Chapter 34 Meet you again Shawnna Gaile Arcinue "So, sino nga iyong Luke na kasama mo sa anim na daang taon mong pamamalagi sa mundo ninyo?" tanong niya habang nakaupo sa harap ko. Nandito kami sa isang restaurant at nasa isang VIP room kami kaya walang istorbo. Kulay dilaw ang halos lahat ng ilaw na nakadikit sa dingding at may isang lalaking tumutugtog ng piano sa gilid. Medyo dim sa puwesto namin at may kandila lang sa gitna ng table. May kulay pulang mantel ito at ginto naman ang kulay ng bakal naming upuan. Wala pa ang order kaya naman nagkuwentuhan na lang kaming dalawa. Siguro naman ay ayos lang magkuwento ako. Tutal ay wala naman akong dapat itago sa kaniya. I owe him an explanation. Hindi ko pa nga lang kayang sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Hindi pa

