Chapter 6

1435 Words
Chapter 6 Ellen's POV Ilang araw na ang nakalipas simula nang sabihin ni Kuya Gio kay Eren na boyfriend ko siya. Ilang araw na rin akong iniiwasan ni Eren. Galit siya sa akin. Ang sabi ko kasi sa kanya noon na hindi muna ako magno-nobyo dahil pag-aaral ang aatupagin ko pero dahil kay Kuya Gio ay nagbago ang paningin niya sa akin. Sinabihan pa niya akong sinungaling. Nasaktan ako pero wala na akong magagawa. Natutuwa rin ako dahil kahit papaano ay tinantanan niya ako. Hindi na niya ako ginugulo ngayon. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Kuya Gio. Hindi rin siya nagpaparamdam. Hindi ko tuloy alam kong totoo ba ang sinabi niya o baka naman ginawa niya lang ang bagay na iyon upang lumayo sa akin si Eren. Ayos lang naman sa akin pero… “Ayaw kong pinaglalaruan ako.” “Huh?” Gulat kong nilingon si Stella na katabi ko ngayon sa isang coffee shop. Kunot-noo ko siyang tiningnan. “B-Bakit?” “Anong bakit? Ikaw nga riyan bigla na lang nagsasalita. What do you mean, ayaw mong pinaglalaruan? Who played you?” sunod-sunod niyang tanong. Mabilis akong nagtakip ng bibig dahil sa gulat. Narinig ko pa ang mahinang bungisngis ni Mika na kaharap namin. “Stressed ka yata dahil sa pag-ibig,” komento pa niya. “Malakas ba ang pagkakasabi ko?” gulat ko pa ring tanong. Sabay silang tumango. “A-Akala ko kasi nasa isip ko lang,” dagdag kong sabi. “Sa sobrang pag-iisip mo ay nasabi mo kaagad,” kantiyaw pa ni Stella. Nahihiya akong nagtungo ng ulo. Buntonghininga kong pinagalitan ang aking sarili. Hindi ko masabi sa kanila ang totoong nararamdaman ko. Hindi puwede dahil… hindi kami puwede ng taong napupusuan ko. Alam naming dalawa iyon. Pero… pareho ba kami ng nararamdaman? Huminga ako nang malalim saka ngumiti sa mga kasama ko. “Hay, stressed lang siguro ko.” “We know,” sang-ayon ni Stella. “Pero nasobrahan ka na yata dahil lutang ka na,” dagdag niya pang wika. Tumawa na naman si Mika. “Hayaan mo siya, Stella. Ganiyan ka rin noon,” kantiyaw ng kaibigan. Natawa ako. “Tama na ang kulitan at tapusin na natin ang dapat tapusin.” “Ayaw ko. Hindi ako papayag na maghihiwalay tayo,” pagdadrama pa ni Stella kaya nagtawanan kami ni Mika. “Baliw!” sabay naming sambit. Naghiwa-hiwalay kami pagkatapos ng ginawa namin. Umuwi na rin ako dahil wala naman na akong gagawin. Sumikdo ang aking dibdib nang mamataan ko ang pamilyar na motor na nakaparada sa labas ng mansion ni Kuya Nico. Biglang bumilis ang t***k ng aking puso at wala sa sariling napangiti. Bigla akong nakaramdam nang pagkasabik na makita siya. “Kuya Baji, may bisita ba tayo?” kunwari ay tanong ko sa driver ko. Tumango si Kuya Baji. “Oo. Kay Sir Gio ang sasakyan na ’yan,” nakangiting sagot ni Kuya Baji. Hindi na ako nagsalita at mabilis na bumaba ng sasakyan. Nagpasalamat ako kay Kuya Baji at kaagad na pumasok sa mansion. Pasado ala-sais na ng gabi. Mabuti na lang at maaga naming natapos ang report dahil makikita ko si Kuya Gio. Kamusta na kaya siya? Ano na kaya ang itsura niya? Kinikilig ako habang iniisip ang kanyang mukha na gustong-gusto kong hawakan. Ngiting-ngiti ako kahit hindi ko pa siya nakikita. Mukhang nasa opisina siya ni Kuya Nico kaya mabilis akong umakyat sa kwarto at nagbihis. Bumaba ako sa kusina at tinulungan si Manang Nuring sa paghanda ng hapunan. “Mukhang may nangyaring maganda ngayong araw,” komento ni Manang Nuring. Ngumiti ako. “Wala naman po, Manang. Katatapos lang ng exams namin,” sagot ko. “Talaga? Nagawa mo naman ba nang maayos?” “Siyempre naman po! Pagalitan ako ni Kuya Gio-este-Nico kapag palpak ang grades ko, hehe,” sabi ko at pilit na tumawa. “Hmm… mukhang masaya ka nga. Sino kaya ang dahilan?” panunuksong tanong ni Manang habang may makahulugang ngiti sa kanyang labi. “W-Wala naman po,” utal kong sagot. “Hmm?” “M-Manang,” angil ko dahil kanina pa siya nakangiti sa akin. Tinawanan niya ako. “Bakit? Wala naman akong sinasabi,” natatawa niyang wika. “Kanina pa po kasi kayo nakangiti, eh,” sabi ko. Lalo lang tumawa si Manang. “Bakit? Inaano ka ba ng mga ngiti ko, ha?” “W-Wala naman po.” Tumawa siya dahil sa sagot ko. “O, siya. Ihanda mo na ang hapag dahil kakain na tayo.” Mabilis akong tumalima at ginawa ang inuutos sa akin. Pagkatapos ay pumasok ulit ako sa kuwarto upang magbihis dahil pinagpapawisan ako. Paglabas ay naririnig ko ang matinis na boses galing sa opisina ni Kuya Nico. Biglang kumunot ang aking noo. Kakaibang kaba ang naramdaman ko. Hindi maipaliwanag na kaba na para bang hindi ko magugustuhan ang mangyayari. Gayunpaman ay pumasok ako sa kusina na wala sa sarili. Malamya ang mga kilos ko at nagbago rin ang timpla ng emosyon ko. “Ano ang nangyari sa ’yo?” nagtatakang tanong ni Manang Nuring. Pilit akong ngumiti kahit na dinadamba ng kaba ang aking dibdib. “W-Wala po. Napagod lang po siguro ako,” sagot ko. Tumango-tango lang si Manang Nuring. Pilit ulit akong ngumiti nang marinig ang boses ni Kuya Nico at Ate Sam na may kausap at nagtatawanan sila. Nakangiti ako habang hinihintay sila na pumasok. Ganoon na lamang ang pagkawala ng aking ngiti nang unang pumasok si Kuya Gio katabi ang babaeng naka-angkla sa kanyang mga braso. Dikit na dikit sa kanya ang babae. Napalitan ng inis ang aking nararamdaman. Bigla akong nanghina. Huminga ako ng malalim bago umupo sa aking upuan. Wala akong tiningnan kahit kanino sa kanila. Tumabi pa sa akin si Ate Sam at binati ako pero hindi ako sumagot. Parang pinilipit sa sakit ang aking tiyan at puso. Sakit na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Sakit na hindi ko alam kung ano ang lunas. Basta ang alam ko, nasaktan ako. Umasa at nabigo. “Ayos ka lang?” pabulong na tanong sa akin ni Ate Sam. Tumango ako dahil wala akong ganang magsalita. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap tungkol sa mga negosyo nila. Ramdam na ramdam ko ang mga tinging ipinukol sa aking ng isang tao. Gustong-gusto kong salubungin ang kanyang paningin ng mga tanong pero hindi ko ginawa. Kailangan kong labanan ang tukso. Nanatiling nakatutok sa plato ang aking paningin. Napapansin ko ring parang nawala sa sarili si Kuya Gio dahil ilang beses siyang tinatanong ni Kuya Nico pero wala siyang maisagot. Animo ay naglalakbay ang kanyang isipan. “Ellen. Ellen!” Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses ni Kuya Nico. “I’ve been calling you. Are you okay?” nag-aalala niyang tanong. Mabilis akong tumango. “O-Opo!” utal kong sagot. “Ayos lang po ako.” “Ang putla mo, Ellen,” komento ni Ate Sam. Ngumiti ako ng pilit. “Katatapos lang po kasi ng exam namin. Luyat lang po ako,” sagot ko. “Ganoon ba? Sige, kumain ka pa ng marami para makapagpahinga ka ng maaga,” ani Ate Sam. Alam kong nakatitig sa akin si Kuya Gio pero hindi ko siya tiningnan. Hindi puwede. Kasama niya ang girlfriend niya. Kaagad akong nagpunas ng aking bubig na nagpaalam na mauuna na sa kanila dahil inaantok na ako. Totoong napagod ako pero hindi ako inaantok. Nagagalit ako sa aking sarili dahil umasa ako sa isang salitang walang katotohanan. Lalo akong nainis dahil sa babaeng kasama niya. Nakakainis. Nagseselos ako pero wala akong magawa. Dahan-dahan ang ginawa kong pag-akyat sa aking kuwarto. Pakiramdam ko ay napagod ang buo kong katawan. Pinakiramdaman ko ang aking sarili habang nakahiga ako sa aking kama. Nakatitig lang ako sa kisame. “Ano na ang gagawin ko ngayon?” tanong ko. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Gusto kong bumangon pero mabigat ang katawan ko. Para bang dinaganan ako ng isang sako ng semento. Pilit akong bumabangon pero hindi ko magawa. Mabilis akong napalingon sa madilim na balkonahe ng aking kuwarto nang may maaninag akong gumalaw. Kunot-noo ko itong tinitigan dahil wala akong nakikita. Parang anino ng tao. Napangiwi ako. “Guni-guni ko lang siguro iyon,” sabi ko sa aking sarili. Mabilis kong nayakap ang aking sarili nang may kumalampag doon. Narinig ko pa ang salita ‘s**t!’ kaya lalo akong kinabahan. Kaagad akong bumangon at binuksan ang ilaw saka dire-diretsong naglakad palabas ng balkonahe. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas. Walang tao. Isasara ko na sana ang pinto nang may mahagip ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD