Chapter 26

1201 Words

26 Odds Shawnna Gaile Arcinue "What?" Napatingin ako kay Tanda na may kausap sa phone. Sinenyasan niya akong lalabas lang siya saglit kaya tumango ako. Dumeretso siya sa balkonahe at doon nakipag-usap sa kung sino man iyon. Uminom na lang ako ng tubig, nagbabaka sakaling malunok ko ang selos na nararamdaman ko. Pero hindi iyon nangyari. Na-curious pa rin ako sa kung sino ang kausap niya. Nandito na kami sa sala ng hotel na tinutuluyan namin. Naglalaro kami ng uno at dahil taya na ako ay nanonood na lang ako sa kanila. Tawa nang tawa ang mga babae dahil pinagtutulungan nila si Joaquin na matalo. May dare kasi na gagawin. Napatingin ako sa glass door nang pumasok ulit si Vicente. Tumabi siya sa akin at mukhang hindi napansin iyon ng mga kaklase ko. "Sino iyon?" pasimpleng bulong ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD