa rin si Ma’am Sy kahit na matanda na.
“Nako, ‘wag na po Ma’am.” Sinundan ko siya.
“I insist, Aadi. Pagbigyan mo na ako. Namiss kaya kita. Halika sa kusina.” I sighed. I guess there’s no way I can say no to her.
Umupo ako at pinanood siya habang inihahanda ang specialty niya, hindi niya ako pinayagang tumulong dahil nga bisita niya raw ako. I placed the paper bag in front of me and stared at it.
“What’s with you? Matagal na kitang kinalimutan.” Bulong ko sa bag.
“May sinasabi ka, hijo?”
“Ang sabi ko po, mukhang masarap yang niluluto niyo.”
I though I already disposed you but I was wrong. Nagsisisi na naman ako na iniwan kita sa kwarto ko, I should’ve buried it with my parents.
“I shouldn’t have come here.”