Chapter 36 Father and Daughter Shawnna Gaile Arcinue Pinagpapawisan ako nang malagkit at panay ang tingin ko sa pinto habang nakaupo sa sofa. Panaka-naka rin ang pagsulyap ko sa orasan dahil hindi ako mapakali. Wala naman dapat akong ikakaba pero ito ako at ang bilis ng t***k ng puso. Para bang may mga kabayo rito na nagtatakbuhan. Iyong totoo, Shawnna, para kang tanga. "Mommy, are you okay?" Napatingin ako sa anak ko na nakatingala sa akin mula sa sahig. Kalaro niya sina Rin at Rem pero mukhang naistorbo ko sila. "Ayos lang ako, anak. Just continue playing, okay?" Pilit akong ngumiti sa kanila pero mukhang kilala na ako ng anak ko. "You seem uneasy, mommy. Is something bothering you?" Napangiti naman ako sa kaniya at saka siya niyakap nang mahigpit. "Mommy's okay, baby. Ki

