31 Demons Shawnna Gaile Arcinue "Mommy!" Napatigil ako sa paghuhugas ng plato dahil sa sigaw ng anak kong umiiyak. Nagpunas ako saglit ng kamay at saka siya nilapitan. Pinunasan ko ang kaniyang luha. Ang dumi tuloy niyang tingnan. She's already four years old at nag-aaral na. Uwian na nga nila ngayon at mukhang may umaway sa kaniya. She's really a good-natured kid kaya hindi ako magtataka kung maging tampulan siya ng tukso. Idagdag mo pa ang napakaputi niyang balat na parang isang manika. For humans who live in a tropical country, madalang ka makakita ng ganito kaputing babae. She inherited my white complexion, though mas matingkad ang kaniya. Her blue eyes also scream foreign na nakapagpatingkad pa sa balat niya. "Why's my baby crying? May umaway ba sa iyo? Tell mommy. Kakausapin n

