Chapter 5

1980 Words
“Thank you Ma’am Sy sa pagkain. Hindi pa rin kumukupas 'yung galing mo sa pagluluto.” I hugged her. I remembered the times na palagi akong binibigyan ng pagkain ni Ma’am at palagi niyang pinapatikim sa'kin ang mga discoveries niya sa pagluluto ng masasarap na mga pagkain. “Walang anuman, Aadi. You should visit me sometimes, alam mo naman basta tumatanda kana mas gusto mo na madalas dinadalaw ng maraming tao.” “Sige po, mauuna na po ako. May meeting pa kasi ako kasama ang mga batch mates ko.” Inihatid ako ni Ma’am palabas ng gate. “Mag-iingat ka.” Bilin niya saakin. “Opo, kayo rin po. ‘Wag po kayong magpapapasok ng kahit na sino sa bahay niyo lalo na’t magisa lang kayo na nakatira diyan.” Pumunta na ako sa sasakyan ko at kumaway sakanya bago ako umalis. Tumingin ako sa back seat at nakita ko roon ang paper bag na pinaglagyan ng kahon na may lamang tarot cards. “Ano ba’ng gagawin ko sa’yo?” I sighed. Dumating ako sa isang hotel at nag check-in sa loob. Inayos ko ang mga gamit ko, naligo atsaka nag bihis. I still have time to rest since mamayang two o’clock pa naman ang meeting namin for the preparation. I looked at myself in the mirror, “It’s strange, why do I have this feeling of excitement? I shouldn’t be excited.” Sabi ko sa sarili ko. I saw the reflection of the paper bag in the mirror. I forgot to placed it in the side table kaya nakikita ko siya rito na nakapatong sa kama ko. I stared at the bag blankly. Bumalik ang diwa ko nang biglang tumunog ang aking telepono, “Hello, tita?” Sinagot ko ang tawag. “Aadi, how are you? Dumating ka na ba sa Mortias? Ba’t hindi ka tumawag saakin?” I stood up and dried my hair using the towel. “Ah kasi po tita may dinaanan lang ako kanina. Natagalan kasi kumain pa ako don.” Sabi ko. Kumuha ako ng damit sa bag ko at isinuot ito. “Magingat ka diyan ah, ‘wag kang gumala kung saan.” “Tita, alam ko po. Wala namang mangyayari saakin dito.” I bit my lower lip. Honestly, hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya sa meeting o bukas o ‘di kaya sa susunod na mga araw. I have no assurance that my stay here will be smooth and blissful. “Oh sige, babalik na ako sa trabaho ko. Ingat ka, love you.” I smiled. “I love you po, magiingat din po kayo.” I placed my phone on the table. I stared at the paper bag. Gamitin ko kaya 'yung cards para malaman ko kung anong mangyayari sa meeting mamaya? Umiling ako at pilit na kinalimutan ang suhestiyon na naisip ko. “No, Aadi. Nag promise ka sa mama at papa mo na hindi mo na ‘yan gagamitin.” Sabi ko sa sarili. But they’re calling me. I walked towards its direction. Kinuha ko ang box sa loob ng bag at inilagay iyon sa lap ko. “It’s been a while,” I smiled and opened the box. “Okay, I’m not sure if I can still read this because it’s been fourteen years since I let my hands touch these cards again.” I moved the cards out from the box and place it in the bed. The sensation is really weird. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon lalo pa’t ako lang magisa sa silid ko habang hawak-hawak ko ang mga baraha. “Baka hindi na ‘to gumagana kasi matagal ko na ‘tong hindi ginagamit,” I sighed. I touched every card and tried to remember the times that I used it. “Okay,” huminga ako ng malalim, “Show me.” Isa-isa kong binuksan ang mga baraha. You will meet two man; the one who will give you hope while the other gives destruction. Death. “s**t,” I paused. Bakit ganito ang nakikita ko? Why is it so negative? I tried to put back all the cards to the box but my hands are shaking, I felt my knees weaken. I felt an excruciating pain in my body. I tried to stand and to get the water in the side table but I’m too weak. My vision is slowly getting blurry. Hindi ko makita kung nasaan yung cellphone ko, “Finn…” and everything suddenly went black. Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko, it’s a call. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at kinusot ito para mas maging malinaw ang paningin ko. “f**k, kalian ba ako nag-exercise? Ba’t ako nagkaroon ng muscle pain bigla?” I stretched out to get my phone on the table and answered it. “Hello?” My voice is still husky. “Hello, Aadi? Si Rica ‘to. Paparating ka na ba sa venue ng meeting natin?” “s**t,” Tinignan ko agad ang oras sa relo ko, alos dos na ng hapon. I was out for almost four hours. “Yes, paparating na ako. I’m sorry may dinaanan lang ako saglit, Rica.” I told her. Tumayo ako at kinuha ang bag ko. “Masakit.” Hinawakan ko yung leeg ko. Lumabas ako sa hotel at dumiretso sa parking lot. May nadaanan akong lalaki na kasalukuyang inaayos yung sasakyan niya. Kawawa naman siya. Unfortunately, I’ve no time to help him. Late na ako sa meeting namin at nakakahiya ‘to. Nagmaneho ako papunta sa venue ng meeting. Nadaanan ko ang mabilis na ambulance na papunta sa opposite direction, “Saan kaya 'yung emergency?” sumunod ang mga police sa ambulance. “I’m sorry for being late.” I told them pagkapasok ko sa restaurant. “Aadi! I’m glad you’re finally here.” Tumayo si Rica at lumapit saakin. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya ibinalik ko rin sakanya ang ginawa niya. It’s really awkward, some of the people inside the room were actually my classmates in high school. I just smiled at them at umupo sa bakanteng silya. “So ayon na nga, tinawagan na nila yung pamilya ni Ma’am.” Sabi nung dati kong kaklase. May pinaguusapan sila na hindi ko maintindihan dahil kakarating ko lang at ‘di ako nakasunod. “Rica, sino bang pinaguusapan nila?” Bulong ko kay Rica. “Si Ma’am Sy,” Aniya, “Nakita kasi siyang duguan sa labas ng bahay nila. Nakakalungkot nga e.” “Ano? Patay na si Ma’am Sy?” Halos malaglag yung panga ko sa gulat. Kakakita ko lang kay Ma’am kanina tapos malalaman ko ngayon na namatay siya. “Oo, nakakatakot nga e, sino kaya yung sumaksak sa kaniya at hindi na naawa sa matanda.” Sabi ni Rica. “Alam n’yo, hindi ko na maintindihan ang mga tumatakbo sa utak ng mga tao rito sa Mortias. Kung sino-sino nalang yung pumapatay at pinapatay.” “Ano’ng ibig niyang sabihin, Rica?” “Last week kasi may mga namatay din. Hindi pa rin nahahanap kung sino yung pumapatay sa mga biktima, napaka incompetent naman kasi ng mga nasa awtoridad.” Sagot niya. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Nakausap ko pa kasi si Ma’am Sy kanina, paano kung tanungin nila ako? Paano kung gawin din nila akong suspect sa nangyari? s**t! “You know what, I want to leave this place. Nakakatakot na kasi.” Sabi nung isang babae sa dulo ng table. Huminto ang lahat sa mga ginagawa nila at kinain ng katahimikan ang buong silid. “Let’s not talk about that, okay? Nandito tayo ngayon para pagusapan ang nalalapit nating reunion. Cheer up guys, we’ll visit Ma’am Sy later. For now, we need to discuss about this.” Sabi ni Rica at itinaas ang kopya ng invitation at program na ginawa niya. Bumalik yung sigla ng mga tao sa loob ng silid, lahat ay nagbigay ng komento at opinion para sa ikakaganda ng event habang ako naman ay tahimik lang na nakaupo sa aking silya at nakikinig sa kanila. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang t***k ng puso ko dahil sa aking nalaman, as a matter of fact gustong-gusto kong malaman kung anong oras siya namatay at kung sino ang nakakita sa naturang krimen kung meron man. I hope there’s one. “Desserts?” Tanong ni Rica sa’min. Ipinahanda na niya ang mga inorder niyang desserts at ipinahatid sa table namin. Sa pagkakaalam ko manager na ng isang bangko si Rica ngayon kaya sinagot na niya yung bill namin sa meeting na ‘to. “What do you think, Aadi? Okay lang ba yung catering na pinili natin para sa event?” One of our batch mate asked me. Napansin niya ata na hindi na ako nakikinig sa diskusyon. “Ah yes, I think it’s fine.” Sabi ko. “Buti naman kung ganon, ‘di kasi kita naririnig na nagsasalita akala ko na pipe kana.” And everyone burst into laughter. “Kidding!” Sabi niya. “I’m sorry, Aadi.” Bulong ni Rica. “It’s okay, masama lang talaga yung pakiramdam ko kaya hindi ako makapagbigay ng magandang ideas.” “Speaking of Aadi, buti nakapunta ka rito ngayon. Ilang reunions na kaya ang na missed mo and to think ikaw pa yung top sa batch natin. To be honest, I was expecting too much from you but I guess I was wrong.” Sabi ulit nung babae. I looked at her and tried to remember her name, his face is quite familiar. “I know that you’re wondering kung sino ako kasi you forgot about me. I mean you forgot everything about Mortias. I’m Kaye, class 1-B.” Class 1-B? Ibig sabihin magkaklase silang dalawa. I smiled at her, wala rin naman ako sa mood makipagusap sakanya. “’Di ba nasa class 1-A ka rin, Fuse?” Did I hear it right? Nandito si Fuse kasama namin? I looked at Kaye’s direction at nakita ko na nasa harap niya yung tinutukoy niya kaya sinundan ko ng tingin ang nasa harapan at hindi ako nagkamali, si Fuse nga ang nakita ko. Remember the stupid-bully? His name is Fuse and he is here with us. I can’t believe I’m actually working in a team with him and Kaye. “Nice to meet you again, Aadi.” Sabi niya. Hindi ko siya nakita agad kanina pag pasok ko at sobrang distracted ako sa nangyari kay Ma’am kaya hindi ko naisip na tignan lahat ng mga kasama namin sa team. “Same with you, Fuse.” Hindi ako bitter at gusto ko rin namang makipagayos kay Fuse pero hindi ngayon ang tamang panahon kasi hindi pa ako handa. Gusto kong magpatawad nang hindi pinipilit yung sarili ko. Hindi ko na sila pinansin pagkatapos non. Busy ako sa pakikipag-usap kay Rica dahil kailangan kong maliwanagan sa iba kong tasks para sa reunion. “So ‘yon na nga, dapat ma follow up mo na ang mga ‘to…” Her voice faded slowly and all I can hear is the voice in my head saying “Death”. “Aadi, are you okay?” “I-I’m fine. I just need some coffee and fresh air.” Sabi ko kay Rica. She looked worried pero alam ko sa sarili ko na sa mga pagkakataong ito, ako yung mas kinakabahan sa mga nangyayari. s**t! I shouldn't have read the cards. Kasalanan ko ang nangyari kay Ma’am Sy. Malas kasi ako. Tumayo ako at lumabas ng function room. Tinawag ko yung isa sa mga waiter at umorder ako ng kape. “One americano, please.” Pumwesto ako sa isang bakanteng table. Inayos ko yung buhok ko at ang damit ko. I look so terrible. “Here’s your coffee, sir.” Sabi nung waiter at inilagay yung kape ko sa table. “Thank you.” Ilang minuto rin akong nanatili doon sa labas bago ko naisipang pumasok sa loob. Sobrang bigat kasi nung nararamdaman ko ‘pag nasa loob ako ng function room. Hindi ko rin naman feel 'yung mga tao sa loob kaya minabuti ko nalang na lumabas at bumalik sa loob ‘pag maayos na 'yung pakiramdam ko. “Okay na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni Rica nang umupo ako ulit sa silya ko. They’re now discussing about stuffs like decors and assigning people for logistics. Ako naman umupo lang doon at nakinig, as usual. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko and I was surprised when I saw messages from tita and Grace. Sabi ni tita may pumunta raw sa bahay namin at hinahanap ako. Si Grace naman ay nangangamusta lang saakin. I decided to reply to their messages later pagkabalik ko sa hotel and for now, focus na muna ako sa meeting. Nang ma-realized ng team na okay na ang lahat, naisipan nilang i-adjourn ang meeting. “Aadi, aalis ka na?” Tanong ni Rica. “Oo, may gagawin pa kasi ako sa hotel. I’ll contact these people as well.” “Hindi ka na sasama saamin sa police station? We wanted to know about what happened to Ma’am Sy.” “No, I’m okay. I’ll ask you nalang about what happened, kailangan ko pa kasing magpahinga napagod ata ako sa byahe.” “Ikaw bahala,” Kinuha niya ang bag niya sa table at bago siya umalis tumingin muna saakin, “By the way, you’ll meet the one who you’re looking for tomorrow. Alam kong excited kana na makita siya. Siya rin. Anyway, I’ll be going na. Good bye, Aadi.” Siya? Sinong tinutuokoy niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD