30 New Life Shawnna Gaile Arcinue "Ayos ka lang ba, Mahal na Reyna?" tanong ni MJ habang nakatingin sa 'kin na kanina pa tulala. Nalaman kong siya si Mary Joy na ka-schoolmate ko. Nang maaninaw ko ang tunay niyang itsura ay napagtanto kong siya iyong nasa rooftop na nakita ko. Kaya raw namimilit ang tiyan niya noong araw na iyon ay dahil kumain siya ng pagkain ng mga tao. Sinubukan niya raw kasi kung kakayanin niyang mabuhay kahit pagkain lang ang kainin niya at walang dugo. "Ayos lang ako, MJ. Ano ka ba! Napatulala lang naman ako," sabi ko habang pilit na tumatawa. Imbis na makitawa siya ay tinitigan niya ako gaya nang pagtitig niya noon sa 'kin sa rooftop. "Mahal mo pa rin ang mortal na iyon, Mahal na Reyna." Literal na napatigil ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. "Hindi n

