27 Separate ways Shawnna Gaile Arcinue Pagpasok ko sa kwarto ni Chelsea ay nagulat ako nang si Tanda lang ang nakita ko. Hindi ko iyon napaghandaan kaya agad na kumunot ang noo niya. "What's the problem? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha mo?" tanong niya habang lumalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit napaatras ako kaya nakita kong nagulat siya. Hindi rin inaasahan ang pag-atras ko. "Nothing..." sabi ko na lang dahil ako rin naman ang may kasalanan. Kasalanan ko kung bakit bawal kaming magpaka-sweet sa isa't isa. Ako naman kasi ang nagsabing magpinsan kami. "You're here. Let's do this!" singit ni Chelsea kaya nakahinga ako nang maluwag at nakatakas sa maaaring tanong ni Tanda. "According to my source, she's really here in Borone. Dito mismo sa resort kung

