Chapter 44 Ally or foe Shawnna Gaile Arcinue Napabangon ako sa kama ko nang marinig ang pagbagsak ng pinto. Para iyong binalibag pasara ng kung sino kaya halos mataranta ako sa paglabas ng silid ko. "Ano iyon?" tanong ko paglabas ng kwarto. Humahangos naman na pumasok si MJ sa bahay namin at saka lumapit sa kinaroroonan ko. "You won't believe what I heard." Hinihingal pa siya habang nagsasalita kaya inabutan ko siya ng tubig. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa 'kin. "Ano na namang chismis ang nakalap mo?" Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sarili kong komento. "I hope chismis lang ang nasagap ko pero hindi." Tumaas ang isang kilay ko. "Really?" Nilagok niya ang tubig na bigay ko at saka tumitig sa 'kin. "Alam mo iyong pugot na ulong kinuwento mo sa 'kin? Iyong pinagbintangan m

