Chapter 45 Vampires and hesitations Shawnna Gaile Arcinue Bahagyang nakaawang ang bibig ko habang nakatingin sa maputing babae sa harap ko ngayon. Imbis na pulang fitted dress ang suot niya gaya noong una ko siyang makita, isang black office suit ang yumayakap sa balingkinitan niyang katawan. Itim na high heels ang sapin niya sa paa pero poise na poise pa rin siya kung makatayo. "I know that I'm beautiful but no need to drool," ani babaeng sinisipat ko. Napailing pa ako dahil sa sinabi niya. "Are you Chelsea's twin?" Isang pagak na tawa lang ang sinagot niya sa 'kin bago ako iginaya sa loob ng laboratoryo. “Apat na taon din tayong hindi nagkita kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganiyan ang naging reaksyon mo,” aniya habang naglalakad kami sa pasilyo. Ayon sa pagpapilantik ng

