Chapter 7

2730 Words
Chapter 7 Gio’s POV “Gio? Is that you?” Mabilis akong napalingon sa boses na pamilyar sa akin. Si Medusa. Ang babaeng makulit at ayaw akong tantanan noon. “Oh my God! Ikaw nga!” sambit niya pa habang patalon na yumakap sa akin. Huli na ang lahat dahil para suyang linta na nakakapot sa aking leeg. Gusto ko siyang sigawan pero maraming tao ang nakatingin sa amin. “Get off me,” mariin kong utos sa kanya habang nakangiti. Tumawa lang nang malakas si Rissa at lalo pang kumapit sa akin. “Come on! Ngayon lang tayo ulit nagkita. I’m single.” “I don’t f*****g care, Rissa,” malamig kong bulong. Napansin ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata at ang dahan-dahang pagkalas ng kanyang yakap. “Hindi ka na mabiro, ah,” komento niya habang hilaw ang mga ngiti. “Tss.” Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang ginawa niya sa akin. Lumipas man ang sampung taon, sariwa pa rin ang sugat ng nakaraan. “Stop acting like we were the same, Rissa. Maraming tao.” Kumunot ang kanyang noo. “May bago na ba?” may pait sa boses niyang tanong sa akin. Bumuntonghininga ako. “That’s none of your business,” malig kong sagot at nagpaumunang naglakad palapit sa aking sasakyan. “H-Hey!” mabulis niyang tawag at tumakbo palapit sa akin. “I’m free! Tour me around! I missed the group.” “And I am not free,” pairap kong sagot habang nakatalikod sa kanya. Binuksan ko ang sasakyan at inayos ang binili kong regalo. “What? Come on! Just this once, please? Gusto kong makita sina Nico,” paglalambing pa niya. Kumirot ang puso ko. Ganiyan siya maglambing sa akin noon lalo na kung may gusto siyang gamit o kaya ay pagkain. Bumuntonghininga ako. “O-Okay. Once,” sagot ko. Hindi ko na siya hinintay pa. Siya na mismo ang sumakay sa kotse ko. Naiinis ako. Bagong bili ko ang sasakyan na ito at hindi siya dapat ang nauuna na sumakay sa passenger side. Dapat si—. “Oh! Is this a gift. For someone ba?” tanong niya habang nakatingin sa maliit na paper bag. Hahawakan na sana niya ito nang pigilan ko ang kanyang kamay. Nanalaytay ang kuryente sa aking katawan kaya mabilis kong binawi ang aking kamay. Pareho kaming natigilan. Ngumiti lang siya sa akin. “Grabe ka naman mag-react. Nakakadiri bang hawakan ako?” tanong niya pero hindi siya tiningnan. “Don’t touch it.” “Okay, okay. I know,” nakangiti pa ring usal niya. Pinaandar ko ang sasakyan at dumiretso sa bahay ni Nico. Sa kanila naman talaga ako pupunta. Pagabi na rin kasi. Gusto kong makita si—. Napansin kong seryoso siyang nakatingin sa daan. “Are you okay?” wala sa sariling tanong ko. Huli na nang mapagtanto kong hindi ko na dapat ginagawa ang mga bagay na dati ay ginagawa ko sa kanya. I’m f*****g sending wrong signals! “Hmm. I’m good. Kinakabahan lang ako, hehe,” aniya. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik kaming pareho. Nagulat ako nang hatakin niya ang aking braso at dumikit lalo sa akin. Mabigat ang loob ko habang papasok kami sa mansion. Nananalangin na sana wala pa siya sa loob. Ayaw kong makita niya ang sitwasyon ko ngayon. Naiinis ako sa aking sarili pero—damn it! What should I do? “Hello, Manang Nuring!” kaagad na bati ng aking kasama kay Manang. “R-Rissa?” Kaagad pang nagyakapan ang dalawa habang si Rissa ay tumatalon sa tuwa. “Manang, na-miss ko po kayo! Kamusta na kayo?” “Ayos lang ako, Iha. Naku! Mas lalo kang gumanda, ah,” pakindat na usal ni Manang Nuring. “Naku, Manang. Mambobola ka pa rin, eh,” kinikilig na wika ni Rissa. Seryoso ko lang silang tiningnan. “Oh, siya. Dito na kayo maghapunan. Nasa office si Nico. Tumango lang at nauna na. “Wait! Sasama ako. Bye, Manang!” Narinig ko pa siyang tumakbo palapit sa akin. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking mukha. Parang sinabitan ng bunga ng niyog ang aking magkabilang pisngi sa sobrang pagkasimangot ng aking mukha. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto ngunit nauna ng pumasok si Rissa. Gulat pa kaming pareho nang tutukan kami ni Nico ng baril. “What the hell!” gulat niyang singhal nang makita ako. Saka pa lang niya napansin si Rissa na payakap na sa kanya. “I missed you!” “Hey! Hey! Hey!” awat ni Nico at pilit na inilalayo si Rissa sa kanya. “I’m married.” Mabilis na lumayo si Rissa. “Really? Congrats!” Nagpalinga-linga pa siya na animo ay hinahanap ang asawa ni Nico. Sakto namang pumasok si Samantha na salubong ang kilay. “Uy, Kuya Gio. Ikaw pala,” sabi ni Sam bago ako sinuntok sa dibdib. “O, sino iyang kasama mo?” pabulong niyang tanong sa akin. Nagkibit-balikat lamang ako. “Old friend.” Lumabi siya sa harap ko. “Lagot ka,” sabi niya na animo ay nananakot. Bigla tuloy akong kinabahan. Masinsinan kaming nag-uusap ni Nico tungkol sa misyon habang nagtatawanan sina Rissa at Samantha. Para silang matagal ng magkakilala. Napansin ko ang ilaw na nagmumula sa kalsada papasok sa driveway kaya sumikdo sa kaba ang aking puso. Nakauwi na siya… Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam ang gagawin. “Ayos ka lang?” Napaangat ako ng tingin nang marinig na nagsalita si Nico. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Tinanguan ko siya nang maintindihan ang kanyang tanong. Ang totoo ay nahihirapan akong huminga. Gusto ko ng tumalon palabas. What should I do? Ilang minuto lang ang nakalipas ay tumawag si Manang Nuring gamit ang intercoms. “Dinner’s ready.” Kaagad na tumayo si Nico kasunod sa Samantha. Inirapan niya pa ako nang dumaan silang dalawa sa harap ko. Pansin kong hindi niya nagustuhan na kasa ko si Rissa ngayon. Hindi ko alam kung bakit. “Let’s go! I’m sure masarap ang foods ngayon, hehe,” masayang wika ni Rissa at umangkla sa aking braso. Pinilit kong tinanggal ang kanyang kamay ngunit malakas siyang kumapit at ngumiti pa sa akin na animo'y nagsasabing hayaan ko siya. Ganoon na lamang ang panlalamig ng aking mukha nang una kong mapansin si Ellen. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Pansin ko ang pagbagsak ng kanyang mga balikat. She was disappointed in me. I know it. Alam ko sa mga tingin na ipinukol niya sa akin. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagbuntonghininga niya sa kanyang tabi bago umupo. Diretso lamang ang kanyang paningin sa kaharap na upuan. Doon ako pumuwesto upang makita siya. Hindi niya ako tiningnan. Nakapokus ang kanyang paningin sa kanyang plato. Kanina pa nagsasalita si Rissa pero wala sa kanya ang aking atensyon. Maging si Nico ay hindi ko naiintindihan ang kanyang sinasabi. “Are you okay?” untag na tanong sa akin ni Nico kalaunan. Aligaga akong bumaling sa kanya. Magkatabi kami. “H-Huh?” nagtataka kong tanong habang kunot ang noo. “I’m fine,” sagot ko nang hindi siya magsalita. Umiling-iling si Nico at nagpatuloy na sa pagkain. Narinig kong tinanong ni Samantha si Ellen kung kamusta siya. Pansin ko ring namumutla nga siya. “Ayos lang ako, Ate. Puyat lang ako, hehe,” sagot niya saka hilaw na ngumiti. “Kumain ka ng marami para makapagpahinga ka na. Mukhang may hindi magandang nangyari sa ’yo, ah. Hindi ka naman ganiyan.” “Oo nga,” sabat pa ni Manang Nuring na kasabay naming kumain katabi ang kanyang asawa. Pasimple kong tiningnan si Ellen. Gusto kong tumingin siya sa akin pero matapang siyang umiiwas. Sa kalahating oras na magkaharap kami, ni isang segundo ay hindi dumako sa akin ang kanyang paningin. Naiinis ako. I want her to look at me. To tell me whats wrong. “Goodness, Gio. Kanina ka pa tahimik,” biglang usal ni Rissa. Pansin kong tumaas ang kilay ni Ellen at kumibot-kibot ang kanyang bibig. “Tss,” sagot ko habang nakataas ang sulok ng labi. Nagulat pa ako ng tingnan ako ni Ellen ng isang segundo bago siya tumayo at nagsalita. “Mauuna na po ako sa inyo. Salamat po sa hapunan,” magalang niyang sabi bago tumalikod at naglakad na palabas ng kusina. Biglang nag-iba ang timpla ng aking mukha. Lalo along nainis. I want her back here. To sit beside me. But I can’t… because… Naiinis kong binalingan si Rissa na kanina pa ako kinukulit. “What?” “Ang sungit mo naman,” nakanguso niyang komento. Saka ko pa lang napansin na lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa. Huminga ako ng malalim upang ikalma ang aking sarili. “I’m going out. I need to breath,” paalam ko at diretsong tumayo. Susunod sana sa akin si Rissa pero tinawag siya ni Nico at pinigilan. Tama lang. Dahil baka sasabog ako sa inis kapag sumunod pa siya. Wala namang masama. May pinagsamahan kami—noon. Dumiretso ako sa garden at bumunot ng sigarilyo sa kaha. I lit my lighter as I held the cigarette in my lips. Natauhan ako at naisip na baka ayaw niya ng bisyosong lalaki. Buntonghininga ko itong tinapon sa lupa bago tumingala. Napansin ko ang liwanag sa kanyang kuwarto. Ilang minuto akong nakatitig doon hanggang sa namatay ang ilaw. I forgot something. My little gift for her. Kaagad akong bumalik sa aking sasakyan at bumalik sa kinatatayuan ko. Tumingala ulit ako at nagsimulang umakyat sa pader. Patalon-talon ang aking mga kamay sa maliit na puwang ng pader hanggang sa narating ko ang balkonahe ng kuwarto. Tahimik sa loob. Mukhang tulog na siya. Dahan-dahan akong sumilip sa bintana. “s**t!” tahimik kong sigaw nang mabangga ang aking noo sa salamin ng bintana. Kaagad kong natakpan ang aking bibig at mabilis na nagtago sa mas madilim na parte ng balkonahe. Narinig kong may naglalakad sa loob palapit sa kinaroroonan ko. I held my breath tightly. Hindi niya ako makikita. Bumukas ang pinto at sumilip si Ellen. Para akong gagamba na nakakapit sa pader. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos kong marinig ang pagsara ng pinto at ang pagkawala ng ilaw. Kumalat ang dilim. Dahan-dahan akong bumalik sa balkonahe. Hawak ko ang aking baywang. Nananakit na ito. Bababa na sana ako nang mapagtanto kong nawawala ang regalong dala ko. Nanlaki sa gulat ang aking mga mata. “s**t! Where did I dropped it?” namomroblema kong tanong sa aking isipan. Wala ako sa sarili pagkababa. Nasa b****a ng pintuan nag-uusap sina Rissa kasama sina Sam at Nico. Mukhang ako lang ang hinihintay nila “Oh, he’s here. Aalis na kami,” kaagad na wika ni Rissa. Humalik muna siya sa pisngi ni Sam at Nico saka nakangiting naglakad palapit sa akin. “Let’s go. Uuwi na tayo.” “No. I’m not going with you,” malamig kong sagot. “I know. Ano ka ba? You can drop me sa labas. I booked a cab,” sabi niya. Tinanguan ko lang si Nico at Sam at naglalakad na kami palabas ng mansion. Pansin ko ang malamig na titig sa aking likuran kaya tumingala ako at nilingon ang bintana. May pigurang nakatayo sa bintana. Buntonghininga kong tinanggal ang kamay ni Rissa at nagpaumunang naglakad palapit sa aking sasakyan. Nagulat ako nang biglang tumawa si Mang Ernesto na iginagarahe ang sasakyan. “Grabe, Sir Gio. Nagmukha po mayong gagamba kanina, hehehe.” Natigilan ako at nagtataka siyang tiningnan. Saka ko pa lamang naalala ang ginawa ko kanina. Biglang nag-init ang aking pisngi. “Huwag kang mag-alala. Ligtas ang sikreto mo sa akin,” pakindat niya pang sabi kaya nakahinga ako ng maluwag. Tunango na lang ako at pumasok na sa loob. Hinintay ko munang pumasok si Rissa at wala na ang ngiti sa labi bago ko pinaandar ang sasakyan. Paglabas ng teritoryo nina Nico ay may naghihintay na sasakyan kay Rissa. Kaagad siyang lumabas ng aking sasakyan. Nagpasalamat at umalis na. Sa buong oras ay wala sa kanya ang atensyon ko. Ewan ko. Basta hindi siya ang hinahanap ng puso ko. Pinaharurot ko ang sasakyan hanggang sa marating ko ang pamilyar na bar. Pumasok ako at dumiretso sa counter. I asked for a hard drink. Gusto kong malasing. Namomroblema ako. I can’t tell Ellen what I feel. It doesn't feel right. It feels… “Kuya?” Hindi ko pinansin ang boses ni Venice sa aking likuran. Nakaupo ako sa stool sa harap mismo ng Bartender. Tinapik niya ang balikat ko. “I can’t believe you’re here, Kuya. I thought nasa bahay ka lang.” Umupo siya sa tabi ko. “And what is that outfit? Bakit ang gulo rin ng buhok mo? My goodness, Kuya! Fix yourself naman,” aniya. “Stop being nosy,” angil ko. Inis siyang tumayo. “Hmp! Sige, uminom ka pa. Uminom ka at umiyak! Kainis ’to!” singhal niya at iniwan ako. Nilingon ko siya upang tawagin pero malayo na siya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy sa pag-inom. Nagsisimula na ring sumasayaw ang aking paningin. Nasapo ko ang aking noo nang nakaramdam ako ng pagkahilo. “S-Sir? Are you okay?” rinig kong tanong ng Bartender sa akin. Nag-angat ako ng paningin saka tumango bilang sagot. Hinilot-hilot ko ang akong sentido. “S-Sir?” “I’m good,” mabilis kong sagot. Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng tapik sa aking balikat. Nilingon ko ang may gawa. Si Draken pala. “Venice called me,” pagbibigay-alam niya sa akin. Napangiwi ako. “Why?” Umupo siya sa tabi ko at umorder ng hard drinks. “Well, ang sabi niya ay mukha ka raw broken hearted kaya samahan daw kitang uminom. Pinagalitan mo raw, eh,” mahabang litanya ni Draken bago nilagok ang isang kopita ng alak. Napangiwi ako lalo saka bumuntonghininga. “I was just… it’s nothing,” usal ko. Wala akong masabi. Hindi naman ako broken pero parang masakit ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. My mind was clouded with this mysterious feelings. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. It can’t be true… this can’t be real… Bumuntonghininga ulit ako. I can’t believe I’m feeling this way. “What’s wrong, Gio? Hindi ka nagkakaganito kung wala kang problema,” rinig kong usal ni Draken. Nilingon ko siya ngunit wala akong masabi. I closed my mouth. “Ugh! I don’t know.” “Are you in love?” Napalingon ako kay Draken dahil sa kanyang tanong. “In love ka na nga, Bro,” seryosong saad niya. “W-What? What are you blabbering about?” “Tsk! Maang-maangan ka pa.” Nagsalin siya ng alak sa kopita. Talagang isang botilya ang binili niya. Halos maliyo ako. “Ayan. Uminom ka. Pag-usapan natin ang problema mo,” sabi niya bago binigay sa akin ang kopita. “What do you mean?” naiinis kong tanong. I don't want to talk about her. Dinuro niya ang noo ko. “Hoy, Gio!” “Bwisit ka!” Muntik pa akong mahulog. “Umayos ka nga!” singhal ko. “Anyway, who is this woman?” “She’s a lady.” Gulat niya akong tiningnan. “What the hell?” Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ka ba? My goodness! Ang tapang mo naman.” Bumuntonghininga ako. “I-I’m… I don’t know. She’s exceptional. Siya lang ang babaeng lakas-loob akong sinuntok sa mukha. I can still feel her fists on my jaws.” Malakas na tumawa si Draken. “What the hell! Unbelievable!” “Alam ko, Tanga!” “Gago!” Tumawa na naman siya. “So, dahil doon ay nagustuhan mo siya? Pambihira nga talaga.” Naiinis ko siyang tiningnan. “Ewan ko sa ’yo. Lalo lang akong nahihilo dahil sa ’yo, eh.” “Hindi. Hindi ’yan dahil sa akin. Siya ang dahilan niyan, hindi ako.” Nangalumbaba ako at tumitig sa kawalan. “I don’t know what to do.” “Hay, naku. Wala bang sabit?” tanong niya. “Mayroon. May Kuya, eh.” “Ikaw nga, kuya na rin, eh. Hahahaha!” “Gago!” Binatukan ko siya. “Seryoso ako.” “Wala akong sinabi.” Inasar lang niya ako nang inasar kaya lalo lang akong namroblem sa kanya. Nilasing niya ako kaya wala na akong maalala. Ang alam ko, nakauwi ako nang ligtas sa aking sariling bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD