Chapter 37 Four Hours Shawnna Gaile Arcinue “SA ARAW NA ito,” panimula ko, “Kailangan mo lang samahan ang anak natin at ipasyal siya sa kahit anong lugar na gusto niya.” Inabot ko sa kaniya ang bag na naglalaman ng mga sanitary stuff na kakailanganin nila in case na madumihan ang anak ko. Binanggit ko rin kung ano at paano gamitin ang ibang mga bagay gaya ng wet wipes. Napapunas ako sa pawis ko sa noo dahil kaninang umaga pa ako nag-aayos ng mga gamit namin. Maaga akong gumising para asikasuhin ang dadalhin nila lalo na ang mga kailangan ng anak ko. Napagpasyahan kong huwag muna sumama sa kanila sa unang araw namin dito sa Borone para asikasuhin ang mga pasaway na Dwende sa Lantau Island. Pagkatapos niyon ay saka ako susunod sa kanila. Alam na ni MJ ang plano ko kaya tinutulungan niy

