Chapter 33 Meet you again Shawnna Gaile Arcinue "DUWENDE?" "Opo, Mahal na Reyna. Hindi ko masasabi kung sino ang duwende pero mayroong duwende sa paaralan kung saan ka nag-aaral." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Luke. "Paano ko naman malalaman kung duwende siya?" tanong ko. "Maliit," biglang singit ni MJ na kasalukuyang hawak ang phone niya, nakahilata sa kama at nasa tabi ko. "Maaari," pagsang-ayon ni Luke. "Hindi puwedeng iyon ang maging basehan dahil ang daming pandak sa mundong ito," sabi ko na lang. "Aray ko, a? Ang sakit mo magsalita," sarkastikong sabi ni MJ. Hindi naman kasi siya ganoon katangkad pero hindi rin naman siya maliit. Inirapan ko siya. "Arte! Hindi ka naman ganoon kaliit. Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Akala ko ba ay may date kayo ni Joseph mo?" b

