Chapter 35 Little Demons Shawnna Gaile Arcinue "Mag-ingat ka sa school, a? And don't forget to do your best!" Napangiti si Venice dahil sa sinabi ko. "Of course, mommy! I'll do my best," aniya sa akin. "Bye, Rin and Rem! Let's play later together. Wait for me, okay?" aniya naman sa dalawa niyang kaibigan. "Okay, take care, princess!" paalam nilang dalawa sa aking anak. They are both invisible on humans' eyes kaya hindi na ako nagdalawang isip na isama sila sa paghahatid-sundo kay Venice. Pinagbawalan ko na rin silang manatili sa school kasama si Venice para maiwasan ang mga taong pinag-uusapan ang anak ko. Alam ko namang inaakala nilang baliw si Venice dahil nagsasalita ito nang mag-isa. Noong una ay umangal silang tatlo. Wala raw kalaro si Venice kung ganoon at

