Chapter 4

2113 Words
Chapter 4 Ellen’s POV Dumiretso kami sa bahay pagkatapos kong mamili ng gamit. Naabutan naming kumakain si Ate Sam. “O, tapos na? Kain kayo,” alok niya sa amin. Kaagad akong umiling. “Busog pa po ako, Ate. Aakyat na lang po ako sa taas para magpahinga.” Binalingan ko si Manang Nuring. “Salamat po sa pagsama, Manang. Magpahinga na rin po kayo,” sabi ko. Tumango lang si Manang at kaagad na nilapitan si Ate Sam. Hindi na ako nakinig sa kanilang pag-uusap dahil masakit na ang mga binti ko. Kaagad akong sumalampak sa aking kama. “Hay, nakakapagod, ah.” Tumagilid ako at bumuntonghininga. Naisip ko ulit si Kuya Gio. “Ano kaya ang problema niya?” nagtatakang tanong ko sa aking sarili. “P-Pero… bakit ang guwapo niya kapag ganoon siya?” Wala sa sarili kong hinawakan ang aking dibdib. Damang-dama ko ang malakas na kabog ng aking puso. “Kinikilig ako kapag ganoon siya sa akin per… ano kaya ang iniisip niya? Bakit siya lumalapit sa akin?” Nakatulugan ko na lamang ang ganoong pag-iisip. Lumipas ang mga araw at buwan. Naging maayos ang pag-aaral ko sa bagong paaralang pinapasukan ko. Hindi ko na ulit nakatagpo si Elise na ipinagpasalamat ko naman ng malaki dahil wala pa akong lakas ng loob para makipaglaban sa kanya. Sa loob ng mga araw ay nagpukos ako sa pag-aaral. Hindi ko na rin nakikita si Kuya Gio. Si Ate Sam naman ay nalaman kong ikinasal kay Kuya Nico. Hindi ko alam kung seryoso ba silang dalawa pero isa lang ang napapansin ko. Naging mabait si Kuya Nico. Noong una ko siyang nakilala ay halos nagsusuntükan ang kanyang mga kilay kapag nagsasalita. Hindi rin siya ngumingiti pero nang dumating si Ate Samantha ay nagbago si Kuya Nico. Iyon din ang bukambibig nina Manang Nuring, Mang Ernesto, at ang iba pang kasambahay. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya dahil pinag-aral ako ni Kuya Nico. “Hoy!” untag sa akin ng kaibigan kong si Stella. Nilingon ko siya at kunot-noo na tiningnan. “Bakit?” “Hay, naku! Kanina pa kita tinatawag. Sino na naman ba ang iniisip mo at parang may sarili kang mundo?” naiinis niyang tanong sa akin. Inabot niya sa akin ang isang supor ng rosas. “O, pinabibigay ng admirer mo,” nakasimangot niyang sabi. “Ha?” Mabilis na umirap si Stella. “Napaka-slow mo naman! Tanggapin mo na at nangangalay na ako,” reklamo niya pa. Wala sa sarili ko itong tinanggap. “Bakit may pabulaklak pa?” “Aba, malay ko! Bakit ba ako ang tinatanong mo?” naiinis niyang tanong. “May mens ka ba ngayon? Maldita ka ngayon, eh,” komento ko. “Hmp! Hindi ka pa nasanay,” rinig kong sabi ng bagong dating na si Mikaela. Kaagad siyang humalik sa pisngi ko. “Hello, Dainty Ellen,” bati niya pa sa akin. Gumanti ako ng halik. “Hi, Mika!” “Ew! Huwag kayong maglandian sa harap ko!” reklamo ni Stella na sinabayan pa ng pag-irap. Sabay kaming tumawa ni Mika. “Ang arte mo!” “Wow! Kayo na ang mag-bestfriend ngayon,” nakataas ang kilay na tanong ni Stella kay Mika na tinawanan lang ng huli. “Tama na nga ’yan. Mapagalitan pa tayo,” saway ko sa kanilang dalawa. Maayos kong itinago ang bulaklak na bigay sa akin. Hindi ko naman kilala kung sino dahil hindi rin naman alam ni Stella kung sino. Inuutusan lang din siya pero hindi niya alam kung kanino nanggaling ang bulaklak. Biglang umasa ang puso ko na sana siya ang nagbibigay ng bulaklak. Hindi ko alam kung bakit siya lang ang pumapasok sa isip ko sa tuwing may natatanggap akong regalo. Hindi naman ako binibigyan ni Kuya Nico dahil may hawak naman akong gintong card na bigay niya. Hindi ko rin naman ginagamit dahil wala naman akong gustong bilhin. Marami ring sobra ang binibigay ni Kuya Nico na allowance kaya may ipon na rin ako. Hindi ko na kailangang humingi sa kanya. “Ayan siya, o. Natutulala na naman,” rinig kong bulong ni Stella kay Mika pero hindi ko sila pinansin. “Hayaan mo na. Ikaw nga ay napapaisip din kung sino ang admirer ng kaibigan natin. Napakabongga. Araw-araw may regalo. Naiinggit tuloy ako,” rinig kong sagot ni Mika. Pagkatapos ng klase namin ay sabay-sabay kaming pumunta sa aming tambayan. Hindi na ako umuuwi kapag lunch time dahil may cafeteria naman kami. Kasama na ang bayad sa tuition namin kaya naman sa cafeteria na rin ako kumakain. Tahimik akong naupo pagkatapos kong mag-order ng pagkain at hinintay ko ang dalawa na araw-araw na nahihirapan sa pagpili ng kakainin. “Nahihilo na ako. Hindi kasi nakakain ng almusal ngayon, eh,” nakangiwing reklamo ni Stella. “Bakit na naman?” “Hmp! I overslept, best friend.” “Ayan! Kaka-IGram mo ’yan.” “Psh! Bakit? Hindi ka ba nagpupuyat? I’m boy hunting kasi,” rason pa ni Stella. Tumawa ako. “Sana all,” komento ko. “Duh! Ako dapat ang nagsa-sana all. Ikaw itong araw-araw may pabulaklak, eh.” “Mararanasan mo rin iyan,” sabi ni Mika na sinang-ayunan ko. “Kailan pa? God! I can’t wait,” sabi niya. “Kumain ka na lang, Stella. Gutom lang ’yan,” sabi ko kaya inirapan niya ako. Sabay naming tinapos ang pagkain at sabay rin kaming pumasok sa huling subject namin. Sa uwian ay sinusundo ako ng sarili kong driver. Si Kuya Baji. Kaagad akong nagpaalam sa dalawa nang masundo ako ni Kuya. Sa bahay ay mabilis akong mga kilos ko paakyat sa akong kuwarto. Ayaw kong makita ni Kuya Nico ang bulaklak. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa aking silid. Dahan-dahan kong inilapag ang bulaklak sa mesa at tiningnan ito nang mabuti. Iisang tao lang ang nagbibigay dahil alam na alam ko na ang pattern ng pagsusulat niya sa maliit na card. Kaagad akong umiling nang sumagi na naman sa aking isipan si Kuya Gio. “Tss. Bakit naman siya?” naiinis kong tanong sa aking sarili at pilit siyang iwinawaksi sa aking isipan. Gio’s POV Kalalapag lang ng aking sinasakyang eroplano. I have been away for months dahil sa aking trabaho. Hindi naman ako nagsisisi dahil nanumpa ako sa harap ng organisasyon. Pero… na mi-miss ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang makita. Walang araw o gabi na hindi ko siya naiisip. Kapag napapagod na ako sa aking ginagawa ay siya lang nagbibigay ng lakas sa akin. Kapag pumapasok siya sa aking isipan ay nagkakaroon ako ng lakas para tapusin ang aking trabaho. Sabik na sabik kong tiningnan ang aking cellphone nang tumunog ito. Mabilis ko itong tiningnan ngunit napawi ang ngiti sa aking labi nang makita ang pangalan ng tumatawag. Tinatamad ko itong sinagot. “Hello,” walang gana kong sabi. “Wow… parang hindi ka naman excited na makita ako, ah, Kuya,” reklamo ni Venice. “Pasulubong ko. Huwag mong kalimutan,” dagdag niyang sabi. “I know.” “Bakit parang wala ka sa mood? Are you expecting someone to call you?” “Nothing, Venice. It’s nothing. Pagod lang ako,” paliwanag ko. Matagal bago siya nagsalita. “Hmm? Mukhang isa lang ang solusyon niyan, Kuya. Remember that girl who punched you? Siya ba ang dahilan ng pagiging lonely boy mo?” tukso niyang tanong kaya napabuntonghininga ako. “Tama ako, right?” “Veni, just stop it. It's not her,” rason ko pero hindi siya nakinig. “Kuya, I know you. Hindi ka nagkakaganiyan noon. Even before you ended your relationship with —you know who—. Ngayon ka lang nagkaganiyan. After that incident with that mysterious girl. You looked glum.” Nahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabu niya. “Am I?” “Ay, hindi, Kuya. Masaya ka po palagi. Masayang-masaya. My goodness! Halos nga hindi kita makausap nang maayos sa phone dahil palagi kang wala sa sarili.” “I’m coming home.” “Alam ko.” Inis kong ibinaba ang tawag. Tinatamad akong magsalita. Alam ko namang hindi matitikom ang bibig ni Venice kapag pinatulan ko ang mga sinasabi niya. Kaagad akong sumakay sa sasakyan nang makita ko ang family driver namin at pikit-mata ako buong biyahe dahil sa pagod. Ilang buwan na rin ng malaman naming lahat kung sino ang pinakasalan ni Nico. Hindi ako makapaniwala na magpinsan kami ni Samantha. Si Venice naman ay hindi natuwa dahil may gusto siya kay Nico na hindi naman pinatulan ng huli. Dahil nasa panganib ang buhay ni Samantha ay pinagtulungan namin ni Draken na mahanap si Arnel, ang taong pumatay sa mga magulang ni Samantha. Napasubsob ako sa harapan nang biglang huminto ang kotse. Gulat kong tiningnan ang driver. “What happened?” alertong tanong ko habang nagpalinga-linga sa paligid. “Sorry, Sir Gio. May bata po kasing biglang dumaan,” kinakabahan na sagot ng driver. Huminga ako ng malalim. “Be alert always,” paalala ko na tinanguan niya lang. Pagdating sa bahay ay kaagad akong pumasok sa loob. Nasa sala naghihintay si Venice. Kaagad siyang tumango at sinalubong ako. “Where's my pasalubong?” kaagad niyang tanong. Sinimangutan ko siya. “Wala man lang welcome home! Tss!” reklamo ko. Inis kong iniabot sa kanya ang isang paper bag na naglalaman ng mga pinabili niya. Nakangiti kong sinalubong ng halik sa pisngi si Mommy kasunod si Daddy. Mahigpit akong niyakap ng aking ina. “Welcome home, Anak. I’m glad you're safe,” sabi ni Mommy na nagpapahid pa ng luha. “I know, Mom. Thank you for worrying about me,” sensero kong sabi. “Duh! Don’g be dramatic, Kuya Gio. You are fine,” pang-iinis sa akin ni Venice. Hindi ko siya pinansin habang hinahalungkat ang mga gamit ko. “Huwag mo nga iyang pakialaman,” inis kong saway sa kanya at inagaw ang akong bag. Baka kaso makita niya ang isang pack ng condom na itinago ko roon. “Bakit? Ano naman ang tinatago mo riyan, ha?” intriga niyang tanong. Binalingan ko si Daddy nang magsalita siya. “How’s work, Son?” Umupo ako sa sofa kaharap nila. “It’s good… but boring,” sabi ko. “I want some thrill, Dad.” Sumimangot ang mukha ni Mommy. “Huwag ka na ngang mag-inarte. It’s good naman na hindi masyadong delikado ang ginagawa mo ngayon, Anak. Hindi ko matatanggap kapag may nangyari sa inyong dalawa,” emosyonal na saad ni Mommy. “Mom… stop thinking about negative things. Ayos lang kami,” sabat ni Venice na nakangiwi pa sa akin. “Veni’s right, Mom. We’re fine,” sang-ayon ko. “At least for now,” saad naman ni Daddy. Sabay kaming tumango ni Venice. Nagpahanda si Mommy ng hapunan kaya busog na busog ako habang pauwi sa aking sariling bahay. Pagdating sa Prince Town subdivision ay kaagad akong naligo at nagbihis. Nakahiga na ako sa kama pero hindi ako makatulog kahit na pagod ako sa biyahe. Nasanay ang katawan ko sa oras sa ibang bansa. Paikot-ikot ako sa aking kama. Padabog akong bumangon at kaagad na naghagilap ng jacket. Kinuha ko ang aking motorbike at kaagad na pinaharurot ito paalis. Dinala ako nito sa bahay ng aking kaibigang si Nico. “O, Sir Gio. Gabi na. Napadalaw ka? Nakauwi ka na pala?” tanong sa akin ng guwardiya na kaibigan ko na rin. Ngumiti ako. “Kauuwi ko lang kanina. May dadalawin lang ako,” sabi ko habang pababa ng motor. “Naku! Wala po si Sir Nico at Ma’am Samantha.” Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam. Ngumiti ako nang bahagya. “Ayos lang. Si Manang Nuring ang bibisitahin ko,” pagsisinungaling ko. Nagtataka pa niya akong tiningnan pero kaagad din naman niya akong pinapasok. Mabuti na lang at may dala akong pasalubong at binigyan ko rin ang guwardiya. Hindi na ako nag-doorbell dahil nakabukas naman ang pinto. Walang tao sa sala. Malamang tulog na ang mga kasambahay dahil makulimlim na ang ilaw sa sala at kusina. Nanigas ang aking katawan nang mamataan si Ellen na palabas ng kusina. Nahinto siya sa paglalakad nang makita ako. “K-Kuya Gio?” gulat niyang tawag sa aking pangalan. Kumunot ang aking noo pero kaagad ko ring kinalma ang aking sarili. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at huminto ako sa kanyang harapan. Inangat ko ang aking kamay na may dalang paper bag at inabot ito sa kanya. Nagtataka niya itong tiningnan. “A-Ano po ’yan? Para kay Manang Nuring ba ’yan?” tanong niya. Nag-angat siya ng paningin at seryoso akong tiningnan. “Tulog na po si Manang,” dagdag niyang sabi. “I-It's for you,” utal kong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD