Chapter 3
Ellen's POV
“Mag-aaral ka.”
Gulat akong napatingin kay Kuya Nico nang magsalita siya. Nasa hapag kami at kasalukuyang kumakain.
“P-Po?”
Tipid siyang ngumiti sa akin habang ngiting-ngiti naman si Ate Samantha. “Sasamahan ka ni Manang Nuring. Magpapa-enroll ka ngayon,” anunsyo ni Kuya Nico.
Napamaang akong napatitig kay Kuya Nico. Hindi ako makapaniwala sa narinig. “P-Pero—”
“Don't worry. Ako ang magbabayad ng tuition mo,” putol niya sa sasabihin ko. “Ang kailangan mo lang gawin ay ang mag-aral ng mabuti.”
“Grab mo na ’yan, Ellen. Sigurado naman akong matalino ka,” nakangiting saad ni Ate Sam.
“Saan ka ba nag-aaral?” tanong ni Kuya Nico.
“Sa Saint Theresa College po,” sagot ko.
“Do you want to transfer school?” Sandali akong natigilan at nag-isip. Umiling ako bilang sagot. “Why?” tanong ni Kuya Nico.
“W-Wala lang po. Hindi naman po importante kung anong paaralan ang pinapasukan ko,” seryoso kong sagot.
“Tama, tama,” pagsang-ayon ni Ate Sam sa sinabi ko. “So, ano, mag-aaral ka ulit? Si Kolas naman ang magbabayad kaya ayos lang.”
Sabay kaming napalingon ni Kuya Nico sa kanya. “K-Kolas?” gulat kong tanong sa kanya.
“Oo, bakit? Mas maganda kasi ang Kolas, eh,” rason pa ni Ate Sam.
“Para naman akong matanda niyan,” reklamo ni Kuya Nico.
“Huwag ka na lang magreklamo. Hindi naman mababawasan ang kagwapuhan mo,” ani Ate.
Tumawa ako nang mahina. “S-Sorry po,” saad ko nang mapansing masama ang tingin ni Kuya Nico. Pinandilatan ko ng mata si Ate Sam. “Bakit naman po ganoon ang pinangalan mo kay Kuya Nico? Pang-matanda, eh.”
“Ayos lang 'yon. Wala na siyang magagawa, hehe,” sagot ni Ate sa akin.
“Just eat your food. Aalis kayo ngayon,” basag ni Kuya Nico.
Kaagad akong sumunod at pagkatapos ay umakyat na ako sa aking silid. Nakahanda na rin ang aking susuotin. Pagbaba ko ay naroon na sa sala naghihintay si Manang Nuring. Kaagad siyang tumayo nang manataan akong pababa ng hagdan. Ngumiti ako sa kanya. “Alis na po tayo,” magalang kong sabi.
“Handa ka na ba?” nakangiti na tanong sa akin ni Manang.
Tumango ako. “Opo. Excited na po akong mag-aral ulit,” kuwento ko pa.
Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming naglakad palabas ng mansyon. Nasa b****a pa lang kami ng pintuan nang may bumaba sa nakaparadang sasakyan. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makilala ang lalaki.
Taranta kong inalis ang kamay ni Manang Nuring. “M-Manang, m-may nakalimutan po ako,” mabilis kong sabi sabay talikod at naglakad palayo. Naghahanap ako ng lugar kung saan puwede akong magtago.
“Good morning, Manang. Who’s that?” rinig kong tanong ng lalaki.
“O, Gio, magandang umaga rin sa ’yo. Si Ellen 'yon. Bagong iskolar ni Nico,” magalang na sagot ni Manang.
Kaagad akong pumasok sa bandang kusina at nagtago sa may pintuan. Nakasilip ako sa maliit na siwang at pinanood na mag-usap ang dalawa.
Gio ang pangalan niya? Tss. Guwapong-guwapo pero walang pera. Hmp! Paano na lang kapag nakilala niya ako? Ano ang gagawin ko?
Kagat-kagat ko ang aking kuko. Hindj ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung malulusutan ko siya ngayon lalo na at parang may hinihintay siya. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang pababa na ng hagdan si Kuya Nico. Nag-usap ang dalawa at sabay na lumabas ng mansyon.
“Hay, akala ko naman,” bulong ko pa.
“Hoy!”
“Ay, butiki!” malakas kong sigaw nang kalabitin ako ni Ate Sam. Nagugulat ko siyang nilingon. Nakamaang siyang nakatingin sa akin habang kumakain ng ice cream. “Ate naman! Muntik ng lumipad ang kaluluwa ko dahil sa gulat,” reklamo ko.
“Bakit nandito ka pa?” nagtataka niyang tanong. “Kanina ka pa hinihintay ni Manang. Saka bakit ka ba nagtatago? Sino ba ang sinisilip mo?” takang tanong niya saka sumilip din pero wala na sina Kuya Nico.
“Ah, wala, Ate Sam.”
Nilingon niya ako. “Sigurado ka?” hindi naniniwala niyang tanong.
Mabilis akong tumango. “Oo naman. Kinakabahan lang ako,” sagot ko.
“O, siya. Lumapit ka na kay Manang. Baka pagalitan ka ni Kolas,” pananakot niya sa akin kaya mabilis akong tumalima.
“Ano ba ang nangyayari sa iyong bata ka? Bakit bigla ka na lang umalis?” nagtatakang tanong sa akin ni Manang Nuring.
Umiling ako. “N-Nakalimutan ko lang po magpabango, hehe,” pagsisinungaling ko.
Kumunot ang kanyang noo pero hindi na siya nagsalita. Sumakay kami sa sasakyan na minamaneho ng asawa ni Manang Nuring, si Mang Ernesto. Matagal na silang mag-asawa pero hindi sila nagkaanak kaya nagsilbe na lamang sila sa pamilya Monteverde.
Mahabang biyahe ang ginugol namin sa daan lalo at nasa ekslusibong lugar ang mansyon ni Kuya Nico. Malayo-layo sa kabihasnankaya medyo natagalan kami papuntang school. Gusto ni Kuya Nico na lumipat ako ng school kaya pumayag ako. Ayaw ko ring makita ulit si Elise, ang aking pinsan na ginagawa akong katulong. Gusto kong mag-aral na walang sagabal kaya lalayo ako sa kanila. Sana lang ay hindi ako mahanap ng aking tiyuhin.
Hmp! Humanda kayo kapag yumaman ako. Hinding-hindi ko kayo bibigyan ni singkong duling.
“W-Wow!” mangha kong sambit nang mabasa ang mga letra sa isang malaking gusali. “Monteverde Academy,” basa ko pa sa nakasulat sa logo na nasa gate ng paaralan.
“Pinatayo ito ni Nico, Iha. Maraming iskolar si Nico rito. Mag-aral ka ng mabuti, ha,” anang Manang Nuring.
Mabilis akong tumango. “Opo, Manang. Salamat,” nakangiti kong sabi. Sabik na akong mag-aral ulit. Sana wala ng mga katulad ni Elise. Ayaw ko ng makita siya. Mag-aaral ako ng mabuti at ipapakita ko sa kanyang kaya ko rin ang ginagawa niya.
Kaagad kaming pumasok sa loob at dire-diretso sa Registrar’s Office. Nagulat pa ako dahil kilala ng mga naroon si Manang Nuring. Ibinigay kaagad ni Manang ang aking mga papelis na hindi ko alam kung kailan nakuha ni Kuya Nico. Ang bilis talaga nilang magtrabaho dahil ilang sandali lang ay enrolled na ako.
“O, ayan. Puwede ka ng pumasok sa lunes, Iha,” nakangiting anunsyo ni Manang Nuring.
Nilingon ko siya. “Excited na po ako.”
“Hmm. May mga gamit ka na ba? Binigyan ako ni Nico ng pera. Pumunta tayo sa Mall. Sasamahan kitang mamili,” anang Manang.
“T-Talaga po? Sige po!”
Kaagad kaming pumunta sa parking area at sumakay na sa sasakyan. Pagkarating namin sa Mall ay kumain muna kami ng tanghalian. Dahil sumasakit ang paa at binti ni Manang ay pinagpahinga ko na lang sila na Mang Ernesto.
“Sigurado kang kaya mo?” nag-aalala niyang tanong sa akin.
Mabilis akong tumango. “Oo naman po. Kaya ko naman. Saka, para po makapagpahinga po muna kayo. Dito lang naman po ako sa NBS.”
Tumango si Manang Nuring. “Sige, Iha. Ikaw ang bahala. Basta bilhin mo na lahat ng gusto mo o mga kailangan mo sa school.”
“Opo.” Binigyan ako ni Manang ng Card kaya kaagad akong pumasok sa NBS. Kumuha ako ng maliit na cart at tinulak-tulak ito habang naghahanap ng nga notebooks at ballpens na gusto ko. Nahihiya ako kaya yung mga mumurahin ang pinili ko. Ang importante ay makakapagsulat at makakapag-aral ako.
Nahinto ako sa pagpulot ng papel nang maunahan ako ng isang kamay. Kunot-noo akong tumingala. Ganoon na lamang ang paghinto ng t***k ng puso ko dahil sa kabang naramdaman.
Oh my God! Si Gio! Ano ang ginagawa niya rito? Bakit siya nandito? Teka lang! Baka mamukhaan niya ako! Shemay!
Kunot-noo niya akong tiningnan kaya mabilis akong nagbaba ng tingin. Wala sa sarili akong nag-ayos ng buhok. Taimtim akong nanalangin na sana hindi niya ako makilala. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi siya umaalis sa tabi ko.
“Are you Ellen? Nico's scholar, right?”
Nagulat ako dahil sa baritono niyang boses. Aligaga akong tumango habang umiiwas sa kanyang paningin.
“Hmm. I’m Gio,” pakilala niya kaya lalo akong nagulat. Huminga ako ng malalim bago tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad sa akin.
“E-Ellen po, Kuya Gio,” sabi ko. Kunot-noo niya akong tiningnan.
“Dom't call me that,” reklamo niya kaya nagtataka ko siyang tiningnan.
“P-Po?” gulat kong tanong sa kanya.
Biglang dumaan ang inis sa kanyang mga mata at kalaunan ay napalitan ng pagiging seryosong reaksyon. Umiling siya sa akin at bumuntonghininga.
“Nothing.”
Nagtataka kong pinanood ang kanyang bulto na papalayo. Umalis siyang hindi man lang nagpaalam.
Bakit naman siya magpapaalam?
“Ano bang nakain niya?” bulong kong tanong. “Ano 'yon? Lumapit lang siya para magpakilala? Pero bakit?” naguguluhan kong tanong sa aking sarili.
“Ellen? Ikaw ba ’yan?”
Nanigas ang aking buong katawan nang marinig ang pamilyar na boses. Hindi ako makagalaw. Ayaw kong tingnan kung siya nga ba ang narinig ko. Isang kamay ang kumalabit sa akin at pilit na sinisilip ang aking mukha.
“Aray—”
“What are you doing?”
Gulat akong nag-angat ng paningin kay Gio na nasa tabi ko nakatayo. Nakatingin sa taong nasa aking likuran at pilit akong tinitingnan, si Elise. Sigurado akong siya si Elise.
“Ay, sorry. Akala ko kasi kakilala ko,” rinig kong sabi ni Elise. “Anyway, I’m Elise.”
“I’m not asking,” masungit na sagot ni Gio.
Palihim akong natawa pero pinigilan ko ang aking sarili. “Now go,” pagtataboy niya kay Elise. Lalo akong natawa dahil alam kong nag-aalburoto na ngayon ang ilong ni Elise.
“Psh. Ang sungit,” rinig kong usal niya bago nagdabog paalis.
Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong wala na siya. Binalingan ko si Gio na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa malayo. Kaagad na nagbago ang kanyang ekspresyon nang salubungin niya ang aking paningin.
“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong. Biglang naging maamo ang kanyang mukha.
Tumango ako. “Salamat, Kuya Gio,” sensero kong sabi. Bigla na lang niyang tinanggal ang kanyang kamay na nakahawak sa aking balikat at parang nagdabog na umalis palayo sa akin. Nagugulat kong tinitigan ang kanyang likuran. “Ano na naman ang nangyari sa kanya?” nagtataka kong tanong sa aking sarili.
Gio’s POV
“Puwede ba, Kuya. Umupo ka naman. Kanina ka pa palakad-lakad sa kuwarto ko. And why are you here ba?” naiinis na tanong sa akin ni Venice. “Kailangan ba talagang dito ka sa kuwarto ko?” dagdag niyang tanong habang nakapamaywang sa gilid ng kanyang kama.
Nilingon ko siya. Nakabuka ang bibig ko. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig ko kaya itinikom ko na lamang ito.
“What now, Kuya Gio? Ano ba ang nangyayari sa ’yo?”
Bumuntonghininga ako at napakamot sa ulo. Wala rin naman akong alam. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko. Basta ang alam ko, sinuntok ako ng isang babaeng magnanakaw.
“God!”
Napaigtad si Venice dahil sa bigla kong pagsigaw. “Kuya, naman! What's wrong with you? Tatawagin ko si Mommy.”
Nagugulat ko siyang nilingon at kaagad na pinigilan gamit ang aking mga kamay.
“What? Hindi ka na makapagsalita? Are you now mute? Goodness, Kuya. Natatakot na ako sa ’yo,” usal niya at kaagad na lumayo sa akin.
“I don't have disease, Veni,” naiinis kong sabi. “May iniisip lang ako.”
“What is it ba? Bakit para kang nagiging timang diyan?” tanong niya.
“It’s n-nothing.”
“Hindi ka sigurado.”
Tumango ako. “I-I’m a little lost."
“Hindi ka naliligaw, Kuya. Ano ba ang problema mo?” naiinis niyang tanong sa akin.
Huminga ako ng malalim at seryoso siyang tinitigan. “Ew! Cringe! Huwag mo akong tingnan ng ganiyan!” inis niyang reklamo kaya umiwas ako ng tingin. “Anyway, tell me. Kung hindi ay sasabihan ko si Mommy,” pananakot pa niya sa akin.
“Ano… kasi… I was punched. In the face.”
Nagtataka niya akong tiningnan na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig. Mga tingin na animo ay nagsasabing sanay na akong nasusuntok ka, Kuya.
“And?”
Nagugulat ko siyang tiningnan. “What do you mean and? I was punched, Veni. In the face.”
“O, tapos? Sanay na ako, Kuya Gio. Bakit parang nagugulat ka pa?” inis niyang tanong. Lalo lang siyang nainis sa akin.
“Veni, I was punched by a girl.”
Nahinto siya sa ginagawa at gulat na tumingin sa akin. Nakaawang pa ang kanyang bibig. “E-Eh? Seryoso ka, Kuya?” naninigurado niyang tanong sa akin.
Tumango ako. Pinakita ko pa sa kanya ang putok kong labi na tinahi ni Mateo kahapon.
Kaagad siyang tumili at tumalon pa sa sobrang tuwa. “Talaga, Kuya? Oh my God! That’s great news!” tumatawa niyang sambit.
Dismayado akong tumingin sa kanya. “Seriously, Venice?”
“What? First time 'yon, Kuya Gio. Walang nakagawa n'on sa ’yo, Right? My goodness! Who's the girl ba? I want to meet her, Kuya,” excited pa niyang sabi.
Lalo lang akong nadismaya sa kanya. “I don’t know her. She purposely punched me in the face. Ninakawan niya ako and then she punched me kasi sinabi kong ipapakulong ko siya. It was just a threat. Hindi ko naman gagawin yun dahil wala naman siyang nakuhang pera sa akin. She was mad kasi walang laman ang wallet ko,” mahaba kong kuwento.
Malakas na tumawa si Venice. Hawak-hawak pa niya ang kanyang tiyan sa sobrang pagtawa. “What the hell! Hahaha! I can’t believe this! Wow!”
“Wow! It's not funny, Veni. Nasaktan ako,” reklamo ko. Nagbabakasakali na maawa naman siya sa akin.
Inirapan lang ako ng maganda kong kapatid. “Psh! Para ka namang hindi lalaki, Kuya. It's not a big deal. I’m sure hindi mo siya nakalimutan, Right? I want to meet her talaga, Kuya. Sana magkita ulit kayo, hehehe.”
“Tuwang-tuwa ka pa, ‘no?” inis kong tanong sa kanya.
“Hmp! Dapat nga ay matuwa ka, Kuya. First time 'yon, hehe. Baka naman na love at first sight ka na niyan?” nanunukso niyang tanong.
Sinimangutan ko siya. “Hay, naku! Para kang si Mateo. Kung ano-ano ang sinasabi.”
“Talaga? Hehehe. Baka naman kasi totoo ang sinasabi namin, Kuya. Meant to be kayo, ganoon.”
“Hay, ewan ko sa ’yo.”
“Uy! Baka mamaya palagi siyang laman ng isip mo, hehehe. Kaya siguro hindi ka mapakali ngayon, ano?” pakindat-kindat pa niyang tanong.
Napabuntonghininga na lamang ako at hinayaan siya sa ginagawa niya. Inaya niya akong kumain sa labas kaya sumama ako para mawala sa isip ko ang babae. Hindi ko alam kung bakit hindi na siya mawala sa isipan ko. Tinatamad pa akong kumilos pagkatapos naming kumain. Dahil may bibilhin siyang makeup ay hindi na ako sumama.
Sumilip ako sa NBS dahil may nahagip ang paningin ko. Si Manang Nuring, nakaupo sa labas ng NBS kasama si Mang Ernesto. Kaagad akong lumapit sa dalawa.
“O, Gio. Nandito ka rin pala?”
Tumango ako kay Mang Ernesto. “Sinamahan ko po si Venice. Kayo po? Ano po ang ginagawa ninyo rito?” nagtataka kong tanong.
“Ay, sinamahan kasi naming mag-enroll si Ellen tapos bumili na rin siya ng mga gagamitin niya sa school. Nasa loob siya ng NBS, Iho,” ani Manang.
Nilingon ko ang b****a ng NBS. Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang aking katawan papasok sa NBS. Wala naman akong bibilhin doon, at hindi naman ako mag-aaral.
Sh*t! What am I doing here?
Inis akong napaayos ng buhok at kagat-labing nagpalinga-linga. Hindi ko alam kung bakit may hinahanap ako. Hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili. Nahinto ako sa paglalakad nang mamataan ang pamilyar na tindig. Nakayuko siya habang may tinitingnan. Wala sa sarili akong lumapit at pinulot ang isang papel.
Gulat at kunot-noo siyang tumingala sa akin. Nagbago ang kanyang ekspresyon nang makita ako. Maging ako ay nagugulat sa sarili dahil hindi ko alam ang ginagawa ko. Parang may sariling isip ang aking katawan.
“Are you Ellen? Nico's scholar, right?” tanong ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar siya sa akin. Naalala ko na naman ang babaeng sumuntok sa mukha ko. Nakikita ko sa kanya ang babaeng iyon.
Dahan-dahan siyang tumango bago nag-iwaa ng tingin sa akin. “Hmm. I’m Gio.” Huminga ako ng malalim habang gulat siyang nakatingin sa akin na animo ay sinasabi ng kanyang paningin na hindi siya nagtatanong.
“I’m E-Ellen po, Kuya Gio,” pakilala niya.
Kumunot ang aking noo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa narinig.
St*pid! Of course she will call you Kuya.
Umiling ako. Gusto kong sampalin ang aking sarili. Napabuntonghininga ako bago nagsalita. “Don't call me that,” reklamo ko.
“P-Po?” gulat niyang tanong sa akin.
Sumeryoso ako. Hindi makapaniwala sa narinig. “Nothing,” sabi ko saka naglakad papalabas ng NBS. Kaagad ding akong huminto harap iniisip kung tama ba ang ginagawa ko.
Kamot-ulo akong nagpalinga-linga na larang tanga. Alam kong pinagtitinginan na ako ngayon pero wala akong pakialam. Lumiko ako para magtago at pinanood ang bawat galaw ni Ellen.
“God! I can’t believe I’m doing this. What’s wrong with me?” inis kong tanong sa aking sarili.
Hindi kaya tama sila? They think that I’m in love? But the question is, am I? Baka naman naintriga lang ako dahil unang beses lang nangyaring nasuntok ako ng isang babae. Pero bakit parang kay Ellen napupunta ang atensyon ko? They looked alike though but I’m sure she’s not the woman who punched me in the face.
“Ellen? Ikaw ba ’yan?”
Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang pangalan ni Ellen. Mabilis akong nag-angat ng paningin at hinanap si Ellen. Nakatayo siya at nakatalikod sa babaeng pilit sinisilip ang kanyang mukha. Pansin ko ang takot sa kanyang mukha na para bang iniiwasan niya ang naturang babae. Mabilis akong lumapit at hinarangan ang babae.
“Aray—”
“What are you doing?” putol kong tanong sa babaeng pilit na kinikilala si Ellen. “She’s uncomfortable being near with you,” inis kong sabi.
“Ay, sorry. Akala ko kasi kakilala ko,” sagot ng babae. “Anyway, I’m Elise,” pakilala niya.
Nagsalubong ang aking kilay. “I’m not asking,” masungit kong sagot. Napansin ko ang lihim na pagtawa ni Ellen dahil sa sinabi ko. “Now go,” pagtataboy ko sa babae. Lalo siyang natawa dahil sa narinig.
Inirapan ako ng babaeng nagpakilalang si Elise. “Psh. Ang sungit,” sabi niya habang nagdadabog paalis.
Binalingan ko si Ellen na huminga ng malalim. Biglang nagbago ang aking ekspresyon nang mapansing nakatingin siya sa akin.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ko.
Tumango siya. “Salamat, Kuya Gio,” seryoso niyang sabi.
Naiinis kong tinanggal ang aking kamay sa kanyang balikat at naglakad palayo. Hindi ko alam kunh bakit nagagalit ako. Ayaw kong tinatawag niya akong kuya. I can’t understand myself.
Why? Why? Why?
Why am I like this?