Chapter 6

2112 Words
I went straight to the hotel. I changed my clothes and sit in front of my laptop to check my mails. “Sino kaya yung gumawa sakaniya non? Wala naman ata akong kasalanan sa nangyari. Baka coincidence lang yung mga nangyari.” Pinaniwala ko ang sarili ko na wala akong kasalanan. Para kasi saakin, kasalanan ko ‘pag may mga taong malapit saakin na napapahamak. It’s because I bring misfortune to people. I was born to bring misfortune and now I’m giving it to undeserving ones. I tried to scan the list of names that I need to contact and I didn’t see Finn’s name on it. Hindi ba siya pupunta? I sighed. “Aadi, si Finn na lang yung iniisip mo lagi. Stop thinking about him because he doesn’t care about you.” I told myself while facing in the mirror. It should be a realization for me, wala akong tunay na kaibigan sa mundo. All I have is my work and my loving tita who never failed to support me. I’m contented, I guess. “Thank you so much, have a great day!” I sighed. Placing a highlight mark on the last name in the list, I stretched my arms. It’s exhausting. Talking to people is exhausting, for me. I’d rather face a bunch of excel files than drown myself with frustration because of this job. Tumayo ako at binuksan ang sliding door papunta sa balcony. The city lights are calling out for me. It must be a good time for me to visit my favorite places here in Mortias. Maaga pa naman at sigurado akong walang maghahanap saakin sa araw na ‘to. Tita won’t know about this so I’ll be fine. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko, isinuot ko ang jacket ko at lumabas ng room. I decided not to bring my car with me kasi alam kong mas magi-enjoy ako na gumala ‘pag naglalakad ako. “Just like the good old days,” I whispered as I stared at the stores and stalls in the street. Namangha ako dahil nandito pa rin sila sa dati nilang puwesto. I smiled at the girl selling cotton candies. “Hello, mukhang pamilyar ka saakin. Kilala ba kita?” She asked. I shrugged and said, ”I’m sorry, but you must have mistaken me for someone else. I’m new here.” I smiled at her. “Baka nga. Gusto mong bumili?” “Opo,” I handed over my money to her at binigyan niya ako ng cotton candy, “Thank you.” I walked away, smiling. The bell tower, madalas akong bumibisita sa lugar na ‘to. Itong lugar na’to 'yung naging saksi sa lahat ng mga kalungkutan ko, those problems that I can’t say to tita and even to my ‘friend’ in school. Ayaw ko lang na pagod sila kakapakinig sa mga drama ko so I kept it all to myself. “f**k!” Bulaslas ng isang lalaki nang mahulog 'yung mga at canvas na dala niya. “Here,” lumapit ako at tinulungan siyang pulutin yung mga nahulog sa daan, “Let me help you.” “Salamat ah,” Sabi niya. I can barely see his face kasi nakasuot siya ng sombrero, shades at mask. Where’s the sun? Natatawa ako sa iniisip ko. Baka allergic siya sa usok ng mga sasakyan o sa tao. “Ang dami mo namang dala. Are you sure you’re okay? Saan ka ba pupunta?” Tanong ko. Nakikita ko kasi na nahihirapan na siya sa dami niyang dala. Hindi naman siya octopus pero bilib din ako kasi nahahawakan niya lahat. “Okay lang, doon lang naman ako sa kanto. Nandoon kasi 'yung sundo ko.” Aniya. “Huh? May sundo ka pala, bakit hindi mo pinapunta rito nang sa gayon ay hindi ka na mahirapan diyan sa mga dala mo?” Kinuha ko na yung ibang mga canvas at posters na dala niya. “Tulungan na kita, doon lang naman sa kanto e, malapit lang.” Sabi ko. “Talaga?” “Oo. Don’t worry, hindi ako manghihingi ng sahod. Baka patayin ako ng konsensya ko ‘pag iniwan kita kahit na kailangan mo ng tulong.” Nauna na akong naglakad sakanya. Tinuro niya kasi yung kanto kaya doon yung direksyon ng paglalakad ko. Tahimik lang kami na naglalakad, he’s a stranger who needs help kaya tinulungan ko siya, there’s no need for me to know everything about him kaya I decided to be silent. Nang marating ko na 'yung kanto na sinasabi niya saka ko nakita yung itim sa van mula sa malayo. “Dito na ba?” Tanong ko. “Opo.” He said. Tinignan ko yung paligid, bakit napatahimik ata sa lugar na’to? Wala atang food vendors and stall sa daan. “Hintayin nalang po natin na lumapit 'yung van dito para hindi na tayo mas lalong mapagod pa.” Sabi niya. Why do I have a bad feeling about this? Tumatayo 'yung mga balahibo ko habang tinitignan ko yung itim na van. “Nako, may pupuntahan pa pala ako. I almost forgot.” Ibinigay ko sakanya 'yung mga kinuha ko. “Sorry ah but I really need to go.” Nang masigurado ko na nahawakan na niya lahat ng gamit niya ay kumaripas ako ng takbo papalayo sakanya. Natatakot kasi ako pero hindi ko alam kung bakit ako natatakot. I found myself running away from the guy. Huminto ako nang makarating ako sa isang lugar kung saan maraming tao dahil kampante ako na walang mangyayari saakin ‘pag maraming tao. “Aadi, ano bang ginagawa mo? You’re putting yourself in danger.” I said panting. Yumuko at huminga ng malalim. Pumasok ako sa isang convenient store at bumili ng maraming bottled beer. Dinala ko ito pauwi sa hotel at ininom. “Wala na si Ma’am Sy,” I wiped my tears. “Sino na naman kaya ang isusunod mo?” I pointed the box. Was her death because of the box? But, if that’s the case edi sana matagal na siyang nawala dahil matagal nang nasa kaniya yung kahon. “So, I guess it’s me. Ako yung malas.”   “Yung ulo ko,” Nagising ko dahil sa sakit ng ulo ko, “I need pain-relievers. Mabibiyak ata yung ulo ko sa sakit.” Bumangon ako sa pagkakahiga ko at napansin ko ang iilang bote ng beer sa sahig. ‘Wag ka na umarte Aadi, kasalanan mo ‘to dahil uminom ka. I stood up and checked my mails, everything is fine. Nagreply naman 'yung mga batch mates ko at excited sila para sa reunion mamaya. Today is the big day at hopefully makakauwi na rin ako bukas. Ilang araw na rin kasi akong nandito sa Mortias para sa preparation at ilang gabi na rin akong lasing. I guess my liver is already cursing me inside. “Good morning, Aadi. How was your sleep?” Tumayo ako at uminom ng kape. “Okay lang po tita, masarap po yung gising ko kasi maaga akong natulog kagabi.” I lied, halos alas dos na ng madaling araw ako nakatulog kagabi at pinilit kong ubusin ang mga binili kong alak. “That’s great. Excited na ako para sa reunion n’yo mamaya. Have fun, okay?” “Yes po. I will.” She ended the call. Naligo ako at nagbihis. Bumaba ako sa café at kumain. Habang binabasa ko ang news paper, nakaramdam ako ng isang pares ng mga mata na nakatingin saakin. Tinupi ko ang news paper para makita ko ang nakatitig saakin, “You again?” I raised a brow at him. “Yes, good morning Mr. Sullivan.” Tumayo siya at pumuwesto sa harapan ko. “What do you want, Johnson?” I asked him. “You’re still calling me Johnson? Matagal na tayong magkakilala—” “Correction, three days. Three days pa lang.” I rolled my eyes at him. “Okay, three days. Three days na tayong sabay kumakain ng breakfast—” “Correction again, hindi tayo sabay kumakain ng breakfast. Hindi ko ginusto, ikaw 'yung lumalapit saakin ‘pag kumakain ako at I’m not that rude to say no to people. Tinitiis ko lang 'yung pinaggagagawa mo.” This guy is impossible! He’s been bugging me for three days now. It started the other day when I woke up drunk, and when I’m drunk, I’m usually talkative. It so happened na lasing ako at sumabay siya saakin kumain ng breakfast kaya nakausap ko siya. “Fine. Napakasungit. Okay, matagal na rin kaya yung three days. Can we like go to calling each other using our first names? Ako, okay lang naman ako kung tatawagin mo akong Blake, I’m Blake Johnson and you know that already,” Napakaingay niya talaga. I called the waiter and asked for my bill, “and you know what? I’m really happy today kasi natanggap 'yung manuscript ko sa isang publishing company…” Nagbayad ako at tumayo. “Teka,” hinawakan niya ako nang makatayo ako, “Saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos dito.” “Tapos na po akong kumain ng breakfast at aalis na po ako. So, have a great day. Excuse me.” Naglakad ako paalis. He reminds of someone I know in high school. Na saan na kaya ‘yon? Busy na ang lahat nang dumating ako sa venue, I decided to bring my clothes with me dahil alam kong pagpapawisan ako sa preparations. Everyone is doing their part and is moving. Ako lang 'yung nakatayo kasama si Rica at hinihintay siya na may iutos saakin. “Aadi, can you call Maricel? Tell her to remind the catering. Dapat nandito na sila before seven.” Tumango ako at tinawagan si Maricel, she’s from class 3-C. Sobra akong napagod sa pinagagagawa namin, may mga lapses during the preparation pero na-fixed naman namin kaagad ‘yon kaya hindi na kinakabahan si Rica. I decided to change my outfit as well, any moment now ay darating na yung mga batch mates namin at ayaw ko namang magmukhang basahan sa harapan nila. “Aadi, nice to see you.” Our former school principal approached me. “Hello, sir. It’s good to see you. It’s been a long time po.” Sabi ko. “How are you? Big time ka na ba ngayon? Nako for sure may sarili ka nang kompanya.” Pagbibiro niya. “Nako hindi po, having your own company takes a lot time and money. I’m still working in a business firm po in Locrasia.” Sabi ko. “Locrasia? Nako medyo malayo pala rito sa Mortias,” Hindi man niya sinasabi saakin, alam ko 'yung nararamdaman niyang disappointment saakin ngayon. I was prepared for this; I know that this day would come. I just want to face it now habang maaga pa. “Sige, it’s good to meet you. Pupuntahan ko lang yung ibang teachers.” Sabi niya atsaka siya umalis. “Jeez, so awkward.” Bulong ko. “Aadi!” Narinig ko na tinawag ako ni Rica kaya tinignan ko siya. “Yes? Do you need something?” I asked her. She looked at me excited and she giggled when she told me, “Do you want to meet that person, now?” “That person?” Nadala ata ako sa job ko kaya nakalimutan ko na yung unanswered question ko kay Rica about the person who wanted me to be part of the working team. “Ah, I remember na! Of course, I want to meet the person you’re referring to para naman makapagpasalamat ako sakanya.” I said. “Nandito na siya,” Hinawakan ni Rica ang magkabilang balikat ko at iniharap sa taong sinasabi niya. “Ikaw?” “Hi, Aadi.” “Aadi, I’m sure naman na naaalala mo pa si Alfred. Yung kaibigan mo.” Sabi ni Rica. I stared at him. “Of course,” I told her. “Sige ha, aalis na muna ako. I need to go find my friend. Aadi ikaw na ang bahala kay Alfred ha.” Tumango ako kay Rica bago siya umalis. “Hey,” aniya. “Hey. You’ve changed, a lot.” Naiilang ako habang kaharap si Alfred. Hindi ko maikakailala ang malaking pagbabago sakanya, from his looks to his perfectly built body at sa kanyang maputing balat. He didn’t look like this before. “Hindi naman, sakto lang.” He smiled at me. “Sige, dalhin na kita sa table mo.” Sabi ko sakanya. Naglakad kami papunta sa table niya. “Salamat pala sa referral ah, I wouldn’t be here without you.” “Actually, gusto talaga kitang makita. Ilang reunions na kasi 'yung dumaan pero hindi ko nakita si Aadi Sullivan. Now I’m happy because I finally saw you.” I stopped walking and faced him. “Ako rin. Masaya ako dahil nagkita ulit tayo, Alfred.” I smiled at him. “Na miss kita, Aadi.” “H-huh? Ano’ng sabi mo?” I asked. Iba kasi yung pagkakasabi niya ng mga katagang ‘yon. “Sabi ko, I missed you.” Bigla niyang hinawakan yung dalawang kamay ko. Nabigla ako kaya agad ko itong binawi mula sakaniya. s**t! Anong nangyayari? Bakit ganito makipagusap si Alfred sa akin? “Alfred, what are you doing?” I asked him. “Hinawakan ko lang 'yung kamay mo. What’s wrong with it? We’re friends, right?” Hindi ako nakasagot agad sa sinabi niya. “Oo naman pero kasi—” Napahinto ako nang biglang may nakabangga sa likuran ko at masubsob yung katawan ko kay Alfred. “Nako, I’m so sorry.” Sabi nung lalaki. Mabilis akong tumayo at humarap sa lalaki. “It’s okay.” Sabi ko. Tumalikod ako at humarap ulit kay Alfred. “Kasi Alfred iba yung pagkakabigkas mo sa—” “Inspector Carson, I’m happy to see you.” It caught my attention. I turned around to see him. “F-Finn?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD